Chapter 55

23 0 0
                                    

••Hera POV••

Pinalabas kami para pumunta sa labas at magsindi ng lanterns. Hindi nako lumayo kila Vien pagtapos namin sumayaw ni Nexan baka makasalubong ko pa sya.

"Hey,"

Napalingon ako kay Rade pagtapos nya kong tawagin. "Oh?"

Tinaas nya ang kapa ko na nahulog.

"Isuot mo na, malamig na."

Kinuha ko naman ito agad at nagpasalamat bago muling nakigulo sa bigayan ng lanterns.

Nakuha ko na ang akin ngunit nilipad ito ng hangin. Tinaas ko ng onti ang suot ko bago ito sundan.

Akmang hahawakan ko na ito ng may dalawang kamay ang humawak sa lantern. Napakunot ang noo ko ng mapagtanto ko na si Rade at Nexan ito.

"Oh,"
"Heto."

Napakurap ako dahil sabay din sil sa pagsalita. Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nila kaya kinuha ko na ang lantern.

Hinatak ko Nexan sa kanan. " Oh dito dumaan," at hinatak ko naman si Rade sa kaliwa "Ikaw dito,"

Humarap ako sakanilang dalawa. "Wag kayo mag away ha. Sasapukin ko kayo parehas pag nasira ang gabi na toh."

Umalis nako dun at dinaluhan na sila Vien muli. Pinasindihan na samin ang lantern bago papaliparin.

"OHHH BAGO NYO PALIPARIN, HUMILING MUNA KAYO MALAY NYO MAGKATOTOO!"

••3rd POV••

"Sana sumaya na kaming lahat."
"Magustuhan mo ako."
"Ako nalang ang piliin nya."
"Sana gumanda na ang katawan ko,"
"Sana mapansin na nya ako"
"Maging hasa para sa aking katungkulan"
"Mamaster ko na ang ability ko"
"Ayoko na maging kaibigan lang."
"Habangbuhay na pagkakaibigan"

Sabay sabay na pinalipad ng mga estudyante ang kanilang mga lanterns at pinagmasdan ito sa ere. Napakaganda ng kapaligiran dahil ito at pinupuno ng ilaw na galing sa buwan at lumilipad na mga lanterns.

Unting unti nang nawala ang mga estudyante at umuwi na ng hindi na gaano matanaw ang lanterns. Inaya na ni Vien si Hera na umuwi na ngunit pinauna nya lamang sila dahil gusto nya pa nanamnamin ang magandang kapaligiran.

Nakatingin si Hera sa langit ng may umupo sa gilid nya.

"Bakit hindi kapa pumapasok sa silid mo?"

"Tinatamad pako iwan ang kapaligiran. Ikaw ano pa ang ginagawa mo rito, Nexan?"

"Hinihintay ka."

"May sasabihin kaba?"

Napatingin si Hera kay Nexan upang abangan ang mga sasabihin. Nakita nya ang alangan sa perpekto nitong muka. Napaiwas ng tingin si Hera nang mapagtanto ang kanyang inisip.

"Wala naman."

Nakaramdaman si Hera ng ilang kaya nagpaalam na ito. "Sige, mauna na ako."

Tumango lang si Nexan bago muling nagmuni muni. Habang naglalakad ay nakaramdam si Hera na pinagmamasdan siya pero sa amoy palang ay alam nyang si Rade ito.

"Rade,"

"Hmm?"

"Bakit moko sinusundan? Umuwi kana."

"Ihahatid lang kita saglit sa silid mo,"

"Hindi na kailangan, sige na umuwi kana."

"payakap nga."

"ano--" naramdaman ni Hera ang mga bisig ni Rade na kapalibot sakanya.

"Hera..." Humigpit bahagya ang kanyang yakap sakanya.

"Ano? May problema kaba? May umaaway ba sayo?"

Naramdaman ni Hera ang bilis ng tibok ng puso ni Rade kaya mas lalo syang nagtaka baka nga may problema ito.

"gusto kita."

Napatigil sa paghinga si Hera sa kanyang narinig at bumaklas sa pagkakayakap.

"Ano?"

Tumingin si Rade ng deretso sa kanyang mata.

"Gustong gusto kita Herause Saren at araw araw mas lalo pa kitang ginugusto."

Natameme ako sa sinabi ni Rade. Napaiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa baba.

'P*tangina anong sasabihin ko? Hindi ko alam gagwin ko sheep... '

Narinig ko ang mahina nyang tawa. "oh bat parang nahiya ka bigla?"

"ha?"

Tinulak tulak nya ako ng mahina "Tara na, malamig na dito,"

Naglakad n kami uli pero ang isip ko ay naglumilipad. Tangena paano nanyari yon? Ano? Ha? Anong gusto?

Napapikit nalang ako at binilisan ang lakad. Nang matanaw ko na ang pinto tumigil nako at humarap sakanya. Napataas ang kilay nya ng tumigil ako bigla.

"Oh bat ka tumigil?"

"Umuwi kana, sige na." tumalikod na ko muli pero bago pako makahakbang ay hinawakan nya ang kamay ko at hinarap sakanya.

"Seryoso ako dun Hera, gusto talaga kita." para akong nalulunod sa emosyon nya.

"W-wala naman akong sinabing d-di ako naniniwala,"

Ngumiti ng onti bago inalis ang hawak sakin. Ginulo nya nag buhok ko at pinatalikod na muli.

"Goodnight." tumango nalang ako at mabilis na naglakad bago pumasok sa bahay. Napasandal ako sa pinto bago huminga. Basta ko nalang hinubad ang akin sapin sa paa at nagpalit.

Dumeretso ako sa kwarto kung saan natutulog na si Emerald. Yinakap ko ang unan hangga't di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

--------------------TO BE CONTINUED--------------------

A/N:

🥒Salamat sa pagbabasa! Mag iwan ng reaksyon at komento sa baba :)

🥒Stay hydrated and keep safe everyone!!!!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon