Chapter Fifty-seven

73 7 0
                                        

Aestherielle POV


Rinig ko pang nagsusumigaw sa inis si Flor ng iwanan namin.


"Ghorl? Tama ba narinig ko? Sasali ka na?" Nakatulalang tanong ni Lanie.


"Nabingi ka lang ata." Pag-bibiro nito.


"Ghorl, sasali na daw si Aestherielle sa dance group" nakatulala ding sabi ni Bridget.


"Mukha kayong timang. Oo sasali ako, ayos na?" Sabi ko dito at umuna na ng paglalakad.


Hanggang sa room ay nakatulala parin ang mga ito.


"Lani my loves, ba't nakatulala ka? Iniisip mo 'ko 'no? Aysusss, ikaw ha. Inlove na inlove ka na sa'kin." Pang-aasar ni Claude pero hindi ito pinansin ni Lanie. "Ouch, snob" kunwaring nasasaktan na sabi ni Claude, pero wala paring kibo ang isa.


Hindi ko nalang din ito pinansin. Masyado ata silang OA. Sasali lang naman ako, nagkaganyan na sila.



Eh kung 'wag nalang kaya ako sumali?


Napadapo naman ang tingin ko sa may pintuan at sumakto naman ng pag-pasok ni Flor. Sinamaan nya ako ng tingin, pero inirapan ko nalang ito.



Hindi na kita uurungan, bitch.



Nagbabasa nalang ako ng libro nang biglang sabay na umirit si Lanie at Bridget.



"Sasali si Aestherielle sa Dance group!!" Pag-sigaw ni Bridget.


"Sasali sya!!!" Sabi pa ni Lanie.


Nagkatinginan naman kami ni Eunice, akmang sisigaw din sya nang tapalan ko ang bunganga nya.


"Kingina, pinagsigawan pa." Bulong ko sa sarili ko.

"As if, makakapasa sya." Sigaw ni Flor.


"Alam mo ikaw Flor? Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka nalang. Tulong mo na din sa environment, 'wag ka na magpalaganap ng mabahong hangin." Pag-babara ko dito.


Nakita ko naman syang pasimpleng inamoy ang hininga nya.


Umakbay naman si Claude sa akin.



"Oh ano problema mo?" Masungit na tanong ko dito.


"Sasali ka nga?" Pagtatanong nito.


"Oo nga. Bakit ba sobrang big deal sa inyo?" Pagtatanong ko din dito.


"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" Pagtatanong din nito sa akin.


"Ika'y umalis sa aking harapan. Naalibadbaran ako sayo" pag-susungit ko pa dito.


Lumayo naman ito at sa wakas nanahimik na ang paligid.

Hanggang sa dumating na din ang prof. namin.


Lumipas pa ang ilang oras at dismissal na.

Namiss ko ang ganito. Namiss ko ang mag-aral ng walang inaalalang problema. Namiss ko na nag-aaral na walang konsumisyon. Namiss ko ang ganito, pero parang may bago.



UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now