••Hera POV••"Aray!" Sigaw ni Alex habang hawak ang tyan nya. Binatukan ko sya at naglakad na uli.
(-~-) 'aga aga nakakairita.'
"Hoy Hera masakit yon ha,susumbong kita kay Rade!" napatingin ako sakanya at tinaas ang gitnang daliri ko. Binaba ako ni Emerald at pumasok kami sa bilihan. Maaga ang mga sasali sa paligsahan lalo na ang mga kailangan ng lakas at yun mga paligsahan na kailangan ng talino kaya naman di nako nagtaka ng makitang halos lahat ng manlalaro at dumagsa dito sa bilihan.
Mabilis akong kumuha ng tinapay at mga pagkain na masarap kain pagnakatambay lang. Bumili din ako ng hot packs dahil sa open field ang paligsahan ng takbo. Pagtapos mabalot lahat ay dumeretso ako sa labashabang sumisimsim ng mainit na tsokolate.
'hmmm sarap...'
Muntik ko na mahampas ng tinapay ang biglang humablot ng iniinom ko.
"Painom!" bago pako makasalita ay nakainom na ang walangya.
Binigay na sakin ni Rade ang baso pero halos makalahati nya iyon.
"Hindi ba mainit?"
"Mainit pero masarap."
Napailing nalang ako at binigay na sakanya iyon. Mabilis kong tinignan ko ang lahat naba ng pagkain na kinuha ko ay nandito na.
Biglang may umakbay sakin at bumilis ang lakad namin. "T-Teka bakit ka nagmamadali? Emerald, Winter!"
Ngumisi sakin si Rade at tinuro ang orasan. "Magsisimula na bilis! Patakbuhin mo iyan maliliit mong paa at mahuhuli na ako..."
Lumapit na sila Emerald at sumabay sa lakad namin. Sinamaan ko sya ng tingin. "Edi wag kang sumabay saamin. Sinabi ko naman kay Vien na idamay ako sa pagreserba ng upuan eh."
Napahalakhak sya na parang baliw at kinuha ang dala ko. "Kasali ako sa tatakbo.. Hindi mo alam?"
Napatingin ako sa suot nya. Hmm kasali nga sya. "Eh bakit hindi ka pumunta dun at makitakbo?"
Hindi nya na ako nasagot dahil may tumawag sakanya. Parehas silang uniporme kaya satingin ko pareho sila ng grupo.
"Rade tara na hinahanap na ang mga kasali!" Wooh mukang mabait. Maamo ang muka nito at maganda ang katawan. Hindi sya mapayat at hindi sya maskulado, sakto lang.
Hinigpit ako lalo ni Rade. "Sige ihahatid ko lang toh baka mawala HAHAHAHA"
"gago." Bulong ko sakanya. Malakas syang napatawa at tumawa din ang kasamahan nya sa hindi malamang dahilan. Sayang mukang parehas sila ng saltik nitong katabi ko.
"Oh sige ihatid mo na yan kasintahan mo at magkita tayo doon sa field!" Sambit nya bago muling tumakbo. Kinuha ko ang dala ko sakanya pero ayaw nyang bitawan.
"Tsk, ano ba? Pumunta ka na don at kaya ko nang mag isa."Nilayo layo nya ito hanggang sa tinaas taas kaya nagpatingkayad ako upang abutin pero biglang may nakasagi sakin at nawalan ako ng balanse. Natulak ko tuloy si Rade at nadaganan ko sya.
" Sorry miss ayos kalang ba? "
Napatingala ako sakanya at tumango ngunit bigla akong napatingin kay Rade na kasalukuyan nasa ilalim ko. Mabilis kong inangat ang akin sarili pero bigla nya akong niyakap.
"Ano ba? Wag mokong yakapin at tayo na."
"Alam kong kaya mo pero gustong gawin ito..."
Naramdaman ko ang init sa pisngi ko nun sinabi nya iyon kaya pwersahan kong binaklas ang yakap nya at tumayo. Tinulungan ko syang tumayo pero hindi ako makatingin sakanya dahil alam kong namumula ako.
Dinampot ko ang dala ko at nilagay sa likod ni Emerald. Lumapit ako uli kay Rade"Sige na pumunta kana don nakita ko na sila. "
" Sige na nga pumunta ka na don. Oh bonet mo..."
Tinignan ko ang kamay nya pero wala doon." Nasaan na?"
" Tumingin ka kasi sakin bat sa kamay ko..."
Nag angat ako ng tingin at nasalubong ang titig nya. Sinuot nya ang bonet sa ulo ko at bumab anag kamay nya sa pisngi ko.
" Malamig ba? Namumula na ang pisngi mo oh." May narinig akong nagtilian sa paligid pero parang wala naman tao.
Natataranta kong hinawi iyon at tumalikod na." Galingan mo manonood ako. "
Kahit nakatalikod, ramdam kong ngumiti sya. "Syempre naman ikaw kaya ang leader namin" sabay tawa.
Napailing ako at ngumiti. Sumakay nako kay Emerald at pumunta na kami sa gawi ni Vien.
"Hoy kaloka ka! Nakita namin yoonnnnnn!!!" Tili ni Vien.
"Ang alen?"
"Ang alen?" pang gagaya nya. "Duh girl nagyakapan lang naman kayo sa medyo gitnang bahagi sa bandang papasok KYAAAHHHHH--!"
Mabilis kong isinalpak ang tinapay sa bunganga nya para tumahimik na sya. Binigyan ko naman sila Winter ng tinapay din.
Di ko namalayan na nagsimula na pala ang karera. Nangunguna ang may letter B pero pumalya ito sa pag ikot kaya naunahan sya ni Rade at nanalo sya at ang grupo nya ng gintong medalya. Nagtakbuhan ang mga ito sa gitna at tumalon talon. Rinjg na rinig ang bawat sigawan ng tao maski ang mga katabi ko ay todo tili. Masakit sa lalamunan ang pagsigawkaya pinili ko nalang pumalakpak at ngumiti.
Ang karera pala ay by section, ibig sabihin ang mga wizards lang ang magkakasamang nagpaligsahan. Maya maya ang sa bampira, mga taong lobo at fairies/commoners. Saglit nagpahinga at mga bampira naman. Hindi pwedeng pagsamahin lahat dahil malulugi ang mga ito sa bampira.
-------------------TO BE CONTINUED---------------------
•SALAMAT SA PAGBABASA AT PAG SUPORTA SAAKING ISTORYA. MAG IWAN NG REAKSYON AT KOMENTO SA BABA!
•KEEP SAFE, STAY HYDRATED I LOVE YOU ALL! 🌻