Chapter Twenty-two

65 12 0
                                        

Aestherielle POV.

Lumipas pa ang ilang araw, buwan at taon. 3th year college na kami. Naging normal naman ang pamumuhay namin. Normal na sakin ang pagalitan at saktan ni Mama.

Mas nagkakamabutihan na din kami ni Kenzo. Hindi ko pa man sya sinasagot, napapamahal na din ako sakanya.

Ganun parin ang trabaho ko. Studyante sa umaga, crew naman sa gabi.

Pero ang masamang balita ang hindi ko kinaya.

Nagising ako sa mahimbing kong tulog dahil sa pagsigaw ni Mama at mga kalampugan sa may sala.

"Ano?! Anong nangyari?! Uuwi ka?! Bakit?! Anong sakit?!" Mahalong halong galit at pagalala ang tono ni Mama.

"Ruelo! Magsalita ka!" Eto nanaman ang galit na boses ni Mama. "Hello?! Hello?!" Galit nyang ibinaba ang phone nya.

"Ma, ano daw pong nangyari kay Papa?" puno ng pagaalalang tanong ko.

"Yang magaling mong tatay, uuwi nanaman! May sakit daw! Jusq wala nanamang trabaho!" Galit na galit na sabi nito.

"May sakit naman po pala, Mama. Mas mabuti po syang umuwi nalang para magpagaling dito" pangangatwiran ko pa.

"Oh ano? Sa'n tayo kukuha ng pangaraw-araw?!" Gigil na gigil na tanong nito.

"Eh Ma, kung wag nalang po kayong magsugal. Makakatulong po iy-"

"Wag na wang mong didiktahan ang mga gagawin ko! Sino ka para sabihan ako?!" Unti unti na syang lumalapit sakin.

"Sinabi ko lang po Ma. Sorry po" yun lang at tumakbo na agad ako sa kwarto ko.

May sakit si Papa? Malala ba? Kamusta na sya?

Hindi ako pinatulog dahil sa kakaisip kay Papa. It's been three years, since umalis sya. Miss na miss ko na sya. Ang sabi ni Mama sa linggo na ang uwi ni Papa.

Hindi na ako makapaghintay. Tiyak na magiging masaya ang birthday ko sa Monday kapag magkasama kami.

Natulog na lang ako at hihintayin nalang ang paguwi nya.

Kinabukasan. Maaga akong nagising para asikasuhin si Geofree.

"Geofree, alam mo na ba na uuwi na si Papa sa isang araw?" Sinabi ko ito habang nakain kami.

Nabilaukan sya kaya inabutan ko kaagad ito ng tubig.

"Talaga ate? I can't wait ate!" makikita ang galak sa kanyang mga mata.

"Tapusin mo na yan, tapos maligo ka na. Bilisan mo huhugasan ko pa pinggan mo." tumayo na ako at inilagay ang pinggan sa may sink.

Pagkatapos nya ay ako naman ang naligo. Friday ngayon kaya konti lang ang mga prof. ngayon, medyo hindi hetic ang sched ko ngayon.

"Ate susunduin ulit tayo ni Kuya Kenzo?" Tanong nya habang naglalakad kami.

"Hindi daw eh, may pupuntahan sya" bakas sa mukha nya ang lungkot. Ilang araw na kase hindi nya nakikita si Kenzo.

Naglakad lang kami ng bigla syang tumakbo. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Kenzo na abot tenga ang ngiti.

"Kuya! Tagal mong hindi nagpakita sakin ah" sigaw agad ni Geofree.

"Sorry na, busy lang si kuya" ginulo nya ang buhok ng bata.

Nagangat ng tingin si Kenzo sakin kaya nagiwas ako ng tingin.
Inalalayan nya muna si Geofree na makasakay at humarap nanaman sakin.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now