Aestherielle's POV
Ilang minuto pa ang tinagal nila sa hospital. Actually, nagpapalit palit lang sila ng pasok dahil hanggang dalawa o tatlo lang ang pwedeng makapasok dito.
"Ae, una na kami. Dalaw nalang ulit kame" pagpapaalam nila Eunice. Inihatid ko sila sa labas ng ospital. Naiwan naman si Lanie at Kenzo kay Papa.
"Ghorl, magiging okay din si Tito" hinawakan ni Bridget ang dalawang balikat ko. Ngumiti din naman ako dito.
Nang makabalik ako ay laking tuwa ko nang makita si Papa nakamulat. Pero agad din itong nawala nang makita ko si Lanie na umiiyak.
"Pa! Gising ka na" masiglang sabi ko. "Pero Lanie, ba't ka umiiyak?" Tanong ko at lumingon kay Kenzo. Wala akong nakikitang emosyon sa mukha nya.
"Wala Ae, may pinagusapan lang kami. Alam mo naman ako OA" sabi nya habang nagpupunas ng luha.
Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti sa kanya.
"Maiwan na muna namin kayo" nakangiting sabi ni Kenzo at inaya si Lanie lumabas.
"Happy birthday 'nak" pagbati agad nito.
"Pa, salamat at gumising ka na" pigil emosyon kong tugon. Ayokong nakikita nya akong umiiyak.
"Narinig kitang bumulong 'nak eh" biro nya.
"Teka pa, ano pinagusapan nyo? Ba't parang may drama?" Tanong ko dito.
"Ahh iyon? W-wala lang yon. Ano k-kase, nalaman kong m-may favorite movie si Lanie. T-tapos saktong napanood ko na. K-kaya naikuwento ko sakanya." utal utal na sabi nito.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya pero binalewala ko nalang ito.
Lumipas pa ang ilang oras ay napagpasiyahan na nila Lanie na umuwi. Gusto pa sana magpaiwan ni Kenzo, pero pinauwi ko na din ito.
"Ahmm 'nak. Wag ka muna magtrabaho. May ipon pa naman ako sa bangko, pwede pa natin magamit iyon. Basta wag mo lang sasabihin sa nanay mo" sabi nya habang pinapakain ko sya.
"Pero pa, kailangan natin ng malaking pera para sa operasyon mo." Pangangatwiran ko dito.
"Wag na 'nak. Alam ko namang hindi ko na kakayanin kapag nagpaopera pa ako. Sayang pera"
"Papa naman eh. Malakas ka pa, kayang kaya mo pa at kakayanin mo"
"Wag matigas ulo 'nak. Matanda na ako"
"Pa..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Hindi ako handa sa mga pinagsasabi nya.
"Pa, magpahinga ka nalang." Yun na lang ang sinabi ko.
Ganun parin ang nangyari. Maaga akong nagising para maghanda pumasok. Buti nalang at naisipan ulit ni Mama na makipagpalitan sa akin ng magbantay.
"Geofree, gising na" paggising ko dito pagkatapos magluto. "Kumain ka na. Maliligo lang ako" dagdag ko pa.
Kahit inaantok ito ay sinikap nya paring bumangon.
"Ate, kamusta na si Papa?" Tanong nya agad nang natapos na ako sa maligo.
"Hindi ko pa alam. I mean, hindi kong masasabi na gumagaling na sya, hindi ko rin masasabing lumalala na. Ewan basta. Bilisan mo na maligo" sagot ko dito.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
