Chapter Sixty-one

66 8 0
                                    

Aestherielle's POV

Nagdalawang isip pa ako, kung tatanggapin ko nga ba ang kamay nya. Pero sa huli, tinanggap ko naman ito.

Dinala nya ako sa gitna at sya ang naglagay ng mga kamay ko sa balikat nya habang sya naman ay humawak sa beywang ko.

"You look so beautiful. Super beautiful." puri nya sa akin.

Naiilang din ako, the way she looks at me.

"There's any problem?" pagtatanong nya nang hindi ako sumagot dito.

"Ayoko nang maging marupok" bulong ko.

Alam kong narinig nya 'yon kaya bahagya syang natawa.

"Bibigwasan kita, isa pang tawa mo dyan." Pagbabanta ko dito.

"Fine fine" pag-sukong sabi nito.

"Ang gwapo mo" bulong ko.

"Narinig ko 'yon" isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa kanyang bibig.

"Edi may tenga ka." Inis kong sabi dito.

Naging masaya naman ang pagsasayaw namin, may times din na napapalo ko sya sa braso dahil sa mga kalokohan nya.

Maya-maya pa ay napag-pasiyahan na namin na maupo na din. Halos isang oras din kaming nag-sayaw. Kumain na muna kami at uminom naman ang mga boys.

Maya-maya pa ay lasing na din ang mga ito.

"Hoy, lasing ka na." sabi ko kay Kenzo. Naka-akbay ito sa akin at naghahalo pa ang amoy alak at ang perfume nya.

"I'm not lasing." sabi naman nito at tumingin ako sakanya.

Mamula mula na din ang mukha nya.

"Matatapos na 'yung party, magdri-drive ka pa." sabi ko ulit dito pero parang wala itong narinig. "Kenzo?" pagtawag ko sa pangalan nito.

"My name is Babe. Now, say my name" lasing na sabi nito.

"Ugok ka! Tama na, hahatid na kita."

"Say it first" nagpapabebeng sabi nito.

"Bahala ka dyan. Tara na girls" sabi ko at tumayo na. Agad din naman syang tumayo. "Tatayo ka din naman pala eh" dagdag ko pa.

"You're so daya" sabi nya at pasuray-suray ang lakad. Inalalayan ko naman agad ito.

"Umayos ka, makakatulog ka talaga gamit kamao ko." pagbabanta ko ulit dito.

Bigla namang umayos ang lakad nito. Kinapa ko naman ang mga bulsa nya para hanapin ang susi ng kotse nya.

"Ohhh 'wag dito Aestherielle." sabi pa nito.

"Tang'na mo, 'wag kang assuming." sabi ko at kinuha na ang susi nya.

"Aestherielle, talagang kaya mo 'yan?" tanong ni Lanie.

"Yeah. Ingat kayo" pagpapaalam ko dito at inunluck ko na ang kotse nya.

"Pasok" utos ko dito.

"Yesh bosh" sagot nito at sumakay naman agad.

Ako na din ang nag-ayos ng seatbelt nya.

"Love. Babe. Baby." pagtawag nito.

"Babaero." sabi ko at inistart ang engine.

Naramdaman ko naman ang pagtingin nya sa akin.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now