Chapter 70

21 0 0
                                    

Chapter 70

••Hera POV••

Nyebe. Pag gising ko ng umaga ay napakalamig ng klima ang sumalubong. Gusto kong matulog nalang maghapon dahil wala naman klase pero gusto ko din makitang umalis sila Vien pauwi.

Nakatulala ako habang naghuhugas nang kamay.

'nagugutom nako...'

Lantang lanta ako pumunta sa kusina upang mag luto. Buti nalang at may tirang kanin kagabi na mukang kinain ni Rade kagabi.

Nagluto lang ako ng sinangag, itlog at hotdogs. Hinanda ko na din ang pagkainan nila Emerald habang hinihintay ang kape.

Napatulala ako sa dingding dahil hindi ko para akong nakalutang sa hangin. Narinig kong tumunog ang pinag initan kaya tumayo na ako at kinuha ito.

Unang subo ko palang ay nanuot ang lasa nang umagahan. Tinikman ko ang kape at ayon nagising na ko.

'Ahhh, sana ganto palagi ang umaga.'

"EMERALD! WINTER! BABA NA!"

Pagtapos kumain ay naging mabilis ang pagkilos ko dahil mag aalas otso na pala. Sinuot ko ang bonet bago lumabas. Hindi ko na sinama sila dahil alam kong tatamarin sila at matutulog pagtapos kumain.

Napansin ko na iilan nalang ang mga estudyante ang nanatili sa kanilang silid.

"Hera!" Napatingin ako sa bandang gate at nakita ko si Vien na kumakaway. Kumaway ako pabalik at bumaba na.

"Magandang umaga sainyo."

" Magandang umaga!"
"Morning!"
"Morns!"
"Good morning"
"Yo!"

Tumabi sakin si West at luminkis sa balikat ko. "Hindi ka talaga sasama Hera?"

Umiling ako at maliit na ngumiti. "Hindi na West, wala naman akong babalikan doon."

Ngumuso lang sya at akmang magsasalita nang sumabat si Vien.

"Sabi ko naman sayo, pwede ka samin! O kila West, Rade, Alex o kaya kay Seid!"

"Tsk, wag nang makulit."

"Sure ka na ba talaga dyan? Mamaya malungkot ka dito..."

Tinuro ko ang library. "Magbabasa lang ako palagi dyan o hindi kaya matutulog..." at tinuro ko din kainan. "Doon naman ako kakain at ilang linggo lang naman ang lilipas kaya huwag na."

Tinaas nya ang dalawang kamay na parang sumusuko na. Sakto naman dumating ang kanilang sundo. Isa isa silang sumakay pagtapos nila akong yakapin. Si Rade ang pinakahuling papasok na sana kundi lang sya tumigil sa harap ko at yinakap ako ng mahigpit.

Aawatin ko na sana sya nang may binubulong sya sakin.

"Alagaan mo ang sarili mo habang wala ako..."

Tinulak ko sya bahagya at tumingin sa mata nya.

"Aalagaan ko ang sarili ko kahit hindi mo sinabi,"

Tumango lamang sya at pumasok na. Dumungaw sya palabas at ngumiti habang sinasabi ng walang boses ang 'Maligayang Pasko! '

Ngumiti lang ako sakanya at kumaway dahil malayo na sila. Huminga muna ako ng malalim bago lumakad pabalik sa silid.

" Hera! " Lumingon ako sa likod ngmay tumawag sakin.

"Oh, ikaw pala Fran."

"Hindi ka uuwi?"

Ngumiti ako ng maliit. "Hindi."

Bigla naman dumalo samin si Copper na may na bagahe. "Musta?"

tumango lang ako. Nagpaalam lang sila saglit bago lumabas. Lumakad na ko muna at pumasok muna sa silid. Nakita ko naman nakaabang sila Emerald kaya wala akong nagawa at sinamahan silang lumakad.

Nagkarera at nagkulitan sila hanggang parke. Nakangiti ko silang tinignan dahil para silang bata na ngayon lang nakalaro sa labas.

"Herause."

Nagtaasan ang balahibo ko sa batok ng may biglang bumulong sakin galing likod. Tumingin ako at nakita ko si Nexan na nakasandal na sa puno.

"..." napatingin ako sa baba ngmaalala ko ang mga pangyayari kagabi.

'putsa, kahiya.'

"Magpapaalam lang ako."

"H-ha?"

"Uuwi ako saamin pero sandali lang yon..."

'okay? Bat mo sinasabi sakin?'

Tumango lang ako sakanya at muling pinanood sila Emerald. Naramdaman ko ang paglapit nya sakin at inangat ang baba ko.

'shit!'

"Paalam muna, Saren." Napalunok ako sa lapit ng muka namin pero muli lamang ako ay tumango.

Inalis nya ang hawak sakin baba at tumalikod na. Nang makita ko siyang humabang na paalis, napahinga ako marahan.

'Para akong kinapos ng hininga dun ah...'

"Saren..."

Napalingon ako muli kay Nexan na medyo malayo sa pwesto ko. Nakatalikod pa din sya ngunit tumigil ito sa paglalakad.

"Gusto ko pagbalik ko masagot mo ang tanong ko..." putol nya sa sinabi nya.

"Anong tanong?"

"..."Nakita ko syang bumulong. Tangena, alam naman malayo bumulong bulong pa.

"Ano? Hindi ko marinig masyado kang malayo,"

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya.

"Gusto ko pag balik ko, sagutin mo ang tanong na..."

"Pwede ka bang maging akin?" Lumingon ito unti bago sumilay ang maliit na ngiti.

--------------------TO BE CONTINUED------------------

A/N:

🏵️THANK U SA PAG BABASA! NAWA'Y MAG IWAN KA NG REAKSYON, LIKE AT KOMENTO! LABYU ALL AND KEEP SAFE EVERYONE!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon