Aestherielle's POV
Anong ginagawa dito ni Kuya Axelle?
Taka akong inilapag ang mga gamit ko sa lamesa. Iniintay parin ang sagot nya.
"Kuya Axelle." Pagtawag ko ulit dito.
Pero wala akong nakuhang sagot dito. Hanggang sa magring na ang phone nya. Lumabas na muna ito at sinagot ang tawag.
Sakto naman ang pagsulpot ni Ate Carla galing sa kusina.
"Ate Carla, bakit ka nagpatuloy ng hindi ko kilala?" Takang tanong ko dito.
"Kanina pa sya sa labas ng bahay, kawawa naman kaya pinatuloy ko na. Tsaka kilala ko sya, sya yung sinasabi kong naghahanap sayo noong nasa hospital ka pa." Sabi pa nito at kinuha pa ang juice na itinimpla pa nya ata.
All this time, kilala nya pala ako?
Nakakunot parin ang noo ko hanggang sa bumalik na ito.
"Ahmm Aestherielle. Can I talk to you." Paninimula nya. Tumango naman ako at isinenyas ko na maupo sya.
"Maiwan ko na muna kayo. Ae, doon muna ako sa labas" pagpapaalam ni Ate Carla.
"Ano pong pag-uusapan natin?" Kating-kati kong tanong.
"Hindi ko alam kung handa ka na bang malaman ang lahat." Pagsagot nito.
Handa? Saan? Sa ano?
"Kuya, sabihin mo na. Ang gulo eh." Pagtatanong ko ulit.
"About our family"
Mas lalo akong naguluhan
Our family? Kailan pa kita naging kapatid? Or baka tatay ko talaga sya? Kingina. Ang gulo, mas magulo pa sa love life ko.
"Teka nga Kuya, prank lang 'to 'no? Aysuss Kuya, ilabas mo na mga camera. Ginawa mo pa akong content" sabi ko pa dito.
Natawa naman ito. Pero agad ding sumeryoso.
"I am serious Aestherielle."
"Pucha Kuya Axelle, sabihin mo na lahat hindi na ata kakayanin ng brain cells ko kapag pinahula mo pa sa akin."
"I-i am your brother.." nauutal na sabi nito.
Brother? Kuya ko talaga sya? Paano nangyari iyon?
"Kuya, kung sabog ka 'wag ka dito manggulo okay?" Sabi ko pa.
"I am your brother, iisa lang ang mommy natin." Seryoso pang sabi nito.
M-mommy? Buhay ang nanay ko?
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga nalalaman ko.
"Aestherielle..." Pagtawag nito sa pangalan ko pero pinigilan ko sya.
"Teka Kuya. Ibig sabihin, b-buhay ang nanay ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ngumiti ito at tumango. Agad na nangilid ang mga luha ko.
M-may pag-asa akong makita ang n-nanay ko.
"Yes Aestherielle, excited na din syang makita ka." Ngiting dagdag pa nito.
"Teka Kuya, hindi ka sabog?" Tumawa ito at umiling. "Hindi ito prank?" Mas lalong natawa ito at umiling.
May kuya ako? M-may nanay ako?
YOU ARE READING
UNCONDITIONAL LOVE
Novela JuvenilSi Aestherielle ay isang responsableng anak ngunit pinagkaitan ng kalayaan at pansariling kasiyahan. Until Kenzo her classmate came. Sa bawat parte ng kwento na ito ay magsisilbing eroplano, bangka at kalesa na maaring magdala ng iyong imahinasyon...
