(Unedited*)
Hera POV:
Bat ba ako sumama kila Vien?-.- hayyy sabi ko aalisin ko na at iiwasan ang pamahalaan pero bakit ito ako ngayon? Naglalakad at naghahanap kung saan gaganapin ang paligsahan.
"Ayuunnn!"biglang sigaw ni Vien at hinatak kami nang mabilis.
"Hinay hinay lang Vien at baka masuntok tayo ni Ate Hera,Mukang badtrip si Ate sayo pfft."dada nang kaibigan nyang si West.
Napatingin naman si Vien sakin at nag peace sign.-_-
"tsk..Bakit ba gusto nyo dyan mag aral? Umuwi nalang tayo at ako ang magtuturo sainyo."Pang-aaya ko sakanila kaso sabay silang umiling.
"Ehhhhh ate Hera, Iba kase yun pag tuturo nang guro sa katulad mo lang.."Natahimik ako dun.Sabagay,Di nila alam ang nanyayari dati sa loob nang palasyo kaya ganyan sila kasaya.
"Nasan ba tayo,Vien? Hatak kasi nang hatak eh"Pagtatanong ni West.
Tahimik na lamang akong sumunod at namasid sa kapaligiran.Madilim.Mga patay na puno.Madaming halaman.Nasa kagubatan kami.Tsk.
Nasa kalagitnaan palang ako ng pagmamasid ay biglang kumulog nang malakas.
"AAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!"tili ng dalawa.Napamaang naman ako nun biglang Nagsalita ang isang puno.Nung una ay Hindi ko marinig dahil mahina ang boses nito pero unti unti din itong luminaw.
"Hanapin ang gintong laso.Hanapin ang gintong laso para makasama sa limang makakapasok sa Kenque University."Nawala bigla ang puno pagtapos nitong magsalita.
Tila takot na takot pa din ang dalawa sa kulog at mukang di pa nakinig sa sinabi nang puno. "Hoy,sabi nang puno ay hahanapin daw yun gintong laso para makapasok. Wag na kayong magulat kung may lalabas nang kung ano ano sa paligid tsk. Inuubos lamang nya ang oras nyo. Kaya ang pinaka pokus natin ay gintong laso lamang."
Medyo naglakad ako palayo sakanila at tinanaw ang gintong laso na iyon.
"Hoyyyy Hera saglet aba! Kala ko wala kang pake sa palasyo? Eh bat bigla ka atang naging interesado?"Andaldal talaga ni Vien.
--End of chapter 1.