Chapter Twenty-three

61 11 0
                                    

Aestherielle's POV

Naging busy ako sa pagtratrabaho, kahit maraming iniisip. Kaya madalas akong tapikin dahil sa pagkatulala.

Iniisip ko parin kase kung anong gagawin namin ni Kenzo bukas. Bakit kailangan ko magleave?

"Huy Ae-ae! Masama na tingin sayo ni Manager" bulong ni Ate Carla kaya natauhan ako.

Tumingin ako sa manager at kitang kita ko ang pagkunot ng noo nya sakin. Tumungo lang ako at nagfocus na sa pagtratrabaho.

"Ae-ae ikaw na ang nakatoka sa mga husagin" sigaw ng isa sa mga katrabaho ko.

"Tapusin ko lang po ito" sagot ko dito.

Gaya dati ay isang damakmak nanaman ang huhugasan. Tumingin ako sa relo at 9pm na pala, kailangan kong bilisan ang paghuhugas.

"Ae-ae, pagkatapos mo dyan ikaw muna magtao sa counter okay?" Sabi ni Manager. Tumango lang ako dito dahil sa pagmamadali kong maghugas.

Pagkatapos ko dito ay ako ang pumalit sa counter.

"Good evening Sir! may I take your order" sabi ko sa lalaking pamilyar sakin. Hindi ko lubusan makita ang mukha nya dahil naka mask ito.

"Ahmm gusto ko yung babaeng nagnga-ngalang Aestherielle" sinabi nya at tinanggal ang mask nya.

Laking gulat ko ng makita sya sa harapan ko.

"Sorry, pero hindi pa sya puwede ngayon" pabiro kong sabi.

"Mamaya kaya? Available na sya?"

"Siguro. Umayos ka nga Kenzo andaming costumer baka gusto mong umorder na 'no?" Sabi ko dito na ikinatawa nya. Umorder naman agad sya at sinabing hihintayin nya ako.

Lumipas pa ang ilang oras ay out ko na sa trabaho. Hindi na muna sasabay si Ate Carla dahil nagover-time ito.

"Mauna na ako sayo Ate Carla, magiingat ka" pagpapaalam ko dito.

"Ikaw din, magingat kayo ng jowa mo" nang-aasar na sabi nito.

"Geh sibat na ako, bak kung ano pa sabihin mo" sagot ko agad kaya tumawa sya.

Nakita ko si Kenzo na nakaupo sa isang upuan. Gwapo sya sa part na 'yon. Yung ilong nya, yung mga mata nya, yung labi nya, yung buong mukha na sobrang sarap tingnan.

Napatuloy na ako sa paglalakad papunta sa kanya. Ngumiti naman agad sya at inakbay ang kamay sa balikat ko.

Habang nasa biyahe kami ay iniisip ko parin kung sa'n ba kami pupunta bukas.

"Sa'n ba kase tayo pupunta bukas?" Tanong ko dito. Kating kati na ako malaman.

"Basta. Susunduin kita ng 9am, magdala ka ng pangdalawang araw na damita" sagot nito.

Mas lalo akong naguluhan. Pang dalawang araw na damit? Bakit?

Hindi nalang ako kumibo. Nang makarating ay agad syang nagpaalam at umalis.

Naabutan ko si Geofree na natutulog na sa kama ko. Kahit 3 years na ang nakakalipas ay na ugalian na nyang matulog sa tabi ko.

Nag-ayos muna ako ng da-dalhin ko para bukas. Kahit naguguluhan ay ginawa ko parin ang utos ni Kenzo.

Nang matapos ay nagpalit na ako ng damit pangtulog. Nahiga na ako sa tabi ni Geofree pero bigla itong nagising.

Niyakap nya ako at ginawang unan ang braso ko.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now