Chapter 78

10 0 0
                                    


Chapter 78

••Hera POV••

"Natisod pero Medyo humupa na ang sakit..."

Tumango ako sakanya at luminga linga. Nakita ko ang isang pigura na papalapit samin.

Kinuha ko ang sandata na nakatago bago naghanda kung ano ang paparating samin.

"Hera! Nakita ko ang maliit na daana--Pro alpha?!"

Kumaway si Nexan tinapik ang gilid niya. Umupo si Copper at kwinento ang mga pangyayari sakanya.

'Hindi pa kami kumpleto at wala pa kaming nakukuhang impormasyon...'

Tumayo ako nagpagpag. "Iiwan ko muna kayo saglit."

Naramdaman ko ang paghawak ni Nexan sa kamay ko. "Huwag na, Hera. Baka magka hiwa hiwalay nanaman..."

Umiling ako. "Hindi ako mapapanatag hangga't di tayo kumpleto at impormasyon."

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya.

"Saglit lang ako at hindi rin ako lalayo. Maaaring nasa paligid lang pala si Fran... Titingin tingin lang ako. Ikaw muna bahala sakanya, Copper."

Tumango si Copper. Sumakay nako kay Emerald at tumaas.
---

Nag iwan ako ng mga marka sa puno upang nalaman kung umikot lang kami dahil parang kahit saan tumingin ay napapalibutan kami ng madaming puno.

Naging maingat naman ako sa paligid pero sadyang napakahusay ng kanilang pandinig.

"Sino ka?!"

Nag kibit balikat lang ako. Mukang napaka alerto nila dahil mabilis silang pumunta para palibutan ako.

Pinakiramdaman ko muna sila kung susugurin nila ako. Biglang lumapit sakin ang may balabal na kauri nila.

"Sino ang nagpadala sayo dito? Ang mga taga unibersidad ba?!"

Tumango ako at hinanda ang kamay ko.

"Marahil hindi mo pa alam ang aming nakaraan, binibini. Hindi ka dapat narito."

"Wala kaming masamang balak sainyo..."

"Kasinungalingan! Ikaw! And ang mga kauri mo ang dahilan kung nawala ang tiwala namin. Sinunog nyo at pinaikot kami dahil alam niyong hindi kami kasing galing ng inyong mga utak."

Magsasalita pa lamang ako ay, bigla nila kaong inatake. Sinenyasan ko naman si Emerald upang maghiwalay kami. Tumalon sa isang likod ng satoir at iniwasiwas ang espada.

" Hindi ako nandito para sa gulo. Ngayon , ang aking mga susunod na gagawin ay purong depensa lamang sa inyong mga atake. Humihingi na ako ng pasensya kung masaktan kayo..."

Mabilis na itinapat sakin ang dalawang pabilog na kahoy at inikot ikot ito. Wala akong nagawa kundi umatras ng umatras habang iniiwasan ang mga patalim nito.

Bahagya akong nagulat dahil puno na ang nasa likod ko. Wala akong magawa kundi umikot sa gilid nito at pinutol ko ang tali nito. Patakbo akong lumapit sakanya at hinampas ang leeg niya.

Sabay sabay naman umatake ang tatlo. Wala silang mga armas pero malalaki ang kaninang pisikal na anyo. Kinagat ko ang hawakan ng espada at kinuha ang lubid sa binti ko.

Sinubukan akong hilahin pero naiwasan ko ito at tinali sa kamay niya ang lubid. Umikot ako sa puno at tila siya ay hindi makawala. Kinuha ko ang kadugtong noon at mabilis na tinali din ang mga kamay ng natitira pang satoir.

Huminga ako ng malakas at tumingin sa harap. Nag iisa na lamang ang pinuno nila sa gitna.

"ano't- p-pano, hindi ko makita nag iyong kilos! Para kang hangin, punyeta!"

Tinuro ko ang espada ko sakanya. "Ikaw ay sasama sakin."

-------------TO BE CONTINUED--------------

A/N:

🤸‍♀️Again and again, nawala ang 77 at 78 sa fb huhu so I have to re write it again but it's probably different sa original kasi super tagal ko na nun sinulat hay.

🤸‍♀️ANYWAYS, THANK YOU SO MUCH FOR READING! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, ICLICK ANG VOTE BUTTON AND COMMENT DOWN BELOW!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon