Chapter 3

137 3 0
                                    

(unedited*)
Hera POV: 

Natahimik sila sa sinabi ko."Tara na..baka maunahan pa kayo sa pwesto na gusto nyo."Nagsimula nakong lumakad.May na hagilap ako na kumikinang sa baba kaya pinulot ko iyon at tinago. 

Agad naman silang tumayo at lumakad. Inamoy ko kung saan kami papatungo. Nang may maamoy akong masangsang ay agad ko silang pinatigil.

Bumulong sakin si West"Ate Hera bakit po tayo tumigil? Napapagod ka na po ba?" 

"Sssshhhh..halika dali may ipapakita ako sayo." 

Sinabihan ko si Vien at Seid na magtago muna sa mga puno. Ako naman ay inalalayan si Alex at West sa naamoy ko.

"Makinig kayong mabuti sakin..walang bawal bawal dito sa paligsahan diba?"tumango naman sila. 

"Pwes,pwede magpatayan. Ayon..*sabay turo sa gintong laso na naamoy ko*ang hinahanap nyo ngunit mag iingat kayo sa pagkuha. May naamoy akong dugo." 

Tumikhim ako dahil naramdaman kong kinabahan sila bigla."Ganto, kukunin nyo iyon at dahan dahan sa pagbalik papunta kila Vien,ako naman ay magbabantay mula sa mataas na puno na iyon para makita ang nakapaligid satin okay?" 

Marahan silang tumango at naglakad na papunta sa may laso.Umakyat ako sa matayag na puno at pinanood sila. 

Nang medyo palapit na sila, may nakita akong bulto na marahan lumalapit ng walang ingay. Delikado toh. 

Napabuga nalang ako nang hangin at mabilis na bumaba nang walang ingay. Kaagad akong lumapit sa bultong iyon. 

Nang malapit na sya saakin. Kinalabit ko ito."Hoy..bawal galawin ang mga bata iyan."  Walang pasabi na bigla itong sumugod sakin.

Nagsabi ako sa utak nila Vien at West na tumakas na.  

"YAAAAHHHHHHH"sigaw nung unggoy na tao sakin. 

Kaagad kung inikutan ito,sumakay sa likod nya at tinusok sa leeg nya ang maliit na needle na may lason. 

Nawalan nang malay ang taong unggoy kaya hinanap ko na agad sila West.Pero bago pa ako makaalis ay may nahagilap ako nang gintong laso sa bulsa nun taong unggoy.Nice.

"ATE HERAAAAA!"napalingon ako sa likod ko at nakita ko sila dun habang hawak ang isang gintong laso.  Lumakad ako papalapit sa kanila at binigay ang nakita kong laso sa bulsa nun unggoy. 

"Wowwwww! Dalawa na!! Tatlo nalang at makakapasok na tayo!!!"masayang sabi ni Vien. 

"Wait,Ate Hera ano po yun ginawa nyo dun sa lalaki? At bakit po namin kayo narinig sa utak samin?"  Napataas ang kilay ko dahil dun."Ability ko iyon,West." 

"Wow ang astig telepathy pala ang ability mo ate hehe"owww wag ka pakabahala West..isa palang ang nakita mo. 

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang magtanong uli si West."Ate ano po yun tinusok mo dun kaaway mo kanina?"  "Needle." 

"Eh bakit mo nakatulog?" 

"Natusok ko kanina sa ugat kaya di na sya nagising. May lason din ang needle na iyon." 

"Hala edi di napo sya magigising?" 

"Magigising kapag nalunasan sya gad kanina."  

------------- TO BE CONTINUED -------------

A/N:
■THANK YOU SO MUCH FOR READING!Read,like and reply for your thoughts!
■nag update ako kase usto ko sumulat ngayon HAHA goodnight!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon