Chapter 87

10 0 0
                                    


Chapter 87
••Vien POV••

Tumingin ako kay Hera na mukang tulog na. Tumango ako sa anino na nakasulyap samin. Hinigop kami ng paunti unti ng isang anino bago napunta sa ibang lugar.

"Ibaba at itali mo siya diyan sa isang upuan."

Agad na kumilos ang mga maliliit na nilalang at ginawa ang aking sinabi.

"Magaling, Vien..." sabi ng biglang lumabas sa anino.

"Ano ang susunod na hakbang, Red?"

(A/N: Red, taga Chap 37 ito haa, Isa sa mga sumalakay after ng evaluation. Siya din yun nakausap ni Vien sa chap 82.)

"Kailan natin hintayin na gumalaw ang iba pa na alpha. Siguradong magkakagulo kapag hindi ka din nila nakita, Vien kaya maaari ka ng bumalik doon muna."

Tinuro ko si Hera. "Paano siya?"

Ngumiti lang sakin ito at tinuro ang posas. "Ang posas na yan ay kayang pigilan ang lahat ng sumasalungat sa kadiliman."

Tinawag ko si Veux at kami ay inuwi na ng itim na nilalang.

Binaba ko si Veux at naglakad sa pinakataas ng paaralan. Kumuha ako ng isang tabako at sinindihan.

Pagkabuga ko ay napansin ko ang langit na nagiging kahel na dahil sa papalubog na araw.

Hindi ko na mapigilan ngumiti ng mapait.

'Jules...'

Kusang tumulo ang aking mga luha habang inaalala ang aking mga pagpigil sa akin mga kaibigan noon tungkol aa isang batang babae na gusto nilang tulungan.

**Flashback**

"Saglit nga! Balak nyong pumasok sa isang bahay ng walang pahintulot?"

"Vien, Si Hera ay isa sa amin kaibigan. Huwag kang mag aalala at pagtapos namin siyang itakas ay ipapakilala ka namin sakanya."

Hinawakan ni batang Vien ang manggas ni Jules at umiling. "Masama ang aking kutob, Jules."

Ngumiti lang ito ng kampante at inalis ang ang hawak. "Kasama ko naman si Aera at Stirk kaya kumalma ka."

"P-Pero ikaw na ang nagsabi na nakakatakot ang amahin ng iyong gusto na iligtas!" Naiiyak na sabi ni Vien.

"Wag ka na masyadong mag alala Vien at tulungan mo din si Herause." Naramdaman ni Vien ang lungkot sa boses ni Jules.

"Bakit parang lumungkot ka?"

Kusang nagsalita si Aera. "Si Hera kasi ilan beses nya nang tinangka na tumakas at hanapin ang kanyang ina. Ngunit ilan beses na din siyang nabigo at nahuli ng kanyang ama... At di niya alam na nakita na namin siyang kinulong ng ilan beses."

"Malakas siya at matatag, Vien! Siguradong magkakasundo kayo nun." Masayang sabi ni Stirk.

Hindi alam ni Vien kung dapat ba siyang matuwa dahil madadagdagan ang kaniyang kaibigan o mainggit dahil ang atensyon nilang lahat ay na kay Herause.

---

Hindi sumama si batang Vien sakanila pero siya ay namamasid masid.

Natanaw ni Vien ang isang malaking bulto. Natatakot na tumingin ito sa mga kaibigan nya na papasok.

Nanlaki ang mata nito ng ginamitan ni Aera ito ng kaniyang abilidad. Pati siya napatakbo upang masubaybayan ang kanilang pagtakas.

Napahinto sa pagtakabo si Vien at nanhihinang napaupo ng makita ang nanyari kay Stirk.

Lumabas ito sa pinagtataguan at pinilit na lumakad kay Stirk.

"Stirk..."

Nabuhayan ito ng kaunti ng makitang dahan dahan dumilat ang mata nito.

"Vi-Vien..."

"Halika na at tumakas, Stirk! HINDI SIYA ISANG TAO KUNDI ISANG ITIM NA NILALANG!"

Marahan na tumawa si Stirk, kasabay ng pagtulo ng dugo sa bunganga nito.

"Vien, a-akala ko ba di ka s-sasama?"

Malakas na humagulgol si Vien nang makitang pumipikit si Stirk.

"S-Si Hera... Iligtas mo sana sila." Dahan dahan sabi ni Stirk bago tuluyan pumikit.

"Stirk...? STIRK! GISING STIRK!!!"

Pinakinggan ni Vien ang dibdib ni Stirk ngunit wala itong narinig na tibok.

Napalingon siya sa daanan ng biglang may sumigaw. Dali dali siyang tumakbo at nakita ang abo sa gitna ng daanan. Lumuluha siyang tumakbo ng mapansin niya ang kwintas na suot ni Aera ay nakabaon sa abo.

Lumingon lingon si Vien ng mapansin ang bintana na bukas. Dumana siya sa mga mga lagayan ng halaman at hinanap si Jules at Hera.

Tumingin siya sa harap ng biglang kumalabog ang isa sa mga bintana. Pumunta siya rokn at sumilip. Napatakip siya ng bibig ng makita si Jules na nasa lapag at may tama ng pana.

Napatago siya sa kinaroroonan ng biglang sumulyap ang lalaki sa bintana. May naririnig siyang mga hikbi di nalalayo sa kanya kinaroroonan, kaya naman ito ay sinundan nya.

'Stirk, Vien at Jules, ano bang nakita nyo sa Hera na yun at isinugal nyo ang inyong mga buhay?'

Di niya napansin ang isang ugat ng puno na nakausli kaya ito ay nadapa.

"A-Aray..."

Tinignan ni Vien ang sugat na nasakanyang tuhod ngunit naalala nya muli ang dinanas ng tatlo ngayong gabi.

Umiyak ito ng malakas at nagsisipa sa hangin sa inis.

'Hera... Kung satingin nila ay magkakasundo tayo, nagkakamali sila doon.'

Tumayo nag batang Vien at pinunasana ng luha. Kitang kita ang galit at kalungkutan na hindi mo inaasahan sa isang bata.

'Hera, Pinatay mo silang lahat... Lahat ng kaibigan ko.'

(End of flashback)

-------------------TO BE CONTINUED--------------------
A/N:

☄️SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, MAG IWAN NG LIKE, REAKSYON AT KOMENTO SA BABA!

☄️ I love you all and stay safe!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon