Aestherielle POV
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm ko, so it means 5 am na. Hindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa lintek na friend request na iyon. Pero naging maganda naman ang gising ko ngayon kaya ayos lang. Thank you sayo Mr. Late.
"Hayss Aestherielle, Wag kang kumire. Kailangan mong mag-aral ng mabuti" pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Niligpit ko muna ang aking higaan bago dumiretso sa banyo at naligo. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na kaagad ako. Naabutan ko silang kumakain, at tila tahimik lang ang mga ito.
"Good morning everyone!" Ngiting pagbati ko sakanila. Tiningnan lang nila ako at hindi pinansin. Kaya agad ding nawala ang mga ngiti sa labi ko.
"Morning, anak" buti nalang sumagot si Papa. Ningitian ko lang ito at umupo na sa tabi nya.
Infairnesss, hotdog ulam namin ngayon. May improvements. From sardinas to hotdog. I'm so happy hihihihihihihi.
Pagkatapos ng umagahan ay nagpaalam na ako sa kanila para pumasok.
Nasa gate palang ako ay ayan nanaman si Lanie. Tila parang baliw na nagtatalon at isinisigaw ang pangalan ko.
"Ae-ae! Omggg Ae-ae!" Sigaw nito.
"Ano ba? Wag mo ngang isigaw ang pangalan ko. Ano ba meron? At parang baliw ka dyan with matching pagtatalon". Agad na sabi ko dito.
"Ba't ba apaka sungit mo ngayon? May period ka noh? May dala ka bang extra? Tara muna bumili kung wala." Tuloy tuloy na sabi neto. Medyo naiirita na ako huh. Daming sinabi 'di naman sinagot tanong ko.
"Alam mo? Ang sarap mo kausap." Sabay talikod sa kanya at nagsimula na ulet maglakad.
"Yan, dyan kayo magaling. Ako na nga yung concern ako pa yung iiwan. Woii mga walang utang na loob!" Sigaw nito. Nakakahiya na talaga sya, pinagtitinginan na sya ng iba pang estudyante. Napabuntong hininga ako at 'di na lang sya pinansin.
Pumasok ako sa room namin nang may mga ngiti sa labi. Syempre kailangan nilang gantihan iyon, ang ganda ganda ng ngiti ko sa kanila eh. Dumiretso agad ako sa upuan ko at inilabas lahat ng gagamitin ko sa unang subject.
Aksidente namang nahulog yung ballpen ko at gumulong ito ng gumulong. Yumuko ako para habulin ito pero nauntog ako sa isang matigas na baga- tiyan? Isang matigas na tyan? Unti unti kong iniangat ang ulo ko para makita kung sino yung may matigas na tiyan. Mukhang yummy eh. Pero laking gulat ko ng makita ko sya.
Agad na kumunot ang noo nya at masamang tumitig sakin.
"S-sorry. Hindi kase kita napansin. K-kukunin ko lang s-sana yung ballpen" nahihiyang tugon ko dito.
'Di nya ako pinansin. Agad syang pumunta sa upuan nya na pawang walang nangyari. Ang weird. Nagkibit-balikat nalang ako at naupo na ulit sa upuan ko.
Maya-maya pa ay dumating na din si Lanie.
"Ba't antagal mo? Eh kasunod lang naman kita?" Tanong ko dito, nakatuon parin ang paningin sa binabasa.
"Hihihihihi, may nakausap akong pogi ghorl! Waaahhhhh!" Pabulong na sabi nito.
Tinapunan ko lang sya ng tingin at muling itinuon ulit ang atensyon sa binabasa. Wala akong interes sa mga ganyan.
"Tsh palibhasa walang alam sa love!" Pataray na sabi nito sakin.
"Escuse me. May alam ako. Alam ko ang meaning ng love! A feeling of strong or constant affection for a person. Dzuhhh" sabi ko,sabay irap dito.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Teen FictionSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
