••Hera POV••
Bigla akong tumakbo pababa sa may maliit na talon. Doon kami sinasanay lumangoy.
Mabilis akong nakarating doon kahit hindi ako gumamit nang mahika. Hinubad ko ang aking kapa na suot at basta nalang tumalon.
Dinama ko ang malamig ngunit nakakalmang paligid. Naririnig ko parin ang patak nang ulan ngunit nanatili ako sa ilalim at doon inalala ang nakaraan.
**Flashback**
Nanghihina akong sumandal matapos ko lumayo doon sa bayan. Hindi ako makapaniwala na pumayag lamang ang mga magulang at pamahalaan na bayaran ang buhay nang mga kaibigan ko!
Natanaw ko na malapit lang ako sa bangin kaya tumakbo ako doon at sinigaw ang nararamdaman galit na namumuo.
"AAAAAAHHHHHHHH!"
"BAKITTTTTTTTT!"napaluhod nalang ako habang umiiyak at nagsisigaw nang damdamin.
"B-bakit walang hustiyang n-naganap?"pinagsusuntok ko ang damo habang ang hangin ay patuloy sa sa pag ihip.
Kusa akong nahiga habang hindi mapakali sa paghinga.
"bakit sila pa?"mahinang bulong ni Hera.
Tumingala ako sa.kalangitan at pinagmasdan ang mga ulap.
'Hinding hindi ko mapapatawad ang pamahalaan.'
**Flashback end**
"Wake up Herause! Wake up!" Rinig kong sigaw ng sino. Pinump nito ang aking dibdib habang hinawakan nito ang palapulsuhan ko.
'Tsk,Nag se-senti pa ko eh. Panira.'
(-.-)
Hindi ako makapagsalita dahil parang nanuyo ang lalamunan ko at may tubig pa sa mga mata ko.
Ngunit hindi ko inaasahan maglalapat ang aming mga labi at binigyan ako nang hangin! Mabilis kong tinulak ang kung sino at tumayo. Naramdaman ko ang pag init nang akin muka at agad na lumingon sakanya.
Lumapit ito sakin at agad kong naaninag ang muka nya. Peter. Akmang magsasalita pa lamang ako ng bigla ako nitong kinulong sa kanyang mga bisig.
Tila na estatwa ako sa kinatatayuan ko."Ayos ka lang ba? Anong bang rason mo at tumalon ka bigla at nagtagal sa ilalim?"
Basang basa kami pareho dahil mukang sinakulolo nya ako sa ibaba kahit hindi ko kailangan. Ramdam ko ang panginginig nya dahil sa lamig nang hangin pero nanatili itong nakayakap sakin.
"T-tsk..tara na nilalamig ka na oh."Saad ko sakanya at bahagyang gumalaw upang bitawan nya ako pero hindi ito kumilos. "Hoy,tara na."
"Hatakin moko."
Nagpapahatak ang gago. Malakas akong umalis at tumakbo na muli papunta sa silid. Pero agad akong nakonsensya nang makita ko parin sya doon sa pwesto nya kanina,hindi nagalaw.
Wala akong nagawa kundi balikan sya at pwersahan hatakin. Nakita kong napangiti sya nang maliit ng magtama ang aming paningin at sinimangutan ko lang sya.
Dahil nilalamig ako at medyo uhaw,hindi ko magawang makapagteleport dahil sa kawalan nang konsentrasyon. Dinala ko sya sa mini mart at inupo sa isang upuan. Dali dali akong kumuha nang noodles at kape. Kumuha nadin ako nang tubig at isang dilaw na dahon mula sa Spigh. Isang herbal na dahon na kayang palakasin ang isang katawan upang malayo sa nababantang sakit.
(Spigh-gawa gawa ko toh ha.)
Pagdating ko sa harap ay sinabi ko sa nagtitinda na babayaran ko ito bukas bago ako pumasok sa klase dahil palagi naman ako nito nakikita dito,pinayagan nya ako.
Pinuntahan ko ang kasama ko at binigay sakanya ang noodles at kape. Napansin ko ang panginginig nya lalo kaya sinabihan ko syang magtanggal nang suot.
"Ha?"
"Sabi ko tanggalin mo ang suot mong pang itaas. Saglit ikukuha kita nang twalya dyan."
Lumapit ako sa nagtitinda at nagtanong kung may twalya sya. Nag usisa pa ito kung para saan pero sinabi oo na lang na gagamitin ko. Binigay nito saakin ang twalya na sakanya daw at ibalik na lamang mamaya. Agad akong nagpasalamat at bumalik.
"Oh ito."
Naglibot ang tingin nya,"Dito ako magtatanggal?"
Tumango ako at binuklat ang twalya. "Oh ayan tatakpan kita,tsk."
Naramdaman ko ang malamig na damit sa braso ko. Kusa kong nababa ang twalya nang makita itong tapos na at agad na nilantakan ang mainit na pagkain.
Pagtapos nya kumain ay binigay ko ang dahon sakanya.
"What is that?"
"Dahon."
"Anong gagawin ko dyan?"
"Kakainin."
Napakunot ang noo nya at tumawa ng onti.
"Stop joking."
Kunot din ang noo ko at nilapit sa kamay nya at inilagay doon. "I'm not. Inumin mo yan para hindi ka magkasakit,halika na't ihahatid na kita sa kwarto nyo."tumalikod nako at nagsimula nang maglakad palayo.
"Hindi,sige mauna kana sa silid nyo.." napalingon ako sakanya ng maramdaman kong tumitig siya.
Ngunit tumalikod ako muli at naglakad na. Habang naglalakad ay may ilan ilan padin nasa labas at nakatingin saakin marahil sa medyo basa kong damit na medyo tumutulo tulo pa.
Napailing nalang ako at pumasok na sa silid namin. Pero bago ako makapasok may narinig akong bumulong.
"Salamat,Herause" mabilis akong napalingon at nawala na agad ito!
Naramdaman ko tindig ng mga balahibo ko. Iba talaga ang epekto mo sakin,Nexan tsk.
---------------TO BE CONTINUED-----------------
A/N:
▪SALAMAT SA PAGBABASA! MAG IWAN NANG REAKSYON AT KOMENTO SA BABA!
▪I LOVE YOU ALL,STAY HYDRATED AT KEEP SAFE!