Aestherielle's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nagmumula sa malaking bintana na nasa kwarto ko.
Wala na din si Mommy sa tabi ko. Tinanghali na ata ako ng gising. Naligo agad ako sa banyo at nagtoothbrush.
Nag-ayos na muna ako ng sarili ko bago mag-pasyang bumaba na.
Sakto naman ang pagdaan ni Ate Carla. Mas malapit kase ang kwarto ko sa hagdanan kaysa sa kanya na na mas dulo pa.
"Morning 'te" pagbati ko dito.
"Morning bhie." Inaantok pa nitong sabi. "Tara na kain na tayo. Papasok pa ako." Pag-yaya nito.
"Papasok ka 'te?"
"Malamang. Tsaka ayokong maging pabigat dito 'no. May pinapakain din ako sa probinsya kaya papasok parin ako. Para na din may panggastos." Sagot pa nito at nauna ng bumaba.
"Sama ako." Sagot ko.
"Papasok ka din?" Tumugil ito at nilingon ako.
"Magpapasa lang ako ng Resignation Letter. Ayaw na kase ng kuya na magtrabaho pa ako." Sagot ko naman.
Tumango naman ito at sabay na kaming bumaba. Naglalakad palang kami ay amoy na amoy na namin ang masarap na pagkain.
"Oh my angels. Gising na pala kayo, tara na kain na tayo. Ako nagluto nan" nakangiting salubong sa amin ni Mommy.
Masarap na fried rice, malutong lutong na bacon, maraming sunny side-up at hotdogs.
"Amoy palang Mommy, masarap na." Sabi ko dito at naupo na.
Naglalagay na ako ng kanin ng maalala ko si Kuya.
"Si Kuya pala Mommy? Gising na ba?" Pagtatanong ko.
"Maagang umalis ang Kuya mo. Dahil magha-halfday sya. Ikaw din ija, 'wag ka na ding pumasok. May pupuntahan tayo." Sagot nya.
"Nakuu tita, kayo nalang po. Sayang din po ang isang araw." Pagtanggi ni Ate Carla.
"Hmmm. Nakatapos ka ba ng pag-aaral mo ija?" Maingat na tanong ni Mommy.
"Second year collage lang po. Medyo gipit din po kaya natigil" nahihiyang sagot nito.
"Don'tbe shy ija. Gusto mo bang ituloy ang pag-aaral mo?" Tanong ni Mommy.
"Opo tita, pero mayroon na din po akonh pinapaaral na mga kapatid." Sagot nanaman nito.
"Kung gayon, pag-aaralin kita." Nakangiting sabi pa ni Mommy.
Nakikinig lang akong sakanila dahil hindi ako makapagsalita dahil sa nga kinakain ko.
"Nakuu tita, 'wag na po. Dami nyo na pong itinulong sa akin." Pagtanggi nanaman ni Ate Carla.
"Ija, parte ka na ng pamilyang ito. Kung inaalala mo ang pagpapadala mo sa pamilya mo. Pwede kang magtrabaho sa company namin kahit weekend lang. Makapag-aral ka lang ija."
"Pero tit-"
"No more buts ija" ayun na ang tono nila Kuya at Mommy na wala ka na talagang magagawa. "Ieenroll na kita. Saan mo ba gustong mag-aral?" Nakangiting tanong ni Mommy.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Ficção AdolescenteSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...