Chapter 33

45 2 0
                                    

••Vien POV••

"Ikaw ah!HAHAHAHAHA sino yun? Kilala mo ba yun? HAHAHAHAHAHA ang epic tangina!"

Sabay kaming natawa ni West habang nakatingin kay Hera. Napanguso lang sya at humiga. Tumabi naman sakanya si Emerald.

"Tangina nyo nakakahiya. Di ko kilala yun."

Tumigil ako sa pagtawa."Wew? Eh bat parang kilala ka nya? Tinawag ka pa nga nyan 'Herause' eh."

Nagkibit balikat ito at di na umimik.

---------------
   NEXT MORNING
---------------
|4:00am|

Hello world! Nafefeel ko na ngayon ang araw kung saan ako naman ang magpapakitang gilas. Kaya naman pupunta ako sa gym ngayon dahil di naman sila sarado.

Nakita ko na na nagising si Emerald at at sumulyap sakin kaya naman kumaway lang ako sakanya at nagpalit na.

Nang matapos ay kaagad akong lumabas at nag jog papuntang gym.

Buti nalang ay babae ang nagbabantay ngayon kaya isang paalam ko lang ako agad ako pinayagan. Dali dali akong pumunta sa pribadong kwarto at nagsimula nang mag esansayo.

|7:00am|

Hinihingal akong naupo sa isang tabi dahil naramdaman ko na ang init. Wooh...ito nalang ang pwede kong iganti kay Hera pagtapos sa lahat nang ginawa nya saamin. Kailangan kong manalo para kay Hera.

Napatingin ako sa pintuan na nakabukas. Di ko alam na nakalimutan ko pala itong isara.

••Hera POV••

Nagbaba ako nang tingin sa stage matapos ang pang apat na laban ngayon araw. Hay. Inaantok nako.

Biglang may sumigaw sa tenga ko."Hoy Hera!"

"Tsk. Baka gusto mo pang lakasan."

Nagpeace sign si Vien sakin at hinatak ako palabas. "Tara samahan mo ko sa mini store gusto ko uminom nang kape."

Iinom nalang nang kape nandamay pa.

(-.-)

.
.
.

Kakapasok palang namin habang umiinom ay tinawag sya."Vien Rey!"

Halos mabulunan si Vien at aligagang binigay sakin ang kape nya.

Pfft.

Iiling iling akong bumalik sa upuan ko.

"Uy naks, pahinge."Agad na bungad sakin ni Alex kaya agad ko itong tinago sa likod.

Ngunit may isa pang patay gutom na nakaabang.

"Ang tagal nyo."sabi ni Reid bago uminom sa kape ko.

-.-

Binigay ko nalang din kay Alex yun kay Vien dahil mukang di nya naman na yun maiinom.

Galingan mo Vien, nakita ko halos ang ginawa mong pag eensayo sa gym.

••Vien POV••

Ramdam ko ang panglalamig nang aking mga kamay habang nakatingin sa kalaban.

Ngumiti ito sakin at kumaway. Pilit akong gumanti nang ngiti.

"Hi! Ako nga pala si Betrish!--"

"Simulan na!"

Kaagad na pumorma ito nang parang ahas. Ako naman ay naghanda kung saan ito susunod.

Dinuraan ako nito nang laway kaya sa sobrang kaba ko ay gumawa ako nang espada at hinarang ito. Pero unting unti ito na lusaw. Agad ko itong binitawan at pinanood itong malusaw.

Di ko namalayan na nasa likod ko na pala sya.Malakas nang pagkakasipa nya kaya napahiga ako at take note mga teh una muka.

"Argh..."

'Huhuhuhuhu baka maging raindeer nako neto.'

Naramdaman ko na sisipain nya ako uli kaya hinablot ko ang kanyang paa dahilan upang mapahiga sya. Parehas kaming bumangon nang mabilis at umatake.

Atake dun. Atake dito. Sipa doon.Sipa dito. Suntok doon. Suntok dito.

Natigil lamang iyong nang makuha nya ang kamay ko at pinilipit. "TANGINAAA!"

At di pa ito nakuntento at sinuntok ako nito ng paulit ulit gamit ang malayang kamay.

Halos hindi nako makasigaw dahil sa sakit nang katawan.

"Ano hanggang dito ka nalang ba,bago? Hihihihi."

Napangisi ako ng niluwagan nya ang pagkapilipit nang aking kamay kaya naman kaagad ko syang sinikmurahan.

Napahiga sya dahil doon ay nagkaroon ako nang tyansa maikulong sya sa ilusyon.

Napahiyaw ito sa sakit nang makapasok ang mahika ko sakanya. Huli ka ngayon.

Nahihilong napatingin ako sakanya habang sya ay naglalabas ng lason ngunit walang kontrol.

Hanngang ngayon ay di ko parin alam ang ability nya.

Ahas?lason? Mabilis? Di ko matukoy ang kanyang kakayahan. Kahit nahihilo ay pilit kong iniiwasan ang kanyang mga lason.

Kahit di pa kaya nang buong illusion ability ay nakakatuwa na nakaya ko na gumawa nang espada.

Akala ko ay mananalo nako, ngunit nakakawala ang babae sa ilusyon.

"P-Paano?"

Ngumiti ito sakin. "Illusion pala ang ability mo. Hmm. Mahina ka para sa ganyang ability hihihi.Akin nalang yan hihihihi."

Lumapit ito sakin at huli na para makaalis. Nahawakan ako nito sa buhok at pinaluhod. Nilagay nya ang kamay nya sa noo ko at.....

"AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!"

"Opps di ko nasabi na masakit ang gagawin ko hihihi. Don't worry honey, soon the pain will be over hihihi~"

"AAAAAARRRRRGGGGGHHHHHHHH!"

Parang nasusunog ang ulo ko sa loob. Ang sakit.Di ko na kaya.

Napatingin ako kay Hera na nakaupo  at kampante parin. Bakit ganon? Ako ay nasa bingit na nang kamatayan ngunit bakit di sya nagwawala sa labas nang barrier? Katulad nun laban ni Alex.

Ang sakit makita na mamamatay ako sa harap nang kaibigan ko ngunit wala itong ginagawa. Napapikit nalang ako at naghanda na mamatay ngunit biglang nawala ang sakit.

Napadilat ako at...nakalutang ako. At umiilaw ang buhok ko! Napatingin ako sa kalaban at sa ikalawang pagkakataon, ay trinap ko sya sa isang ilusyon. Ilusyon na papatayin sya. Sa lungkot.

Napansin ko din na nakasakay ako sa isang...vixen?

Oo, yun babae na fox. Napalingon ako uli sa baba at nakita ko na yun babae ay umiiyak. Pagulong gulong ito sa sahig habang nagwawala.

"At ang panalo ay si VIEN REY!"

---------------TO BE CONTINUED--------------

A/N

♢THANKS FOR READING! MAKE SURE TO LEAVE A LIKE,REACT AND COMMENT!

♢I LOVE YOU ALL,TAKE CARE AND KEEP SAFE!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon