Special Chapter I

40 0 0
                                    

⚠️Trigger warning. Read at your own risk⚠️

Special chapter I

(Kenque University what if)

Scene#1 What if Kenque University didn't exist and they met in reality?

••Hera's POV••

"Hmm..." Inaantok akong nag unat unat at pumunta sa banyo.

"GISING NA ATE!" rinig kong sigaw ng bunsong kapatid ko.

"ETO NA, GISING NA NGA!"

Nagmumog at naghugas lang ako ng muka bago bumaba. Naamoy ko agad nag mabangong amoy ng pagkaing nasa lamesa. Lumapit ako kay Mama na naglalagay ng sinangag sa plato.

"Good morning ma!"

"Magandang umaga anak, hala't kumain na tayo..."

Napalinga linga ako ng mapansin kong wala si papa. "Asan si papa?"

"Maaga umalis yon, sabi niya ay may meeting daw sila ng vice president na nasa Amerika ngayon."

Tumango lang ako at nag pasalamat sa pagkain. Dahil sa gutom at respeto sa pagkain, matapos kami ng walang ingay at ng mapayapa.

"Wala ka bang pasok ngayon?" sambit ni mama.

Napatingin ako sa orasan. Nanlaki ang mata ko na makitang alas nuebe na!

"Mother father-"

Kumaripas ako ng takbo at tinignan ang selpon ko na nasa mesa. Fvck! 10AM nga pala ang history namin ngayon.

Nagkanda dapa dapa nako sa takbo at naligo na. Mabilis kong kinuha ang shampoo at kung minamalas ka nga naman, natalsikan ang mata ko!

" AAAAARRRRRGGGHHHHHHH!"

Kahit na may iniindang sakit ay mabilis kong tinapos ang pag ligo ko at nagbanlaw na. Hindi nako nag blower ng buhok at basta nalang nag bihis.

Kinuha ko ang bag na nasa lapag at pinasok ang laptop ko at binder. Kinagat ko ang suklay habang nag memedyas. Narinig kong tumunog ang phone ko pero kinuha ko lang yun at tumakbo na palabas.

"Bye ma, Gin!"

----

Hinihingal akong tumigil sa convenient store para bumili ng payong. Kung minamalas ka nga naman, biglang bumuhos ang ulan. Nun kukunin ko na sana ang payong ay bigla itong hinila din ng nagmamadaling tao. Mukang malalate na din siya.

Hindi ko na ito pinansin ng makitang limang minuto nalang para mag 10 AM! Kinuha ko ang bag ko at tumakbo na sa ulan.

Hindi pa ko nakalalayo sa convenient store ay basang basa nako. Parang gusto ko nalang umiyak sa inis.

'bakit ba kasi ako marunong magpatay ng alarm nang nakapikit?!'

Habang tumatakbo ay narinig ko na ang bell. Tumigil ako sa gitna ng ulna at naglakad nalang. Late nanaman na, edi panindigan na.

Nakatingin lang ako sa baba at marahan hinabol ang aking hininga. Kinuha ko ang towel na basa at pinunas sa muka ko. Napakagat ako ng labi, Buti nalang waterproof ang bag ko.

Habang pinupunasan ko ang muka ko ay naramdaman ko na nawala ang ulan. Napatingala ako at may payong na nakalutang.

Transparent naman ang payong pero dahil sa ulan ay ang labo ng pigurang nasa harap ko.

Isinukbit niya nag handle ng payong sa leeg at balikat ko bago ito tumakbo na.

"Sandal-..."

Napanguso ako ng hindi ako narinig. Hinawakan ko ng maayos ang payong bago inalala ang kaniyang mata.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon