Chapter 84
••Hera POV••
Tumunog ang kampana na hudyat ng pagkatapos ng isang paksa. Humihikab na humarap sakin si Fran.
"Kakain ka ba?"
Umiling ako. "Iidlip muna ako."
Tumango siya at hinatak si Copper. Agad akong nagmukmok sa lamesa dahil malamig ang paligid.
"Hey..." Naramdaman ko ang pag upo ng isang bulto sa gilid ko at niyakap ako kahit nakadukdok ako sa lamesa.
Hindi ko na siya napansin dahil inaantok na talaga ako at hinayaang pumikit ang aking mga mata.
ZzzzzzZZzzzzZ
"Gising na inday, physical ang ating pageensayo ngayon..."
Napakusot ako nang mata pagtapos akong alugin ni Fran. "Tara naaaa, nauna na sila pro alpha dahil magkaiba daw ang mag eensayo satin ngayon."
"Ay talaga,"
"Oo, kaya bilisan na natin dahil baka mahuli pa tayo!" Sabi nito sakin sabay hila sa kamay ko.
Kusang nagising ang kaluluwa ko nang hinihingal na tumapat kami sa pinto ng silid ko saan kami mahkaklase ngayon.
Tumango ako kay Fran upang hudyatan siya na kumatok na siya at buksan ang pinto. Tumango lang siya pabalik at tatlong beses kumatok.
"Pasok." Rinig namin sabi sa loob kaya binuksan na ni Fran ang pinto at pumasok na kami.
"Magandang hapon sainyong dalawa. Ako si Miss Tayme, ang magiging guro nyo pansamatala."
"Magandang hapon po." Sabay na bigkas namin ni Fran. Itinuro ni miss Tayme ang dalawang upuan sa harap ng pisara.
Pagkaupong pagkaupo namin ay agad na nagsimula sa pag tuturo ito. "Ang ating pag aaralan ngayon ay..."
Pinutol nya ang kanyang sasabihin at may sinulat ito sa pisara.
"Pasensya?" Basa ko.
"Tama ang iyong basa. Kayo ay sasabak sa maraming pagsubok kung saan kakailangin nyo ang inyong pasensya at katatagan kung gaano kayo nakakatiis. Maeensayo din natin ang inyong bilis sa pagkilos at pag iisip."
May kinuha siyang dalawang libro at inilapag sa harap namin." Basahin nyo iyan bago matapos ang klase. "
Taka kong tinitigan ang libro at binuksan. Meron lamang kaming isang oras para tapusin ito at muka mahaba haba kaya wala ako sinayang na oras at nagpokus.
Akmang ililipat ko na ang pahina ng may tumama sakin sa ulo. Tinignan ko ang likod ko at may nakita akong isang bata na may hawak na goma. Pinilit ko itong hindi pansinin at nagbasa muli.
Isa, dalawa, lima, walo. Napapikit ako sa inis at hinarap muli ang bata pagtapos ako tamaan ng walong goma. "Pakiusap itigil mo iyan, may kailangan pa kong tapusin."
Tumawa lamang ito at dumila. Muli akong umupo at napansin wala na pala si Fran sa tabi ko. Luminga linga ako at tanging bata at ako lang ang nandito sa silid na ito.
Napatingin ako sa bintana at nakita na unting unti pagbabago sa kalangitan. Umupo ako sa upuan at binuklat ko uli ang libro.napansin kong may kakaiba sa upuan ko dahil parang may naupuan ata ako pero hindi ko na ito pinansin.
Sheet, di ako makapagpokus. Ang buong katawan at isipan ko ay nakapokus sa bata at kung saan tatama ang kaniyang binabato.
---------------------TO BE CONTINUED---------------------
👌SALAMAT SA IYONG PAGBABASA! MAG IWAN NG REAKSYON, LIKE AT KOMENTO SA BABA KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN!
👌STAY SAFE AND HEALTHY! ILYA.