Chapter Sixty-four

68 7 2
                                        

A/n: Grabe mga bhie HAHAHAH nire-read ko 'yung ilang chapters. Ghorl, 'yung "Geoffrey" ko naging "Geofree" tapos 'yung "Torres" nagiging "Toress" huhuness naloloka ako sa sarili ko. Ieedit ko 'yun soon HAHAHA pucha. Anywayss, enjoy reading mga mahar<3 long, long update.


Aestherielle's POV


Hanggang ngayon hindi ako makatulog dahil na din sa text ni Kenzo.

Pupunta ba ako? Kung pupunta ako, magkakaayos kami, pero paano si Flor? Paano ang relasyon nila kung mayroon man?

Pero paano naman ako? Paano naman ang nararamdaman ko?




"Nyeta!" sigaw ko. Kahit nagpagulong-gulong na ako sa kama hindi parin ako dapuan ng antok.

Minabuti ko na lang bumaba at uminom ng gatas, baka sakaling antukin.


Pagkabukas ko ng pintuan, ganoon nalang ang gulat ko nang makita si Ate Carla.


"Oh, parang tanga." natatawang sabi ni Ate Carla. Natawa ata sya sa expression ng mukha ko.



"Nakakagulat ka naman kase." sabi ko dito at lumabas na.


"Hindi ka makatulog?" tanong nito.


Umiling lang ako dito at pinulupot ang kamay ko sa braso nya.

"Oh bakit?" tanong nya at sabay kaming pumunta sa kusina. Pinaupo naman nya ako habang sya at kumuha ng baso at nilagyan ng fresh milk.


"Wala lang" sagot ko dito. Nilapag naman nya ang gatas na agad ko namang kinuha.


Hindi ito sumagot bagkus sinenyasan nya akong sumunod sa kanya.


Pumunta kami sa balcony. Mula dito, damang dama ko ang lamig ng hangin. Sobrang nakakarelax.


"Lokohin mo na lahat, 'wag lang ako." Masungit na sabi nito. "Ano nga?" tanong ulit nito at uminom sa gatas na hawak nya.


"Ganito nalang. Kunwari may ex ka, then birthday nya bukas. Tapos nagtext sya sayo na kapag pumunta ka sa birthday nya, hinding hindi ka na nya papakawalan. Pupunta ka?" tanong ko dito.


Napa-isip naman ito.


"Hmmmm depende. Kung may feelings pa ako, edi go." simpleng sagot nito.



"Paano kapag may masasaktan kayong tao?" tanong ko pa.


"Edi balikan ko parin. Marupok ako eh." pag-amin nito.

"Laking tulong Ate." I said sarcastically.


"Ano ba kase problema mo?" natatawang tanong pa nito.

Binuksan ko naman ang phone ko at pinabasa sa kanya ang text na natanggap ko mula kay Kenzo.

Nanlaki naman ang mata nito at kinuha pa ang phone. Napainom nalang ako ng gatas.

Akmang sisigaw ito nang takpan ko ang bunganga nito.


"Ate! 'Wag kang sumigaw, malalim na gabi" sabi ko dito.


Tinanggal naman nya ang kamay ko.

"Oh ano plano mo?" mahinahon na tanong nito.


UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now