Chapter 83

12 0 0
                                    

Chapter 83

••Hera POV••

Hindi mawala sa isip ko nag mga nanyari kahapon. Kung iyon man ay aksidente o hindi, delikado ang ginawa nya. Kung talagang natuluyan si Vien doon, siguradong huhulihin siya at dahil hindi natuloy, saakin siya hindi makakapalag.

Patuloy ako sa paghahanap ng mga estudyante na maaaring maging suspek sa pagtulak. Napakabilis ng pangyayari kaya di ko ito napagmasdan mabuti.

Napapikit ako sa inis ng muli akong nabigo sa paghahanap sa mga talaan ng mga estudyante. Binalik ko na ito sa nagbabantay at nagpaalam na.

"Salamat."

"Kahit kailan, Miss Saren."

Naglakad nako palayo at pumunta sa silid. Bumungad sakin ang dalawa at halatang naghihintay sakin.

"Nandito nako." banggit ko habang lumalapit sila sakin. Parang nawala nag aking iniisip ng sabay silang yumakap sakin.

"Kamusta ang paghahanap?" Bungad sakin ng isang bulto na may hawak na sandok. Ngumiti ako dahil para siyang ina ko noon. Pero muli kong naalala na wala padin akong nahanap ni isang hibla kung sino siya.

Umiling ako sakanya at tumayo na. "Anong luto mo?"

Naamoy ko ang mabangong amoy na nasa plato kaya agad ako nakaramdam ng gutom. Tumingin ako kay Nexan upang hingin ang kanyang pahintulot para kumain.

Nakangiti siyang tumango sakin at lumapit. "May kapalit yan ah."

"Ano naman?" bitin na sabi ko. Akmang isusubo ko na sana ang kutsara ng bigla siyang humirit.

Ngumuso siya sa harap ko. Napakunot nag noo ko at inilapit ang kutsara sa bunganga nya. Gusto niya lang pala kumain bakit di pa siya kumuha ng kanya?

Mas lalo ako naguluhan ng bigla siyang umiling. Nakanguso pa din siya hanggang ngayon na parang may tinuturo o ano.

"You should eat first ,then I'll inform you later." Mukang nahalata niyang naguguluhan na ako.

"Salamat sa pagkain."

"Kumain ka ng marami..."

Masarap ang mga nakahain sa lamesa kaya ilan sgalit lang ay naubos ko na ito agad. "Ako na maghuhugas ng pinggan,"

"Alright."

Tumungo na ako agad sa lababo at simimulan ang pag aalis ng mga tira. Sinulyapan ko ang orasan at maaga pa naman para pakain sila Emerald.

Ramdam ko ang titig sa likod ko pero hinayaan ko nalang dahil si Nexan naman iyon. Pinagpatuloy ko ang paghuhugas kahit may naramdaman akong presensya sa likod.

"Harap ka." at sa pag aakalang may iaabot lang siyang hugasin, humarap agad ako.

May dumapong malambot sa noo ko at lutang na hinawakan kung saan ito dumapo. Napatingin ako kay Nexan na sobrang lapit pala sakin.

"Mahal kita na higit pa sa alam mo." Bulong nito at nagtagpo ang aming labi. Napapikit ako at dinama ang init ng kayang palad sa aking pisngi.

Bumitaw na kami pero nanatiling nakasandal ang noo nya sakin. "Huwag mo kong iwan, ha?"

Natawa ako sa mga binitawan niyang salita. "Kahit saan ako mapunta, sayo pa din ang balik ko."

"Hindi ko alam ang mangyayari pag nawala ka..."

Hindi na ko sumagot dahil mukang di siya nakikipagbiruan sakin. Marahan nalang akong tumango at sinabi na tatapusin ko pa ang mga hugasin.

Pumayag siya pero nakayakap siya sakin kahit nakatalikod nako sakanya. Mabilis kong tinapos ang pagbabanlaw dahil baka marinig niya ang mabilis na tibok ng puso ko.

-------------------TO BE CONTINUED--------------------
A/N:
🍃 Ayan goiz ito na ang sign niyo para mag take a break. Sana may Nexan o Hera na din kayo hane. Sanaol nalang ako senyo huehue.

🍃SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, MAG IWAN NG REAKSYON AT KOMENTO SA BABA!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon