Chapter Fourty-three

59 8 0
                                    

Aestherielle's POV

Liwanag, nakakasilaw na liwanag lang ang nakikita ko.

Tinakpan ko ang mga mata ko dahil hindi ko na matiis ang matinding liwanag.

Maya-maya pa'y may nakikita na akong imahe.

Isang pamilyar na imahe. Naglalakad ito papalapit sa akin. Nang medyo nakapalit na ay nalaman ko na kung sino ito.

Papa...

Hindi na ako nagdalawang isip, tumakbo agad ako dito at niyakap.

"Miss na miss na kita, Papa." Naluluhang sabi ko.

"Miss na din kita 'nak." Ngiting sabi nito.

"Sasama na ako sayo, Pa." Nakangiting sabi ko.

Pero ang kaninang matatamis na ngiti nya ay unti-unting nawawala.

"Hindi mo pa oras 'nak"

"Pero, Pa. Ayoko na ng buhay ko." Naiiyak nanaman na sabi ko.

"Makinig ka sa Papa, 'wag mong sayangin ang buhay 'nak. Maghintay ka lang 'nak, gaganda at giginhawa din ang buhay mo." Nakangiting sabi nito.

"Pero Pa, sa piling mo lang ako sasaya."

"Doon ka nagkakamali 'nak. Mas sasaya ka. Ang kailangan mo lang gawin ay ang mag-intay"

Niyakap ko lang ulit ito hanggang sa unti-unti ulit 'tong bawiin ng liwanag.

"Papa!" Pag-sigaw ko ngunit wala akong nakukuhang tugon.

"Papa!" Sigaw ko muli na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Hospital?

Tiningan ko ang buong katawan ko. May kung ano anong nakakabit sa akin.

Tatanggalin ko na sana ang mga ito nang iniluwa ng pintuan si Lanie.

"Itigil mo 'yan Ae-ae!" Pagpigil nya sa akin.

"Bakit hindi nyo nalang ako hinayaang mamatay?" Pilit kong tinatago ang emosyon.

"Sa tingin mo, hahayaan ka namin?"

"Pagod na ako, Lanie. Ba't hindi nyo nalang pinaubaya sa'kin 'toh?" Umiiyak na sabi ko.

Pilit ko paring tinatanggal ang mga ito.

"Hindi sagot ang pagpapatiwakal sa lahat ng problema Astherielle." Lumapit ito sa akin at pinipigilan ako sa mga ginagawa ko. "Tumigil ka Ae-ae"

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now