Chapter Six

82 14 0
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Naging busy na din ako sa paghahanap ng pwedeng pagkakitaan.

Natanggap ako bilang crew sa isang fastfood. Pero mukhang kukulangin parin ang magiging sweldo ko. Kaya kailangan ko pa ng isa pang trabaho.

Hindi ako tumigil kakahanap hanggang sa may nagoffer sakin na maging Zumba Instructor. Pinatos ko na din iyon, pang extra income.

Sobrang hirap sa pagmamanage ng time ko. Minsan hindi na talaga ako nakakatulog. Estudyante sa umaga, crew naman sa gabi. Kapag weekend naman magzuzumba instructor naman ako. Sunod-sunod iyon kaya nahihirapan na talaga ako.

Ngayon, papasok na sana ako sa school ng hinarangan agad ako ni Ari.

"Oh Ari? Baka malate ako. Ano kailangan mo?" Takang tanong ko dito.

"Ae-ae baka naman may extra ka dyan. Kulang kase binigay ni Mama kahapon." Sabi nito.

"Ari naman, hindi ba't kakapadala lang ni Papa kahapon? Magtipid tipid muna tayo ngayon. Wag muna ako gumastos ng guma-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa sinabi nya.

"Ano ba?! Tinatanong ko lang kung may extra ka! Andami mo na agas sinabi. Ano ba meron o wala?!" Sigaw nito.

Wala akong nagawa kundi ibigay ko nalang sakanya ang allowance ko sana ngayon. Pagkatapos nun, tinalikuran na nya ako. Ni hindi man nagpasalamat.

Bagsak ang balikat ko ng makarating ako sa room namin.

"Ae-ae! Ba't ganyan mukha mo? Parang buhat buhat mo yung buong mundo." Nakangiting sabi nito. Pero nung hindi ko sya pinansin ay nawala agad ang ngiti nya. At napaltan ng pag-alala.

"Ae-ae, okay ka lang ba? Ba't parang ang lungkot mo? Anyare?" Lumapit ito sakin.

"Uyy, wala. Wala lang ito." Pekeng ngiti ang iginawad ko dito.

"Ae-ae, ano ba kase problema mo? Tingnan mo nga sarili mo. Alam kong maganda ka parin pero tingnan mo nga. Yung eyebags mo kumakaway na sakin. Hindi na ba uso ang salitang tulog sayo?" Tila nanenermon ang tono ng boses nya. Tumingin ako sa paligid at pinagtitinginan na pala kami. Maliban lang kay Kenzo na nagbabasa parin ng libro.

Umiling lang ako ng umiling at hindi na rin napigilan ang emosyon ko. Naguunahang tumulo ang mga taksil na luha sa aking mga mata.

Niyakap lang ako ni Lanie at pinapatahan.

Dumating si Sir Peña pero ang isip ko ay lumilipad.

"Miss Toress? Are you with us?" Tanong sakin ni Sir. Pero hindi ko man lang sya masagot.

"Aestherielle? What's the problem?" Tanong ulit nito pero hindi parin ako nasagot.

Natakpan ko nalang ng mga palad ko ang buong mukha ko at umiyak ng umiyak.

Nilibot ko ang tingin ang room at halos lahat ay nakatingin sakin. Ang mga mata nilang parang awang awa sakin. Maliban nga lang kay Kenzo na parang walang pakialam.

Tumayo ako at agad na humingi ng sorry.

"Sorry Sir. Pero hindi po ako makapag-focus ngayon Sir." Hindi ko alam kung bat iyon ang lumabas sa bibig ko. Buti nalang mabait si Sir.

"Okay, you can go outside and take some fresh air." Ngiting sabi ni Sir.

"Thankyou so much Sir" yun lang at lumabas na ako.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang corridor na wala masyadong tao.

Doon ako umiyak ng umiyak. Nilabas ko lahat ng hinanakit.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now