Chapter 35

43 1 0
                                    

Chapter 35:Final Evaluation

(A/N:Ayan may title HAHAHA. tsaran tapos na tayo sa evaluation pagtapos netooo! sarap makarefresh sa brain anyways enjoy!)

••Hera POV••

***Panaginip***

Napalingon ako sa kapaligiran. May nyebe.Mukang nananaginip nanaman ako. Naglakad lakad ako nang may makita akong bata na nanginginig sa labas.

Napangiti ako nang mapait nang makita kong ako iyon noon bata pa ako. Ito yun pinarusahan ako dahil nawala ako sa bayan at halos isang araw bago makita.

Nanginginig at walang nagtangka na lumapit saakin noon dahil alam kong paparusahan ang sumubok man na tulungan ako. Pinanood ko ang sarili kong umiyak sa malamig na panahon.

Nakaramdam ako nang awa sa sarili ko  dahil sa itsura ko. Hay, kailan ba toh kailangan mag paulit ulit? Nakita ko nakatulog ako sa gilid habang niyayakap ang karton.

Pinanood ko lamang ang sarili ko matulog at manginig. Akala ko matatapos na pero biglang may isang lalakina lumapit saakin at kinarga ako. Okay?

Sinundan ko sila hanggang sa isang kwarto at tinitigan. Bakit wala akong maalala na ganto? Kailan toh nanyari?

Hiniga ng lalaki ang batang ako at kinumutan. Nilagyan nang maiinit na mga damit bago iwan. Nagtataka akong lumapit sa higaan.

Ngayon lang ito nanyare. Buong akala ko ay ang mga katulong ang nagpasok saakin sa bahay. Nagbago ba ito? Sino?

Napatayo ako at agad na bumaba kaso bigla na akong nagising habol habol ang hininga. Napasulyap sa labas at mukang gabi pa ngunit alam ko na sa mga oras na toh ay hindi na ako muling makakatulog.

----

Humihikab na humarap ako kay Vien na ngumunguya habang nagsasalita.

"Hera! Ngayon ka na pala sasabak ano? Yieeee excited nako!"

Tumango lang ako. Natural lang na ngayon na ako sasabak dahil ito na ang huling araw nang evaluation. Ngumunguya man, ay nagawa pa din magdaldal ni Vien ngunit ako ay napapaisip pa din kung sino ang lalaki na tumulong sakin.

Sino ka ba talaga?

----

"At ang pang una natin na matatawag ay sa Wizards! Herause Saren! Pumunta ka na sa barrier!"

"Hoy Hera!"

Tila wala sa sarili si Hera habang inaalog ni Vien. Nagkurap kurap ito at tumango bigla. Umalis ito nang di lumilingon pero todo cheer parin ang mga kaibigan nito.

'Pokus Herause! Di tayo pwedeng matalo ngayon!' Isip nito. Tumingin na ito sa paligid at naghintay nang mga makakaharap.

"Zack Lio!"

"Jordan Zorn!"

"Kim Rans!"

"Rose Quil!"

"Chell Ela!"

"Paris Welt!"

"At huli si Draz Sain! Simulan na!"

Binasa ko ang kanilang mga ekpresyon. Ang iba ay nakangisi at ang iba ay walang ekpresyon na katulad ko.

Lumayo ako sakanila nang maramdaman ko umiinit na ang ilalim. Nakikiramdam ako kung may susugod ngunit pinapanood lang nila kami. Hmm.

Bakit ko nga ba sila nilagay sa ilalim? Base sa aking kalkula,ay ang dalawang yun ay magagalit at magwawala kaya di nila mamamalayan na sila ay nakakawala na at parang rocket silang lilipad palabas sa bilog. Clever right? Nope,they are just dumb. Di nila napansin na niluwagan ko na ito.

Napatingin ako sa tatlo na ngayon palapit na sakin. Nag unat unat sila na parang nabagot kakaantay. Lumapit na sakin ang dalawa at mabilis na umatake. Agad akong dumepensa at gumanti. Mabilis akong lumapit upang mapilit sana ang kanyang leeg at makatulog sila pero sabay nilang naabot ang kamay ko ang malakas na binato!

Mabilis akong nagteleport sa likod nila at malakas na sinipa ang mga ito. Nakabangon sila agad,sabay na naglabas nang ability. Isang tubig at isang hangin. Gumawa nang parang chain ang sa hangin at isang higante naman ang sa tubig. Gumalaw ito at lumapit sakin. Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin at kinuha ang chain. Humarap ako sa higante na akmang hahampasin ako. Nagteleport ako na likod nito at sinakal gamit ang chain.

Ngunit nakalimutan ko atang gawa ito sa tubig kaya bumagsak lamang ako sa baba. Kung ganun. Alam ko na. Tumakbo ako sa may parte nang dalawa. Sinadya kong tumigil sa harap nila at naghintay nang tamang oras. Ilang sandali ay naramdaman ko na muli akong hahampasin palabas nun higante kaya nagteleport ako uli sa likod nito. Nakita ko na di inaasahan nang dalawa iyon kaya naman sila ang natulak palabas.

Isa nalang. Napatingin ako dito at mukang di ito masaya. "Kahanga hanga binibini, di ko inaasahan na matatalo mo ang dalawang yon."

Tumaas ang kilay ko at nag abang. Bigla kong nakaramdam na para bang bumigat bigla ang aking paligid. Gravity ability?

Nakita ko ang kanyang kamay kung paano unting unti na sumasara kaya pabigat nang pabigat hanggang sa napahiga na ako. Ang bigat kingina.

Napaangat ako nang tingin ng may mga sapatos na huminto sa harap ko."Mabigat ba?"

Di ba halata? -.-. Pilit kong iginagalaw ang aking kamay papunta sa paa nito.

"Oh anong ginagawa mo? Magmamakaawa ka ba? HAHAHAHA"

Napangisi ako nang tuluyan kong mahawakan ang sapatos nito at bumulong."Bakit di mo subukan ang iyong ability?"

Napahiga siya katulad ko dahil sa mabigat na parang nakadagan sakanya. Bawi bawi lang yan.

"P-Paano? Ano ba talaga ang iyong ability?" Pilit nyang nilalabanan ang force na nakapalibot sakanya kaya napakawalan nya ako. Tumayo ako kahit nanginginig ang aking mga binti.

"Bakit hindi ikaw mismo ang tumuklas? Mas masaya yun kesa sa sasabihin ko ngayon."

"Hindi ako maaring matalo! Ahh!" Nakabangon na siya at malakas na sumugod sakin. Naiwasan ko at sinuntok sya sa tyan. Malakas kong siniko ang kanyang leeg at binti. Napaluhod naman sya. Napaubo sya ngunit di parin sumusuko. Magaling.

Biglang may lumabas na itlog sa gilid nya. Isang guardian. Nabaling ang atensyon ko doon kaya di ko namalayan ang malakas na pagtama sakin ng isang bola na gawa sa force. Napahawak ako sa sahig upang mapigilan munit huli na.

"Ang panalo saatin huling araw ay si... Jordan Zorn!"

Nagawa nya akong paalisin sa bilog. Nakakamangha. Lumapit ako dito at naglahad nang kamay.

"Ang galing nang ginawa mo."

Tinanggap nya naman ito. Dahan dahan syang tumayo. Napatingin din sya sa akin at ngumiti. Ngunit agad din syang hinimatay kaya naman muka tuloy na nakaakap ito sakin. Napalingon ako sa batang agila na nakatingin lang samin.

-.-

---------------------TO BE CONTINUED----------------

A/N:

■Halaka! Tapos na ang evaluation yey! Umpisa palang tayo hihihihi. Kilala nyo ba kung sino yun lalaki sa panaginip nya? Pakicomment naman nang guest nyo.

■STAY HYDRATED AND KEEP SAFE PIPS LABYUALL MWUAH.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon