Chapter Fifty-four

56 7 0
                                    

A/n: huhu ang bagal ko daw mag-update. Well, totoo naman HAHAHAHAHAH. Enjoy reading mga maharr<3

Aestherielle POV

K-kenzo...

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nandito din sya.

"Ate Ganda" pagtawag ng isang bata na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"May dala akong foods para sainyo." Pagbaling ko sa mga bata.

Sabay kaming bumalik sa lamesa nila. Ilang na ilang parin ako dahil hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin.

Mahabaging marimar...

"K-kain kayo marami ha." Nauutal kong sabi.

Dudukutin ko talaga mga mata mo Kenzo!

"Ate Ganda, ano nga po ulit pangalan nyo?" Pagtatanong ng pinakabata.

"Ate Aestherielle." Ngiting sagot ko dito.

"Ganda ng pangalan mo Ate." Papuri ng isa.

"Kasing ganda nya." Bulong ni Kenzo at napatingin ako dito. Umiwas naman sya ng tingin at nameke ng tawa.

"By the way, ano nga mga pangalan nyo?" Pag-iiba ko ng topic. Binalot nanaman kase kame ni awkward.

"Ako po si Eddie panganay. Eto naman po si Danica ang sumunod sa akin." Pagtuturo nya sa isang bababe. "Ayun naman po si Ria ang pangatlo. Si Buchy at Lylie" pagtuturo pa nya.

"Kagaganda ng pangalan nyo" nakangiting sabi ko.

Pero ang mga ngiti ko ay biglang napawi ng makitang may mga sugat ito. Nangunot agad ang noo ko.

"Anong nangyari sa mga sugat nyo?" Pagtatanong ko pero bigla silang nanahimik.

"Mga bata, kumain lang kayo ha. Usap lang kami" sabi ni Kenzo.

Nagulat pa ako ng hawakan nya ang kamay ko at hinila ako.

Agad kong binawi ang kamay ko.

Abusado ka!

Bigla namang nangunot ang noo nito dahil sa pagbawi ko ng kamay ko.

Feel na feel mong humawak sa kamay ko vro?

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Tanong ko at nag-angat naman sya ng tingin.

"Para sagutin ang tanong mo." Sagot naman nya.

"So ano na nga?" Pagtataray ko dito.

"Sa kalsada lang sila natutulog 'diba? Sabi nila sa akin, may nagtatangkang dukutin sila para ibenta." Sabi nya.

Gayun nalang ang gulat ko.

"Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga bata. Kung sa bahay naman sila. Hindi ko din sila matututukan dahil may trabaho din ako." Dagdag pa nya.

Hindi ako nakasagot sa kanya at nag-iisip din. Gayun nalang ang tuwa 'ko nang may maisip.

"Tama!" Sigaw ko kaya nagulat sya.

"Kung nasa isip mo ay ang bahay ampunan, ayaw nila doon. Tumatakas sila." Napabuntong hininga nyang sabi.

Nalungkot din ako dahil sa sinabi nya.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now