••Hera POV••
Ilan araw na ang lumipas at nagsisimula ng maghanda nang mabilis para sa sayawan.
Napanguso ako dahil hindi naman ako marunong sumayaw. Huminga ako bago humiga. Nasa loob ako ngayon floating garden at halos transparent ang mga dingding nito. Umaambon pero ang mga kidlat at kulog ay sadyang aktibo.
Napakaganda nang paligid kaya parang nangangati ang kamay ko puminta. Kinuha ko ang isang papel at mga gagamitin ko. Simulan ko nang kulayan ang paligid na kulay itim at pagtapis nun ay sinunod ko ang mga kidlat. Napapatigil ako tuwing kumidlat upang panuorin ito at muling babalik sa pagpipinta.
Napangiti ako nang matapos ko ang nasa isip ko. Pinatuyo ko ito bago iligpit. Minsan ay gusto ko nalang magpatama sa kidlat at tignan ang mga mangyayari. Nabasa ko sa isang libro na maaari pa din mabuhay pagtapos makidlatan pero mag iiwan ito nang permanenteng marka sa katawan at isipan.
Nakakakilabot pero nakakaexcite na gawin. Humiga muna ako dahil malamig pero hindi ko namalayan nakatulog ako.
"Wake up..."
Ayokong ginigising pero dumilat ako at bungad sakin ang muka ni Nexan.
"Pasensya nakatulog pala ako."
"It's fine. Ang sarap nga nang tulog mo eh, humihilik kapa."
Namula naman ako sa sinabi nya. The fck? Humihilik? Kahiya.
Tumango nalang ako dahil sa pagkahiya at nag paalam na.
"Saglit," Sabi nya. Napatingin at tumigil naman ako.
"Oh?"
Umiwas sya nang tingin at tumingin sa sahig. "Samahan mo ko dito muna... Kwentuhan mo ako tungkol sayo."
Huh? Bigla bigla? Parang si Rade din pala toh.
"Ahh hehe, ngayon na?"
"Gusto mo ba bukas?"
Umiling naman ako. "Tungkol saakin? Bakit?"
"A-Ahm well, parte ka ng alpha at as a leader, dapat may alam ako sayo kahit papano maliban sa pangalan at abilidad mo..."
Okay?
Umupo ako isang upuan. "Uhh... A-Ayon nga, ang abilidad ko ay replicabia, kaya ko gayahin ang kahit anong abilidad pero limitado pa lamang ang alam ko at hindi pa ako gaano nahahasa. Hmm, Tinatry ko naman ang lahat upang mahasa ito nang husto at ayun nga hehe..." huminga ako nang malalim pagtapos iyon.
"Ano pa?"
"Anong ano pa?"
Napakunot ang noo nya at nilabas ang isang maliit na sulatan at lapis.
"May bawal na pagkain sayo?"
"Wala?"
"Paboritong pagkain?"
"Ano... Basta kahit anong may strawberry,"
"Di gusto na pagkain?"
Ahm, okra?"
"Mga magulang?"
Napatahimik ako bigla sa tanong nya. Bigla syang sumulyap sakin."Pasensya na... Mukang mali--"
"Patay na."
Hindi nya na inalis ang paningin nya nang sabihin ko yon.
"Tapos na ba ang mga tanong mo???"
Tumango siya at lumapit sakin. Akala ko tatapikin nya nag balikat ko pero inilapit nya sakin muka ang kanyang muka. Biglang kumulog nang malakas kasabay ang isang kakaibang kidlat. Tumigil lamang sya nang ilang hibla na lamang ang aming layo.
" Kaya pala napalungkot nang mata mo..." tinaas nya nang dahan dahan ang aking baba. Napapikit ako nang lumapit sya lalo. May naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa noo ko.
-----------------TO BE CONTINUED--------------------
A/N:
❤️AYOWN MAY PAKISS KISS NA SA NOO HAHAHA.
💋THANK YOU FOR READING! MAKE SURE TO LEAVE A LIKE OR REACTION AND COMMENT!
🍒KEEP SAFE EVERYONE ESPECIALLY SA MGA MALAPIT SA BULKAN TAAL. STAY HYDRATED FAM, I LOVE YOU ALL!