Chapter Nine

89 13 0
                                        

Aetherielle POV

Mabilis lumipas ang araw at thursday na. Paglipas ng araw pagbilis naman ng tibok ng puso ko. Jusqq first time kong sasabak sa ganun. Good thing na naging hands on sil Bridget at Eunice sa pagtuturo sakin.

Actually sabi nila hindi naman daw ako mahirap turuan. Nakakaya ko na din maglakad ng deretso na nakaheels ng 7 to 8 inches.

Hindi nadin problema ang talent ko dahil marunong din naman ako magsayaw.

Kinakabahan ako dahil may Q and A pa. Pero thankful ako kay Lanie dahil hinahasa nya talaga utak ko.

"Miss Toress, are you ready for the pageant?" Tanong ni Sir nung makapasok sya.

"Ahmm Sir, konting practice pa po Sir."

"That's great! Win or Loose ikaw parin ang winner para samin!" Masiglang sabi ni Sir.

"Oo nga Ae-ae ikaw parin ang bb ko, ang bb ko! HAHA"

"Itaas ang bandera ng BBTE!"

"Mananalo tayooo! Kaya yan ni Ae-ae!"

Awtss yung puso ko. Nakakatouch naman sinasabi nila. Nabo-boost tuloy ang aking confidence.

Gaya nga ng sinabi ni Kenzo. Nagleave muna ako sa trabaho pati sa pagzu-zumba instructor.

Lagi din nya ako hinahatid sa bahay. Lagi din kaming sabay kumain dahil nililibre nya ako. Kahit sabihin kong may pera pa naman ako, hindi nya ako hinahayaang gumastos. Bigtime kase ang luko.

"Aestherielle let's go?" Tanong sakin ni Kenzo.

"Kenzo, may pera pa naman ako hindi mo na kailang-"

"I said let's go" yun lang at hinatak nanaman nya ako papunta sa parking lot.

Sa labas kase lagi kaming kumakain kaya mas lalo akong nahihiya.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse at inalalayan sa pagsakay.

Tahimik lang kami pareho kaya medyo awkward.

"Ahmm Kenzo, pwede akong magpatugtog?"

Tumango lang sya bilang sagot.

Agad kong kinuha ang phone ko at cinonect sa bluetooth ng kotse nya.

Pinindot ko lang ang shuffle. Nakakatamad mamili ng music.

Kung hindi mo rin ako sasagutin,
Pwede bang sainyo'y wag mo na akong papuntahin.
Kung sistema natin ay ganun parin,
Atleast alam ko na kung ano dapat kong gawin.

Biglang nahiya ako sa music na iyon. Agad kong pinatay ang tugtog at nameke ng ubo.

"Mas mabuti sana kung wag nalang pala magpatugtog" sabay peke ng ngiti.

Napangisi lang sya at nagfocus nalang sa pagdri-drive.

After five years nakarating na din kame sa restaurant na sinasabi nya. Mga 10 minutes lang pala. Masyado naman pala akong OA.

"What do you want?" Tanong nito.

"You" nagulat syang tumingin sakin. Miski ako nagulat din bakit ko nasabi yon? Boba talaga. "A-ahmm. I m-mean, ikaw, ano ba sayo? Yun nalang din ang akin. O-Oo yun n-nga." Uutal utal kong sabi.

Napangisi at napailing na lang din sya.

Ano ba Ae-ae umayos ka nga.

Umorder na sya at tahimik lang habang nagiintay.

"Alam ba ng Mama mo na sasali ka sa pageant?" Hindi ko inaasahan ang tanong nya.

"Haha, hindi. Para sa'n pa? Lalaitin lang din naman nila ako. Baka magback-out pa ako kapag narinig ko yung mga sasabihin nila." Tumawa ako pero nagtunog peke iyon.

Hindi na sya umimik at tinignan nya lang ako. Kaya mas lalong naging awkward.

Buti nalang at dumating na ang inorder namin. Tahimik lang kami kumain.

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming bumalik sa school. This time, phone na nya ang cinonect nya sa bluetooth para magpatugtog.

Falli'n out, Falli'n in
Nothing's sure in this word no, no
Breaki'n out, breaki'n in
Never known what lies ahead
We can really never tell it all no, no, no

Napakagandang kanta. Hindi ko maiwasang mapasabay sa kanta.

Say goodbye, say hello
To a lover or friend
Sometimes we
Never could understand
Why some things begin then just end
We can really never tell it all no, no, no

Hindi na din nya napigilang sumabay din. Tila kay lamig ng kanyang boses.

But oh, can you see
That no matter what happens
Life goes on and on
So baby, please smile
Coz' I'm always around you
And I'll make you see how beautiful
Lifes is for you and me

Tumigil ako sa pagkanta para mas mapakinggan ko ang boses nya. Tiningnan ko sya habang nagdri-drive. Tila bumabagal ang oras habang kumakanta sya.

Umiling ako ng umiling at nagiwas ng tingin. Nakinig nalang ulit ako sa kanta.

Take a little time baby
See the butterflies color's
Listen to the birds that were sent
To sing for you and me
Can you feel me
This is a such a wonderful place to be

Sinulyapan nya ako at binalik agad ang tingin sa kalsada. Eto nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Even if there is pain now
Everything will be all right
For us long as the world still turns
There will be night and day
Can you here me
There's a rainbow always after the rain

Pagkatapos ng linya na iyon ay sakto naman na nasa tapat na kami ng school. Kaya pinatay na nya ang tugtog.

Ipinarada na nya ang kotse at bumaba na. Gaya ng ginagawa nya dati, pinagbuksan nanaman nya ako ng pinto at inalalayan lumabas.

Naging tahimik lang ako habang naglalakad. Iniisip ko parin ang pahiwatig ng kanta na iyon.

"Hey, are you okay?" Tanong nya na mapansin ang pagkatulala ko.

"A-ahmm wala. Iniisip ko lang yung lyrics ng kanta na iyon" sagot ko naman.

"May gusto akong sabihin sayo"

"Ano yon?"

"Hindi ba sabi sa kanta there's a rainbow always after the rain. So means that there's always a hope after the pain. Life goes on and on and every breath is a blessing. So kahit ano pa problema ay may solusyon, kaya laban lang." Sabi nya.

Napaisip ako sa sinabi nya. May point sya.

Napangiti ako dahil sa sinasabi nya. Napangiti ako dahil sa napagtanto kong ang point nya. Napangiti ako dahil sinabi nya iyon para icheer-up ako sa mga problema ko.

"Kenzo, Thankyou so much" wala sa sarili kong sabi.

"Thankyou? For what?"

"Wala, wala. Basta thankyou" ngiting sabi ko dito.

Bahagyang kumunot ang noo nya pero nawala agad ito at napaltan ng mga ngiti.

Nagpatuloy na ulit kame sa paglalakad.

Thankyou sa lahat Kenzo. Thankyou dahil dumating ka. Salamat, salamat.

--------------------------------

Muwapss :*

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now