Chapter Sixty-three

82 8 0
                                        

Aestherielle's POV

Nang mahimas-masan, agad akong nagdrive papunta kila Lanie. Balak kong hindi nalang muna umuwi ngayong gabi at umuwi nalang bukas ng madaling araw. Ayokong makita nila akong mugto ang mga mata at wala sa sarili. Pinarada ko naman ang kotse ko sa tapat ng bahay nila.

Pumasok na agad ako sa gate nila at kumatok sa pintuan nila. Napalakas ata ang pintuan ko kaya napasigaw ang isa.

"Saglet nga lang! Kung bombay ka, pasensya at wala pa kaming per--" Napatigil sya nang makitang ako ang kumakatok. "Oh Ae-ae. Bakit ka nandito? Tsaka bakit ganyan mukha mo?" nag-aalalang tanong nito.

Wala akong sinagot sa mga tanong nito at yinakap na lang sya. Umiyak ako nang umiyak, kaya mas lalong nag-alala si Lanie.

"Teka, teka. Pumasok ka na muna." sabi nito at humiwalay sa akin.

Umupo ako sa sofa nila habang sya ay dumiretso sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong isang baso ng tubig.  Iniabot nya ito sa akin.

Nanginginig ko itong tinanggap at uminom.

"Ready ka na magkwento?" tanong nito.

Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan na ang pag-iyak.

"P-pinaubaya ko na sya. 'Y-yung taong m-ahal ko, mahal na mahal ko. P-pinaubaya ko na." pumipiyok na sabi ko dito.

"Sino? Bakit?" naguguluhang tanong nito.

"S-si Kenzo." lalo akong naiyak nang banggitin ko ang pangalan nya.

Pangalan ng pinakamamahal ko.

"Pero bakit nga?"

"D-dahil kay Flor." napahawak na ako sa dibdib ko dahil na din sa sakit na nararamdaman ko.

"Tangina. Bakit naman dahil sa babaeng 'yon?" bakas sa boses nya ang inis.

Nag-angat ako ng tingin dito.

"Hindi deserve ni Flor na masaktan." bagama't tumutulo ang luha ko, nagawa ko paring ngumiti dito.

"Hindi nya deserve? Kasama ng ugali non? Tapos ikaw deserve mong masaktan?!" gigil na sabi pa nito.

"P-pero Lanie--"

"Tigil-tigilan mo 'ko Nandez!" sigaw nya sa second name ko. Napatungo naman ako at sinabunutan ang sarili. "Huwag kang umiyak nang ganyan, ginusto mo 'yan hindi ba?!" inis na inis na sabi nito.

"Aestherielle, kailan mo ba pipiliin ang sarili mo?! Kailan mo ba uunahin ang nararamdaman mo?! Kahit minsan maging selfish ka naman! Tang'na!"

Mas lalo akong umiyak.

Hindi ko na rin matandaan ang huling beses na pinili ko ang sarili ko.

"Palagi ka nalang nasasaktan! Palagi ka nalang naiyak! Kailan ka ba matatauhan?!" sigaw pa rin nito. "Ilan beses mo na ba pinili sarili mo?! Huwag kang tanga! Naturingang Dean lister, pero tatanga tanga pag-dating sa ganitong sitwasyon." Dagdag pa nito.

Umiiyak lang ako ng umiiyak habang sinasabunutan ang sarili.

"T-tama na Lanie. Tama na please. Masakit na, sobrang sakit na. H-hindi ko na alam ang gagawin ko. N-asaktan ko sya, ang sama ko. Ang sama sama ko." sabi ko at pinagpapalo palo ang sarili.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now