Chapter 8

92 4 0
                                    

*unedited*

••Hera POV••

Sabay silang nagsarado nang bibig at sa umiwas nang tingin. Napatawa nalang ako saglit.

Napalingon ako sa may Left side at nakita na si Light. "Good morning sainyo. Gaganda nang girls ah? Nice yan. So Tara na?"

Biglang kumapit sa magkabilang braso ko sila Vien at sabay sabay na naglakad.

Tinuro ni Light yun cafeteria na nadaanan namin kahapon at sinabing kumain muna kami.Binigay ni Light yun mga I.D namin at sinabi na suotin na para makakuha nang foods.

Biglang umakbay sakin si Rade."Akina na yan ganda ako na oorder para sayo..I mean kami nalang tapos hanap na kayo upuan." Binigay ko naman sakanya yun i.d ko tsaka sinabi kila West na medyo gilid kami puwesto.

Habang naghihintay ay pinagtitinginan nanaman kami nang mga tao. May biglang lumapit samin na apat na babae.

"Hoy kayong tatlo umalis nga kayo dyan upuan namin yan!" Sigaw nun makapal yun lipstick ata.

Napataas naman yun kilay ko at hinanap kung may pangalan ba nila o wala. Wala naman akong nakita kaya sinagot ko sya.

"Ah upuan nyo toh?" Tumango sila sabay sabay.

"Pake ko?"

Bigla naman namula yun makapal yun blush on. Natural or artificial yun pula? "Umalis nalang kayo! Kung ayaw nyong makatikim samin."

Ngumisi ako."Sino ba kayo?"

"Kami ang quadrets! At upuan namin iyan inuupuan nyo!! Shooo!" Medyo tinulak nya ako nang unti.

Wow tinulak ako. Lakas."Wala naman pangalan o kahit anong patunay na sainyo toh ah? Besides na examine ko na agad na wala dito ang DNA nyo..so yeah we ain't moving." Nakita ko namula na silang lahat at umalis siguro dahil sa hiya. Kaagad naman akong umupo at saktong dumating sila Rade.

"Ohhh bakit kayo nakangiti? Alam kong gwapo ako." Sabi ni Alex. Bigla naman itong sinapak ni West at natawa.

Napailing na lang ako. Binigay na sakin ni Rade yun pagkain ko at I.d. tahimik akong kumain at pinakinggan sila. Natapos kaming lahat kumain at tinour kami sa lahat.

Napasilip ako sa relos ko.

▪9:45am▪

Sinabi samin ni Light ay pwede na kami mag ikot ikot nang kanya kanya.

"So..saan kayo pupunta girls? Pupunta kaming Gym at court..kayo?"tanong ni Seid.

"Ewan..siguro ikot ikot lang kami sa garden..sige punta na kayo dun." Sabi ni Vien.

Nagpaalam na sila saamin at kami din. Hinila nila ako sa may garden at nagduyan sila dun.

Ako naman ay nagpahinga sa ilalim nang puno. Ang sariwa nang hangin kaya di ko maiwasan makaidlip.

"Miss..gising." rinig ko. Napadilat ako at nagulat ako nang may lalaki na sa harap ko.

"Who are you?" Tanong ko.

Tinignan nya lang naman ako at umakyat sya nang puno.

"Hera!" Napalingon ako kila Vien.

"Oh?"

"Tara na 11am na kailangan na natin bumalik sa dorm para makapagpalit."at hinila nako palayo ni West.

Nakabalik kami sa kwarto at humiga lang ako. Sila Vien ay nagpalit na at mag aayos padaw sila. Sabi ni West wag na daw ako ayusan kasi parang di naman daw nawala yun mga nilagay nya kanina.

Sino kaya yun kanina? May kamukha sya kaso di ko naman nakita yun muka dahil kakagising ko lang kanina.

"HERAAAA! Magbihis kana!"sigaw ni Vien. Napabuntong hininga nalang ako pumasok sa closet. Kinuha ko yun uniform at agad na nagpalit. Habang sinusuot ko toh ay napapangiwi ako sa iksi nang palda.

Simple lang naman yun uniform. Gold with silver linings yun palda.maiksi sobra. Yun polo plain white longsleeve tapos yun blazer ay black with gold and silver linings. May patch ito sa left side. Ang necktie naman ay black din pero may glitters na gold. In short pang maarte. Yun school shoes ay dipende sayo. Dalawa iyon. Isang boots na hanggang tuhod katulad nang kanina at isang normal boots na may heels. May cape syang hanggang likod nang tuhod.

Tinignan ko naman yun schedule namin at 1:00pm pa ang start nang unang class at sa Section 1-B kami naka lagay.

Nag aya na silang kumain nang tanghalian kaya inayos ko na agad yun gamit na dadalhin ko at lumabas na.

"Hera.." napalingon naman ako kay Vien.

"Alam mo ba kung saan yun classroom natin?"

"Ahh..oo tinuro sakin ni Light." Tumango tango nalang din sya at pinag patuloy yun kwento nya kay West.

Katulad nang kanina..pinagtitinginan nanaman kami dahil siguro yun iba bagong kita lang samin. Di ko na yun pinansin at hinatak ko na sila papuntang cafeteria.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon