A/n: Wala lang gusto ko lang mag author's note HAHAHAHAHA. Enjoy reading<3
Aestherielle's POV
I-isa na akong ganap na g-guro.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin ang lahat ng nangyayari. Ganap na akong guro. Naabot ko na ang pangarap ko.
Mahalo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ni-hindi ako makapagsalita.
"We are so proud of you anak" sabi ni Mommy at niyakap ako. Bigla nalang bumagsak ang mga luha na hindi ko man lang namalayan na namumuo na pala sa gilid ng mga mata ko.
"M-mommy. T-teacher na ako." Mahigpit ko syang niyakap at umiyak nang umiyak sa balikat nya.
Hinaplos-haplos naman nila Kuya ang likod ko.
"Tahan na. Dapat maging masaya ka." Sabi pa ni Ate Carla.
Humiwalay naman ako kay Mommy at pinunasan ang mga luhang kanina pa patak nang patak.
Naligo na agad ako pagkatapos mahimas-masan. Bumaba na din sila Mommy para maghanda ng umagahan.
Nagsuot lang ako ng pants and oversized shirt patnered with flats. May lakad ngayon ang magbabarkada, so since wala naman akong ginagawa I decided na sumama na sa kanilan. Celebration na din for our board exam result.
"Oh aalis ka?" Bungad ni Ate Carla pagkababa ko.
"Ahh yeah." Sagot ko dito at sumabay sa kanya papuntang dinning room. "Mom, pwede?" Tanong ko dito.
"Of course. First, you need to eat your breakfast, celebrate tayo later. Invite your friends, if pwede sila." Sabi ni Mommy habang hinahainan ako ng kanin sa plato.
"I will tell them, Mom. Thank you." Nakangiting sabi ko.
Buong galak kaming kumain, makikita mo talaga ang saya sa mga mata namin.
Nang matapos kumain, agad akong naghanda para umalis.
Magkikita-kita kami sa isang kalenderya malapit sa school na lagi naming kinakain dati pa.
Nang makarating ako dito, naabutan ko sila Eunice at Lanie.
"Kayo palang?" Tanong ko dito. Tumayo naman sila at hinalikan ako sa pisngi.
"Obvious ba?" Masungit na sagot ni Lanie kaya nabatukan ko ito.
"Nasaan si Bridget?" Tanong ko ulit.
"Hindi nagpasundo eh. Magdadala ata ng car." Si Eunice ang sumagot.
"Oorder na ba tayo? Or hihintayin natin sila?" Tanong naman ni Lanie.
"Later nalang. Gutom na ba kayo?" Pagbabalik ko ng tanong dito.
"Hindi pa naman." Sagot naman ng dalawa.
Nag-intay pa kami ng ilang minuto at dumating na din sila Bridget at Jeyoush.
"Oh, iisipin ko na talagang mag-jowa kayo." Sabi pa ni Lanie.
"A-ahmm. Actually yes. He's my boyfriend now." Nahihiyang sabi pa ni Bridget.
Napaawang ang mga labi namin dala na rin ng gulat.
"Congratulations!" Biglang sigaw ni Lanie, kaya pinagtinginan kami agad ng mga taong kumakain.
"Kung ganoon, kailan pa?" Tanong ni Eunice. Naupo naman sila Bridget.
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Teen FictionSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
