Aestherielle POV
Pareho kaming nagulat ni Ari.
No, no. Dapat hindi nya nalaman. Patay na.
Hinila ko kaagad si Xernia papasok sa kwarto at sinarado mabuti ang pintuan.
"Anong manners meron ka Xernia? May pinaguusapan kami sabat ka ng sabat?" Bagamat kinakabahan ay pilit tinatapangan ni Ari.
"Pupunta sana ako sa kwarto but I heard you. So, you're pregnant nga?" Nakakaasar ang tono ni Xernia.
"H-hindi. Hindi si Ari. Y-yung pinsan natin sa s-side ni Papa. Oo buntis nga sya." Pagpapalusot ko.
Please, please maniwala ka.
"Talaga?" Nakangising sagot nito. "Hindi ako tanga, Aestherielle." Ngumiti ito ng nakakainsulto.
Nanggigil ako hindi lamang nalaman nya, kundi hindi nya na ako ginagalang.
"Xernia! Ilang taon ka na ba? Kinse anyos ka na! Kingina, paguugali mo pang limang taon. Ay wait, mas matalino pa ata mga bata syo. Kinginamo" sigaw ni Ari.
"Ate Ari, kung kumakampi ka kase sa akin. Hindi tayo hahantong sa ganito." Pagsagot naman ng isa.
"Kampihan?" Naguguluhang sagot ko.
"Oo hindi ka aware? Nagkakampihan kami, para mapalayas ka dito!" Pagsigaw ni Xernia.
Lumingon naman ako kay Ari.
"A-ari. So, palabas lang pala lahat? I mean, kinakasundo mo lang ako dahil sa kampihan nyo? Ganun ba iyon Ari?" Nanghihinang tanong ko.
Please, please sabihin mong hindi.
"O-oo ate." Nanlumo ako at napahawak nalang sa isang lamesa. Hindi ko kinakaya lahat.
"Pero, umatras na ako. Hindi ko na kayang saktan ka Ate. Promise" pagbawi nito.
"Paano pa ako maniniwala dyan Ari?" Nanghihinang tanong ko.
"Please Ate, maniwala ka." Umiiyak na sabi nito.
Lumapit ito sa akin at yumakap.
"Noong nakikita kitang sobrang nasasaktan, umatras na ako. H-hindi ko kayang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo." Umiiyak na sabi nito.
Kahit naguguluhan ay tinanggap ko parin ito at niyakap.
"Drama naman ayy" pang-iinsulto ni Xernia.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Подростковая литератураSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...