Chapter 58

23 0 0
                                    

••Vien POV••

Sobrang sarap ng tulog ko sa lamesa ko ng biglang hampasin ng kung sinong hayop. Narinig ko ang tawa nila Alex at Rade. Mga boang.

"tang*na nyo, pwede na kayo kunin ni Bathala."

"Okay ka lang ba Vien? Ang sarap kasi ng tulog mo ehdi mo tuloy naramdaman sila" ngumiti ako ng peke kay West dahil pati si tumatawa.

: )

Hindi ko sila pinansin at lumapit kay Aurs na sumobra ata sa club nya. "Hoy Aurs ano ba buhay ka pa ba,"

Tumingin sya sakin at bahagya din syang tumawa?

'luh?'

Tinuro nya ang labi ko kaya tinikman ko ay lasang ketchup! Narinig ko nanaman ang tawa ni Alex.

"hahaha okay lang naman ako sorry ha? Naging busy ako bigla. Iyon club kasi namin panay ang praktis kaya hindi ako makasama sainyo," Akmang magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang kampana na hudyat na ng club time. Naging mabilis ang kilos ni Aurs at nagpaalam na sakin.

Umalis nadin sila Aurs dahil magkaiba kami ng pagpapraktisan, pareho kaming dancer pero ang kanya ay street dance ako naman ay ballet.habang sila West at Rade ay nag history at sila Alex at Seid sa Sports.

Pumunta nako sa silid kung saan kami nagprapratice. "Guys warm up muna for 20 minutes dali!"

Sa may roofless practice room kami at mukang uulan. Mabilis kong binaba ang bag ko at dali dali kaming nagwarm up.

"Okay let's start!"

Nagpatuloy ang praktis namin hanggang sa nagbreak muna ng 10 mins. Mabilis na nagtakbuhan ang mga kasamahan ko papuntang cafeteria. Napailing nalang ako at sumunod.

Akmang papasok na sana ako sa loob nang mapansin ko si Hera na nakasandal sa sulok. Nakakunot ang noo nito kaya di ko na napigilan na pumunta doon.

"Hera hindi ako nagbibiro nun isang araw..."

"tumigil ka na nga-"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Rade.

"Gusto nga kita Hera! Gustong gusto kaya tigilan mo na ang pagtrato sakin bilang kaibiga-"

"at bakit ako titigil sa pagtrato sayo bilang kaibigan?"

"Kasi..."

Ngumisi si Hera. "Rade ang pagkakaibigan natin ay hindi maapektuhan ng nararamdaman mo."

Dahan dahan umalis si Hera paalis ng hawakan ni Rade ang kamay nito. Parang may kumurot sa puso ko ng masaksihan ko iyon.

"Hera... Pag isipan mo naman, ituring moko bilang lalaki at hindi isang kaibigan."

Inalis ni Hera ang pagkakahawak nito sa kamay. "Hanggang kaibigan lang Rade."

Lumakad na papalayo si Hera. Nakita ko kung paano nanlumo si Rade pababa sa sahig. Bigla naman akong naluha sakanyang sinapit.

"BALIK NA DAW SABI NI SELENA!"

Mabilis kong pinahid ang luha ko ng biglang sumulyap si Rade sa direksyon ko. Dahan dahan akong bumalik at nakidalo sakanila.

Lutang akong sumasayaw at iniisip kung paano ko nagustuhan si Rade. Dati lamang ay inaasar ko sila noon bakit ngayon ay tila nag iba na?

••Rade POV••

Matapos ang usapan namin ni Hera, dumiretso ako agad sa may malapit na upuan. Naiinis ako na nasasaktan. Ang turing sakin ni Hera ay bilang kaibigan lang.

Nalungkot kong pinanood ang mga sumasayang classical ballet sila Vien pero mukang malalim ang iniisip nya kaya hindi nya namalayan na umuulan. Nun una pinanood ko ang sayaw nya na mukang lunod na lunod na sya dun.

"VIEN! HOY BOANG ALIS KA NA DYAN! JUSQ GUSTO MO BANG MAGKASAKIT? rining kong aigaw ng leader ata nila.

Mabilis akong kumuha ng payong sa loob ng bag at binuksan. Lumakad ako malapit saknaya ngunit hindi nya padin ako napansin.

Nagulanta ako ng bigla syang madulas mabilis kong binitawan ang hawak kong payong at sinalo sya.

"R-Rade?"

"Anong ginagawa mo Vien at bakit ka sumasayaw sa gitna ng ulan?"

Napatingin sya sa gilid at nakita nya ng mga kasamahan nya. "Ahh... H-hindi ko napansin."

Tumayo na sya ng tuwid at binigay sakin ang payong ko ngunit tinanggihan ko ito at ibinigay sakanya.

"Ayos lang ako, sige na at magpalit ka na dun,"

Tumango nalang sya habang tinatanae ako papalayo. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante kung bakit ako basa pero hindi ko nalang ito pinansin.

-----------------------------TO BE CONTINUED----------------------

A/N

✨SALAMAT SA PAGBABASA! MAG IWAN NG REAKSYON AT KOMENTO SA BABA KUNG INYONG NAGUSTUHAN!

✨KEEP SPREADING LOVE, KEEP SAFE AND STAY HYDRATED ILYA!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon