Chapter 14

72 2 0
                                    


••Hera POV••

Napatingin kami sakanya hanggang makapunta sya dun sa dulo. Nakita namin na pabalik na yun kaming tinawag.

Base sa expression nya ay nakapasa sya. Nakangiti kasi sya at parang relaxed. Narinig ko yun bulong bulungan nila sa kabilang gilid na nakapasa nga daw sya. Nagdiwang naman sila at nagpalakpakan. Nakigaya kami at medyo malayo kami kaya medyo pasigaw yun pag congrats namin sakanya.

Napalingon naman sya sa gawi namin at nagpasalamat. Umupo na agad sya at nakipag kwentuhan ata sa mga kasama nya.

"Sana makapasa din tayo...."

"Sana nga huhuhu..muka pa naman mahirap."

"Di ko nga natapos eh....habang vampires lang ako pano toh?"

"Pero nabalitaan nyo ba??"

"Ang alin?"

"Nakabalik na ang Alphas!!!"

"Ihhhhhhhhhh! Nakabalik na pala ang bebe Copper!!!!"

"Sshhhh wag kang maingay baka marinig ka ni prof!"

"Hehe sorry! Kailan sila nakabalik?"

"Nun makalawa lang hihi! Grabe ang lakas nang tilian kanina nun lumitaw silaaaaa!!"

"Tamaaa! Gumanda lalo sila Alpha Fammi at Fran ehhhh!!!!"

Narinig ko na sinitsitan sila ni Prof kaya tumahimik sila. Alphas? Hmm.

Nakita ko na bumalik na si Aurs. Napatingin ako sakanya. Masaya ang muka nya katulad nun lalaki kanina. Nakapasa sya.

"MERSEN!"

Nakita ko na may tumayo dun sa kabilang section. Lumapit naman si Aurs sakin. Nagtatatalon ito habang nakatingin sakin.

"Nakapasa ako!"

Ngumiti lang ako."Edi ayos."

Umupo na ito uli sa upuan at humarap sakin."Grabe kanina,Hera muntikan ko na makalimutan yon hay..buti nalang nag pop out bigla nun malapit nang mag oras..hay! Ayoko na sa recitation ni prof."

Natawa naman ako nang mahina. Nakakatawa kasi yun kwento nya may pa paction action pa tong nalalaman.

"Ganda mo naman tumawa." May bumulong sakin. Napatingin ako kay Aurs. Ngumisi sya sakin at humarap na.

Tss. Napatingin nalang ako kila Rade. Busy sila sa pag uusap at pagrereview. Sumandal ako sa braso nya.

Naramdaman ko na natigilan sya at tumingin sa gawi ko. Ngumuso lang ako sakanya."Pasandal ako saglit."

Di ko na hinintay at naglakbay na ang isip ko. Kamusta na kaya yun pusa? Tsk. Sana inaalagaan to mabuti nang kapatid ni Vien.

Naisip ko kung sino sino yun alphas na tinutukoy nila kanina. Naalala ko tuloy yun lalaki sa may library. May paabot abot pa syang nalalaman may hagdan naman pala dun sa gilid tss.

Ano kaya magiging guardian ko? Nakakita nako nun dati pero di pa ko nagkakaroon nun.

"SAREN!"

Napatingin naman sakin yun mga kaklase ko. Di ko na sila pinansin at tumayo na. Narinig ko pa sila Aurs na 'kaya mo yan!' Tch.

Narinig ko naman yun bulong bulungan dun sa kabilang section. Grabe sobrang sikat ko naman? Tch. Wala pa nga ako ginagawa eh.

Narating ko na din yun pwesto ni prof. Bakit ba naman kase sobrang layo?

-.-

Pinaupo ako ni prof."Ready?"

Tumango lang ako. Nagsalita uli sya."Nakabase sa ability mo ang guardian mo okay? Ang recitation na ito ay para lang mabihasa ang utak mo at para maintindihan nyo na agad ang ituturo ko sainyo sa susunod."

Tumango lang ako uli. "Okay let's start."

"Ano ang ikalawang malakas na uri? Kasama ang mga guardian."

Sumagot nako agad."Ang mga bampira ang sunod sa pinakamalakas na uri dito sa unibersidad. Ang maaari nilang maging guardian ay Tigre o Phoenix."

"Good.. Next,Ano ang guardians?"

"Ang guardian or guardians ay isang uri ng nilalang na magbabantay ng ability at sarili mo. Sila ay nakatadhana na talaga na protektahan ang kanilang amo."

"At?"

Napakunot naman ang noo ko. Pero sumagot pa din ako."Sila ay nakadepende sa uri at abilidad mo. Meron din silang kalayaan na mamili nang bago nilang babantayan kapag namatay ang kanilang amo."

"Very good! Ikaw palang ang nakakuha nang mataas na marka. Ipagpatuloy mo iyan iha."

Tatayo na sana ako nang magsalita sya uli."Pamilyar ka sakin..."

"Ano po ibig sabihin nyo?"

"Namumukaan kasi kita...teka saan nga iyon?" Tila nag isip pa ito.

"Aha! Ikaw yun hinila ni professor Norris diba?"

Tumango ako."opo."

Natango tango din ito."Bakit mo kasi di inayos ang sagot mo?"

Medyo naiirita na ko sakanya ah. Nagugutom nako at eto sya pinigilan akong umalis.

Ngumiti ako nang pilit.
"Nawala po kasi ako sa mood."

"Ahh..sila kapag nawala ka sa mood,nanbabastos ka nang guro?"Nabahidan ko na parang may kasamang sarcasm ang pagtatanong nya.

Ngumiti ako rito at tumayo nang deretso."Kailangan ko din po ba magpaliwanag sainyo? Paumanhin pero ang pakikialam sa buhay nang iba ay nakaka ubos oras. Balik napo ako."

Nakita ko na medyo namula sya at mukang napahiya. Tumalikod na ko sakanya at lumakad pabalik sa upuan ko. Sinadya kong sa madilim na parte ako dumaan para makapagteleport ako.

"TAQUA!"

Rinig kong tawag ni prof. Napabuntong hininga ako. Bakit ang pakialamero nang guro na iyon? Nagugutom na tuloy ako.

Nagteleport ako papuntang canteen at  kumuha nang apple juice. Di ko nakita si Vue kaya lumabas nalang ako.

Habang naglalakad ako papuntang library dahil matutulog ako..nakita ko sa malaking bubong na babasagin na  makulimlim. Uulan kaya? Sumipsip ako sa juice habang nakatingala sa bintana.

Ang galing paano kaya nila nagawa--

"Aray!"

"Shit."

Napatingin ako sa damit nabangga ko. Natapon tuloy nang unti sa damit nun nabangga ko.

Medyo nataranta ako dahil kumulog nang malakas. Pinunasan ko yun nang dala kong panyo"Sorry. Di ko sinasadya. Pasensya talaga."

Pinigilan nya yun kamay ko." Ayos lang." Kinuha nya yun juice ko na nahulog. Tapos nilagay nya sa kamay ko. Napatingin ako sa mata nya.

Lumakad na sya palayo. Napatingin ako sa likod nya na papalayo. Bakit palagi ko nalang sya nakikita?

---------TO BE CONTINUED---------
A/N
■THANK YOU FOR READING! LEAVE A LIKE,REACT AND COMMENT!

■KEEP SAFE ALWAYS!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon