Chapter 67

22 0 0
                                    

••Hera POV••

Ilan araw na ang lumipas matapos ang anibersaryo ng unibersidad. Simula ng matapos iyon ay halos maingay na palagi ang mga estudyante. Halata padin sa mga mata ang saya na naganap pero lahat ng bagay ay may panandalian. Padating na ang Pasko at padating na ang huling markahan bago ang mahabnag bakasyon.

"Ang sakit ng katawan ko kakaensayo..." bungad sakin ni Vien habang nag iinat. Tumango lang ako dahil medyo napaos ako sa ensayo ko kanina, palakasan nang boses. Nag ensayo kami sa mga bundok habang naririnig namin nag isa't isa ay lalayo ng lalayo hangga't di na namin naririnig ang mga boses namin.

Hindi ko pa din alam kung bakit namin ginagawa iyon pero dahil makulit ang aming guro, ginagawa namin iyon kada buwan.

Nagpaalam sakin si Vien na kailangan nya ng mag ensayo para sa sayaw nya na gaganapin sa makalawa. Napanguso naman ako nang maalala ko ang mga kailangan kong basahin at pag aralan sa klase ko tungkol sa witchcrafts. Paborito ko iyon pero napakahaba nilang magbigay ng pagsusulit kaya naman nakakatamad pag aralan ang mga iyon.

Dumayo muna ako sa mini shop at kumuha ng dalawang strawberry milk at isang biskwit.

Umupo ako sa maliit na parke at umupo. Habang pinapanood ang mga nag lalaro ng table tennis ay umiinom ako sa straw. Lumipat ako sa ilalim ng puno nang mapansin na wala naman gaanong tao sa paligid. Pinagmasdan ko ang ulap habang pinaglakbay ang isipan.

'madami pa pala akong aaralin...'

Sa sobrang pag iisip, di ko na namalayan na nakatulog ako.

--Hera's dream--

Ang dilim. Naglalakad ako sa gubat na parang hindi natatapos. May naaninag akong liwanag na hawak ang munting paru-paro. Hinabol ko ito hanggang nasa gilid na kami ng bangin. Biglang may kulay itim na hangin at tinulak ako sa bangin.

"sh*t!"

Hindi ko inaasahan pero bago pa ko mahulog ay nakahawak ako sa isang sanga. Napalunok ako ng makita ang huhulugan ko kung sakaling mahulog ako ng tuluyan. May naririnig akong mga salita pero hindi klaro.

"nak, gising na..."
"Parang awa mo na nak, kailangan mo nang gumising..."
"Please..."

Napalinga linga ako at naaninag ko ang bulto ng isang tao. Akala ko ay tutulungan nya ako pero pinutol nya ang sanga.

"AHHHH!!!"

"WOOOOOHHHHHH..." Nagising ako sa alulong ni Emerald. Nakatulog pala ako dito sa parke. Napalingon ako sa gusali kung saan ako nakatuloy. Napakalakas naman nang alulong nya?

Kinabahan ako ng husto habang tumatakbo papuntang silid. Kahit may na sasanggi ako ay hindi ko na tinignan at dere deretso lamang sa hagdan. Nakita ko na pilit niyang kinakaluskos ang pinto.

"Emerald, alis dyan bubuksan ko ang pinto."

Umalis naman sya kaagad ng marinig ang boses ko kaya binuksan ko ito at sumalubong sakin si Emerald at Winter ng dagan.

Dinilaan ni Emerald ang muka ko habang si Winter ay nakadagan sa likod ni Emerald. Hindi biro ang bigat nila kaya naman pinaalis ko agad sila. "A-alis kayo dyan! Ano ba Emerald at Winter? Alis na!"

Umalis naman ang dalawa. Umayos nako ng tayo at sinara ang pinto. Tinignan ko si Emerald at muka naman maayos ang lagay nya.

Hinawakan ko ang ulo nya. "Okay ka lang ba?"

Nilagay nya nag paa nya sa ulo ko kaya ibig sabihin nun ay okay lang sya. Ang laki na nila at mukang kailangan ko ng palakihan ang silid na ito.

Umupo ako muli sa isnag upuan matapos ko magbigay ng pagkain kila Winter.

Pero hindi ko maiwasan na isipin ang ibig sabihin ng panaginip ko kanina. Bakit may tumatawag sakin?

--------------------TO BE CONTINUED--------------------

A/N:

💋Maraming salamat sa pagbabasa! MAG IWAN NANG REAKSYON, LIKE at COMMENT sa baba!

💋LATE NAKO NAKAKAUD, SORRY HEHE medyo hindi stable si mental health eh. I love you all and keep safe everyone!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon