Kenzo's POV
Nakatulugan ko na ang pagiisip kagabi. Wala akong ganang pumasok ngayong araw na ito.
Wala akong ganang humarap sa kanilang lahat.
Sinubukan kong matulog ulit ng kumalabog na ang pintuan ko.
"Hoy Kenzo Dan Navarro. May balak kang bumangon dyan?" Ayun na naman ang striktang tono ni Mom. "Manang yung susi" rinig kong sabi ni Mom.
Agad agad akong tumayo para pagbuksan na sya ng pintuan. Masama ang mangyayari kapag nabanggit na nya ang susi.
"Goodmorning Mom" pilit na ngiting pagbati ko.
"Stop smiling like that, Kenzo Dan" masungit na sabi nito kaya nawala ang mga ngiti sa labi ko "Anong oras na ba? Nakihilata ka pa dyan. Akala ko ba susunduin mo si Aesthe-"
"Mom" pagputol ko sasabihin nya.
"Bakit? Hindi mo ba sya kakausapin about doon sa kahapon?"
Umiling lang ako sakanya at nilagpasan.
"Nabuang na" asik nito. "Kenzo Dan Navarro!"
"Mom please. Ayoko muna syang kausapin. Sana nga hindi ko muna sya makita eh"
"Ayus ayusin mo plano mo sa buhay Kenzo Dan. Sinasabi ko sayo, sana hindi mo pagsisihan ito." Seryosong sabi ni Mommy bago pumasok sa kwarto nila.
Mom, ako yung nasaktan
Mabagal akong naligo at nagayos.
Tiningnan ko ang orasan at 9:00 am na, eh ang pasok ko ay 9:00 am din. Late na ako. Pero wala akong pake.
Kahit late na ay hindi parin ako nagmadaling magmaneho. Dumaan pa ako sa isang cafe shop, para bumili ng maiinom at makakain.
Mabagal din akong naglakad papuntang room.
Nang nasa tapat na ako ng room ay tumigil si Sir sa dinidiscuss nya.
"Oh, Mr. Navarro. You're late"
"Sorry" yun lang sinabi ko at pumunta na sa upuan.
Nararamdaman ko ang titig ni Aestherielle pero hindi ko ulit ito pinansin.
Napabuntong hininga si Sir tsaka nagpatuloy sa dinidiscuss nya.
Nang matapos si Sir ay nagpaalam naman agad ito.
Absent nanaman daw ang susunod na prof namin kaya libre nanaman ang oras namin.
Kahit hindi ko tingnan si Aestherielle ay nararamdaman ko ang mga titig nya.
Nagkunwari nalang akong nakikinig ng music para hindi nya ako kausapin.
"Lanie, kahapon pa ako hindi kinakausap ni Kenzo" dinig kong bulong ni Aestherielle.
"Oh bakit daw?"
"Gaga, paano ko malalaman eh hindi nga ako pinapansin"
"Edi kausapin mo"
Nagkunwaring umob-ob ako para hindi nya ako makausap.
Hindi ko din namalayan na lunch time na. Nakita ko silang nagaayos na ng gamit.
Inayos ko na din ang mga gamit ko nang hawakan nanaman ni Aestherielle ang braso ko.
"Kenzo, pwede na ba kita makausap?"
"No, please"
"Please Kenzo, sabay nalang tayo maglunch" pamimilit nya.
"I said no!" Sigaw ko dito sabay tulak sa kanya. Nagulat ang lahat dahil tumama ang ulo nya sa table ng upuan.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Teen FictionSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...