Chapter Ten

94 12 0
                                        

Aestherielle POV

Todo practice parin kami para sa Sabado.

Pagkatapos ng lunch break namin hinayaan na kami ng mga prof. namin na makapag-practice para nga sa pageant.

Dumating na din ang magiging designer ng gown ko. Nagtataka nga ako kung bakit ngayon lang nila ako susukatan. Ano yon? Isang araw lang nila gagawin? Halurr, sabado na kaya ang pageant.

Hindi rin tumigil sila Lanie at Kenzo sa pagtatanong sa akin ng mga tanong na posibleng tinatanong sa Q and A.

Yung ibang kaklase ko naman ay pinapalakas na lang ang loob ko. Maliban nga lang kay Flor na kung makapaglait wagas.

Ganun pa man ay hindi ko nalang din sya pinapansin.

Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa paglalakad nang nakasuot ng heels na may 8 inches. Grabe ghorl hindi ko akalain na makakaya ko iyon. Pero sabi naman nila Eunice na 7 inches lang ang gagamitin ko sa sabado.

Sinabi na din ni Sir Peña na buong araw kami magprapractice bukas. Nakapagsabi na din sya sa ibang pa naming prof.

Nakapagblocking na din kami sa stage. Nakita ko na din ang iba pang candidates. Ang gaganda nila, natural talaga ang ganda. Pero hindi ako magpapatalo para sa mga BBTE!

"Aestherielle! Focus!" Sigaw ni Bridget sabay palakpak para mas maging focus ako.

Rumampa lang ako ng rumampa at panay papuri naman ang mga kaklase ko.

Awra lang ako ng awra, kung ano ano din ang pinaggagawa nilang pose sa akin.

"Aestherielle, subukan mo nga umikot habang naglalakad. Yung mala Catriona dali" sabi naman ni Brigdet.

Tinesting ko naman agad yung sinasabi nya at nakuha ko agad.

"Perfect! Gawin mo yan sa sabado huh. Then sabay fierce and wink sa judge okay?" Sabi naman ni Eunice.

"Galing mo talaga Aestherielle!"

"Lodi ka namen Ae-ae"

"Malaki ang chance na mamanalo tayo. Claim it!"

"Mahal na ata kita Aestherielle."

Napatitig ako sa sumigaw nun. Mahal daw ako? Eh mas mahal naman ang bigas.

"Manahimik ka dyan Jeyoush. Malilintikan ka kay Kenzo." Sabi naman ni Lanie na nakagulat sakin. Sinamaan ko sya ng tingin at ngumiti lang sya habang nakapeace sign.

Pinagpatuloy ko lang ang pagrampa at pagawra.

Nakakapagod itong araw na ito. Tulad ng dati, inihatid ako ni Kenzo sa may kanto malapit sa bahay. Ayokong ihatid nya ako sa mismong tapat ng bahay, baka kung anong sabihin sakin nila Mama.

Nagpasalamat ako sakanta at inintay syang makaalis. Naglakad na ako pauwi.

Dederetso sana ako sa kwarto ng tawagin ako nila Mama sa sala.

"Ae-ae halika muna dito."

"Bakit po Ma?"

"May pera ka ba dyan? Medyo nashort ako dahil nanghingi ng extra allowance si Ari. Mga isang libo"

"A-ahmm Ma. Wala din po akong extra. Medyo nasho-short din po ako."

"Napakadamot mo talaga ano?. Konting halaga lang naman hinihiram ko."

"Ma, sorry po. Hindi po kas-" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil sa malakas na sampal nya.

"Sya lumakad ka na! Wala pala akong mahihita sayo. Bukod sa bobo ka napakadamot mo pa!"

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now