Aestherielle POV
Lumipas pa ang ilang linggo at nagpatuloy kami sa pag-aaral ng pagdra-drive ni Geofree.
Nagdiwang din kami ng pasko at bagong taon na magkasama. 'Yun na ata ang pinakamasayang pasko at bagong taon.
Sayang at wala na si Papa.
"Huy, Ate!" Pag-tawag naman ni Geofree. "Tulala ka." Dagdag pa nito.
Hinihintay kase namin ang lisensya ko. Hindi pa pwe-pwedeng kumuha si Geofree ng lisensya dahil minor pa sya. Kaya ang kinukuha nya ay ang student license.
"Ano ba sinasabi mo?" Tanong ko dito.
"Ilang araw nalang, pasukan nyo na. Handa ka na ba?" Tanong nito.
"Malamang." Sagot ko.
"Kaklase mo ba ulit si Kuya Kenzo?" Tanong nito.
"Yes." Sagot ko dito.
"Kaya mo?"
"Malamang."
"Puro ka malamang, malamang." Masungit na sabi nito.
"Aba, sinusungitan mo 'ko?" Pagtataray ko dito. Hindi na din sya nakasagot.
Maya maya pa ay nakuha na din namin ang lisensya namin. Hindi muna kami nagdala ng kotse papunta dito, kaya magco-commute kame pauwi.
Pagpasok namin sa gate ay may dalawang kotse na nakaribbon pa ang nakaparada sa harap ng bahay namin.
Nagkatinginan naman kami ni Geofree. Dalawang Mercedes-Benz. Tila kamahal nito, agad kaming pumasok sa loob at sinalubong kami nila Kuya at Mommy.
"Mom, para saan po 'yung dalawang car?" Pagtatanong ko.
"Para sainyo." Sagot nito.
"Ahh para sa'min naman pa-" napatigil ako.
"Para sa'min?!" Sabay naming tanong ni Geofree.
"Mom, mahal no'n" sabi pa ni Geofree.
"Walang mahal mahal, para sainyo." Sabi ni Kuya at inakbayan kaming dalawa. "Ipagdrive mo na kami" ngiting sabi nito.
"Iikot nyo kami sa buong village. Let's go!" Sigaw ni Mommy.
Sumakay si Mommy sa kotse ko.
Woah, kotse ko.
Samantalang sumakay naman si Kuya sa kotse ni Geofree.
Naging masaya naman kami ni Mommy, panay papuri dahil sa smooth na pagdra-drive ko.
Nang makuntento ay bumalik na din kami sa bahay, wala pa sila Kuya. For sure, nag-enjoy ang dalawa.
Nagpaalam naman ako kay Mommy na sa garden lang ako.
Naabutan ko ang mga batang nagdidilig ng mga halaman.
"Oh mga bata, ba't kayo gumagawa nan?" Tanong ko sa mga ito.
"Inako na po namin, Ate Ganda." Sagot ni Danica.
"And why?" Tanong ko ulit.
"Para po sa paraan na ito ay makatulong din po kami sainyo. Masuklian namin lahat ng kabutihan nyo. Hindi man po sa pera, sa paraan naman po na kaya namin." Sagot din nito.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Fiksi RemajaSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
