Chapter Sixty-two

74 9 0
                                    

Huyyy I'm so happy uwuuu. Happy 1k reads mga mahar<3 Salamat sa inyong lahat, mahal na mahal ko kayo!


Aestherielle's POV

Nag-sindi agad ako ng kandila. Inayos ko naman ang mga bulaklak at inalagay ang dala ko.

"Hi Papa! I miss you so much! Alam mo Pa? Masaya na ako ngayon. Masaya na ako dahil kasama ko na ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Pero sana Pa, hindi mo kami iniwan. Sana nagpakatatag ka Pa, para sama-sama tayong nabubuhay na masaya." pinahiran ko agad ang mga luha ko at hinaplos ang puntod nya.


Nag-tagal pa ako ng ilang oras at napagpasyahan ng umuwi. Magdidilim na din kase.


Habang nag-drive hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Kenzo.

Dapat ko na nga bang bigyan sya ng second chance?


Litong-lito akong naglakad papasok ng bahay. Minsan pa'y kinakausap ko na din ang sarili ko.


"Aestherielle? Sa'n ka galing?" tanong ni Kuya na nagpabalik sa akin sa reyalidad.


"A-ahmm dinalaw lang si Papa. Nakauwi na pala kayo." lumapit ako dito para humalik sa pisngi nya.

"Ahh yeah." sagot nito at sinimulan nanaman ang pagta-type sa laptop nya.

"Work?" tanong ko nang mapansin ang isang damakmak na mga papel sa lamesa.

Bumuntong hininga naman itong inayos ang salamin nya. Protection para sa radiation, since tutok na tutok sya sa laptop nya.


"As always." bakas sa boses nya ang pagod.


"Paano ka mag-aasawa nan kung puro trabaho ka?" nanunuksong tanong ko dito.


Tumigil naman ito sa ginagawa nya. "Wala pa sa plano ko 'yan. Gusto ko munang ilaan ang libre kong oras sa mga babies ko." sabi nya pa.


"Baby mo mukha mo. Tanda tanda na namin." natatawa kong sabi.


"You're still my baby." malambing na sabi nito.


"Aysuss ang Kuya" sabi ko naman dito.

"Ehem." pag-singit ni Geofree.

"Ofcourse, you're my baby too." pagbaling ni Kuya sa bunso.

Lumapit naman kami dito at nagyakap.

"Love na love kayo ng Kuya nyo." sabi ni Kuya at hinalikan kami sa noo.



"Aba aba! Answeet naman ata ng mga anak ko." pag-singit din ni Mommy. Natawa naman kami at sumali na din sya sa yakapan. "Oh sya, Aestherielle. Maligo ka na kakain na tayo." sabi pa ni Mommy.


"Okay Mom." Aakyat na sana ako nang may mapansin ako. "Wala pa si Ate Carla?" tanong ko dito.



Ang lahat naman ay tumingin kay Kuya.


"A-ahmm. Baka daw bukas na sya makabalik dito." sagot naman nito.

"Oh okay." Sabi ko dito at umakyat na.

Hanggang sa pagligo ko, si Kenzo parin ang nasa isip ko.


Maging marupok ay iwasan, para hindi na ulit masaktan.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now