Chapter Twenty

69 11 0
                                        

Aestherielle's POV.

Maaga akong gumising para mapaghandaan ko ang pagpasok ni Geofree. Maaga ko din syang ginising para makapag-ayos na. Ako na rin ang nagluto para sa kakainin nya.

"Ate, ang lamig ng tubig" sabi nya sakin.

"Oh sya kumain ka na muna. Magiinit nalang ako ng tubig" sagot ko dito.

Nagpainit muna ako ng tubig bago kumain. Kahit tapos na ako kumain ay hindi parin sya tapos.

"Nakahanda na ang pang-ligo mo Geofree bilisan mo dyan" sigaw ko dito mula sa banyo. Ambagal nyang kumain, dahil inaantok pa ito.

Habang naliligo na sya ay inihanda ko naman ang mga gamit nya. Pinlantsa ko din ang mga susuotin nya.

"Ate, gising na kaya sila Mama?" Tanong nya ng makalabas sa banyo.

"Siguro. Halika dito, may ilalagay ako sa mga pasa mo"

"Ih ate, mahapdi naman iyan eh" pagmamaktol nya.

"Hindi ba't lalaki ka? Ba't ka ganyan?" Taas kilay kong sabi.

Wala syang nagawa kundi sumunod nalang sakin. Pagkatapos kong linisin ang mga pasa nya ay tiningnan ko relos at 6am pa naman. 7am pa pasok nya at 9am pa ang akin.

"Tapos mo na ba ang mga homework mo?" Tanong ko dito habang kinukuha ang towel ko para maligo.

"Ala ate, oo nga pala"

"Ikaw talagang bata ka. Gawin mo na yan habang naliligo ako. Maaga pa naman" pumasok na ako sa banyo para maligo.

Nang matapos ay naabutan ko syang gulong gulo sa assignment nya.

"Oh ano? Hindi ka parin tapos? Magaalas-siyeta na. Aba bilis bilisan mo dyan" sinabi ko ito habang nagsusuklay.

"Ang hirap naman kase nito ate" kamot ulo nyang sabi.

"Ano ba yan? Oh multiplication pala iyan, madali lang yan"

"6×7?  7×8?  8×9?"

"Nakalimutan ko yung tinuro ko?" Masungit na tanong ko. "Hindi ba't madali lang yan kapag kamay mo ang gamit? Limot mo na?"

"Ahhh oo nga ate. Hehe salamat" parang nabuhayan ang loob nya.

Mabilis na nya tinapos ito at niligpit na ang mga gamit nya.

Lumabas na kami ng kwarto. Naabutan namin sila Mama na kumakain.

"Geofree, anak. Hindi ka ba kakain?" Tanong nito, na parang walang nangyari kagabi.

"Hindi na po Ma, nilutuan na po ako kanina ni Ate" nakatungong sabi nito.

Napabuntong hininga nalang ako at lumabas na ng bahay, sumunod naman agad si Geofree.

Naglalakad na kami ng may tinuro sya.

"Ano ba Geofree, masamang tingnan ang tumuro ng tumuro. Itigil mo yung ganyan" pagpapaalala ko dito.

"Ih kase ate, si kuya Kenzo oh" turo nya.

Sinundan ko ang itinuturo nya at tama nga, si Kenzo nga. Nakasandal nanaman sya sa kotse nya. Nang tingnan nya kami ay ningitian nya kami at kumuway.

Nabitiwan ko pa si Geofree dahil sa biglang pagtakbo nito papunta kay Kenzo.

Sumunod naman agad ako sakanya.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now