*unedited*
••Hera POV••
Nakapagteleport naman kami agad at may narinig na pagsabog sa bundok. Agad silang naalarma dahil sa lakad nito.
Nakabawi naman agad sila at nagulat nang tumingin sila sa labas nang palasyo. Sila ay namangha sa laki at ganda nito. Labas palang alam mong pang maranyang pamilya lang ang pwedeng makapasok.
"WOWWWWWWW ang laki!!! Grabe!!!! Mag sisipag talaga ako sa pag aaral"Wika ni Vien.
Agad naman napatango sila West at masayang tumitig dito. Napatingin naman ako dun sa healing wizard kuno."Hoy."
Tumingin siya sakin."Bakit mo ko sinama dito? Lima lang ang pwedeng makapasok dyan." Binigay nya sakin yun kalahati nang laso ko.
Tinitigan ko lang iyon at nginisian siya"May barrier ang buong paligid at kung wala ka nyan di ka makakapasok dito..hindi kadin makakalabas nang walang pahintulot."
Biglang nagtanong sakin si West."Ate Hera, ano ba talaga ability mo? Yun mga winika mo kanina kahit di ako maalam ay alam kong pang wizard lang iyon."
Napataas ang isa kong kilay."Di ako wizard."
"Eh ano ?" Tanong ni healing Wizard.
Nag kibit balikat nalang ako sakanila at napatingin dahil nagbukas yun maliit na pinto sa palasyo.
"Kayo ba ay may gintong laso?" Tanong samin nun nagbabantay.
Tinaas naman namin yun. Inaya nya kaming pumasok. Di naman napigilan nang mga kasamahan ko na mamangha sa ganda at lawak nito sa loob.May pinasukan kaming maraming hallway bago makita ang main gate papuntang Kenque University.
"Wow..gusto ko nang tumira dito!"masayang bulong sakin ni Vien. Napailing nalang ako.
Pinagtitinginan naman kami nang mga estudyante doon at pinagbubulungan. Ang mga kasama ko ay tila nahiya at nanahimik dahil kami ay madungis at di masyadong presentable ang pananamit.
Napunta kami sa Principal Office. May biglang sumalubong samin.
"Hi! Good Morning Everyone! Welcome to Kenque University!" Masayang bati samin.
"I am Principal Ica Delhins,by the way." At agad niya kaming kinamayan. Delhins huh? Tsk. Pina upo kami nito at sabi ay mag pakilala kami.
"Hello po hehe! Ako naman po si West, ito naman po si Alex,Seid,Vien,Hera at...uhhh anong pangalan mo?" Tanong ni West dun sa Healing wizard.
"Rade."
Tumango na lamang si West sakanya. Tumango rin si Principal at may kinuha na mga papel sa gilid nang kanyang lamesa."Ahh! Ito pakisagutan naman..student profile iyan nang school para madaling makilala." At binigyan kami isa isa.
Sinulat naman nila ang kanilang kanya kanyang impormasyon habang ako nakatitig lang.
Bigla akong tinanong nang principal."Uhh..may problema ba iha? May hindi kaba naintindihan?" Umiling lamang ako at pilit na sinagutan iyon. Pinasa naman namin agad iyon sa harap at binasa nya ito nang mabilisan.
May hinalungkat naman agad yun principal uli. May hawak itong dalawang susi."So...Itong yun magiging kwarto nyo...Ito para sainyo Mr.Gazo at ito naman ang para sainyo Ms.Fraz."
Agad naman na tumayo si Alex at West tsaka kinuha ang susi.
"Lahat nang kailangan niyo sa buong taon ay nandoon na.School Uniform,PE uniform,books,notebooks,Accessories, clothes at bags. Bago kayo makapunta sa kwarto ninyo ay dadaan muna kayo sa school office para gawan kayo nang I.D yun lang at makakaalis na kayo. Mr.Light pakisamahan naman sila sa School Office." Tumango naman yun Light at niyaya na kaming pumunta dun.
Yun mga kasama ko ay todo puri kahit saan madapo ang kanilang paningin. Habang naglalakad kami papunta sa school office ay tinuro ni Light yun mga Rules. Una daw, bawal na bawal gamitin ang ability sa kapwa kamag-aral,sa guro at sa ibang tao. Pangalawa,Curfew time ay 10pm-4am..pag nahuli daw ay may kaparusahan na ihahatol. Pangatlo,Bawal walain ang I.D dahil may points daw iyon thingy. Pang-apat,Kailangan Irespeto ang kapwa kamag aral at mga guro. At panghuli, Bawal malate sa mga klase.
Yun mga nadadaan namin mga silid ay pinapangalanan nya. Katulad nang library,cafeteria,club rooms at gym. Sabi nya ay bukas itotour kami dahil tanghali naman daw ang pasok.Nakadating naman na kami sa School office at agad kaming inayusan at pinicturan. Mabilis lang naman natapos at bukas na daw nang umaga ito ibibigay. Kaagad naman kaming itinuro ni Light sa mga dormitoryo o kwarto namin. Nauna kaming ihatid dahil mag kaiba ang dorm nang mga lalaki. Nagpaalam naman ang mga ito sa amin at kita naman daw kami bukas.
"Sino magbubukas???? Ako o ikaw o si Hera?" Mahinang bulong ni West kay Vien.
Sumabat naman ako."Sabay nalang kayo." Agad naman silang sumunod..dahan dahan nila itong binuksan at nakangangang tumitig sa kwarto.