Chapter Fifty-two

63 8 0
                                        

Aestherielle's POV

"Pero Kuya, parang ang unfair naman kung Assistant agad ako." Sabi ko agad dito.

"Teka, paanong unfair? Kapatid kita, so ilalagay kita agad sa mataas na posistion." Kunot noong sabi pa ni Kuya.

Napabuntong hininga muna ako bago sumagot dito.

"'Yun na nga Kuya eh, ayoko ng ganun. Ang gusto ko, pinaghihirapan ko lahat lahat ng makakamit ko sa buhay. And why it is unfair? Magiging unfair 'yon dahil ang pagiging Assistant mo ay pinapangarap ng nakakarami. Ayokong maging unfair sa kanila, besides wala ka pa namang nagiging problema sa assistant mo ngayon." Mahabang paliwanag ko dito.

"And what's the point?" Naguguluhan paring tanong ni Mommy.

"I want to start to a low position" diretsong sagot ko dito. Na ikinagulat nilang lahat.

"Pero-"

"No more buts, Kuya" pagputol ko sa sasabihin ni Kuya.

Pumalakpak naman si Mommy.

"Mom." Pananaway ni Kuya.

"You're really my daughter" sabi ni Mommy sa akin.

"Mo-"

"Tama sya Axelle. Magiging unfair sa iba." Pagbaling ni Mommy kay Kuya.

"Mahihirapan sya" kunot-noo pang sabi ni Kuya.

"Pero mas mahihirapan ako Kuya kung sa taas agad ako. Mangangapa pa ako." Ako na sumagot dito.

Bumuntong hininga nalang ito.

"Fine, fine." Pagsukong sabi pa nito.

Ngumiti naman ako dito pero nakakunot lang ang noo nito.

"I'll gonna assign you to secretary." Napatigil ito dahil iniisip pa kung kanino ako iaassign. "Right, may available na position. Sectretary ni Ms. Margoe. She's the Marketing head. Is it clear?" Pagtatanong nya.

Tumango naman ako dito.

"Okay na lahat. So bukas, sabay sabay tayong papasok. Ipapakilala ko na kayo, and of course ikaw Aestherielle. Gusto kong makilala ka nila bilang kapatid ko." Sabi pa ni Kuya.

"Ahmm Kuya-"

"Tututol ka nanaman?" Pagtatanong ni Kuya.

Napatigil naman ako at yumuko nalang.

"Axelle ano ba?" Pananaway naman ni Mommy. "Go 'nak. Say it." Sabi pa nya.

"K-kung puwede po sana, a-ahmm. 'Wag nyo po muna ako ipakilala agad." Nakatungo ko paring sabi. "A-ayoko po kase ng may special treatment. K-kung puwede lang po sana." Doon lang ako nag-angat ng tingin at nagtama agad ang paningin namin ni Kuya.

Bakas sa mga mata nya ang pag-hanga sa hindi ko alam na dahilan.

"Pinapahanga mo talaga ako 'nak. Pinalaki ka ng tama ng iyong ama." Papuri ni Mommy at lumapit ito sa akin at yumakap.

Pero hindi ko inalis ang tingin kay Kuya kahit nakayakap ako kay Mommy.

Napabuntong hininga ito at umiwas ng tingin.

"Okay fine. Matulog na kayo at maaga pa tayo bukas. Good night." Umalis na ito umakyat na.

Humiwalay naman sa akin si Mommy at hinalikan ako sa noo.

UNCONDITIONAL LOVE Where stories live. Discover now