••Hera POV••
Nagising ako sa talon talon nila Emerald. Ang tagal ko na pala silang di nalalakad kaya naman mabilis aong bumangon at naghilamos.
Napangiti ako ng nakaupo lang sila pareho sa kama na parang hinihintay nalang ako matapos at handang handa na sila pag labas.
Tinignan ko ang labas at pasikat pa lamang ang araw. "Tara na Emerald,Winter."
Mabilis silang naglakad sa pintuan kaya napatawa ako ng mahina ng muntik pang madulas si Winter kakamadali. Mabilis akong bumaba at binuksan na ang pinto. Bago ko sinarado ang pinto ay kumuha muna ako ng baunan ng tubig kung sakaling nauhaw sila.
Nangunguna silang dalawa kaya naman napansin ko ang paglaki nila. Si Emerald ay triple na laki na saakin samantalang si Winter ay halos kasinglaki na ni Emerald. Nalungkot ako bigla dahil alam kong mas lalaki pa si Winter at kailangan syang ihiwalay ng silid.
Walang gaanong mga estudyante ngayon dahil maraming guro ang wala. Nakita ko ang nakapastil at sinabi roon na may mahalagang pupunta ang mga guro ngayon.
Naglakad at naglakad lang kami hanggang sa napagod na sila at nagpahinga sa ilalim ng puno. Naalala ko dito ko unang nakilala si Nexan.
'tsk, istorbo siya noon sakin.'
Napailing nalang ako at humiga na din sa ilalim ng puno. Akmang iidlip na sana ako, nang marinig akong sigaw. Napatingin ako sa paligid at napansin ang usok mula sa isang bintana. Mabilis akong tumayo at sumakay kay Emerald. Sinabi ko kay Winter na tawagin si Fran kaya lumipad na sya agad.
"Bilisan na natin Emerald,"
"excuse me,"
Halos di ako makadaan sa dami ng nakikitingin. "Padaan sabi."
Alam kong di na makakadaan si Emerald sa dami ng tao kaya bumaba nako at nakisiksik. "Makikidaan-- putsa naman."
Naiinis akong tumingin sa gawi ng biglang tumulak saken ngunit masyado madaming tao. Pinilit kong lumusot at nakita ko kaagad ang apoy.
Pero noong lumapit ako ay mas naaninag ko pa mabuti ang apoy pero hindi pala iyon simpleng apoy lang kundi tao pala mismo. Hinawakan ko ang isang water wizard na pinapatay din ang apoy at basta nalang pumasok sa silid.
Kaagad akong gumawa ng water sphere para mawala ang apoy sa buong silid at tinanong ang babaeng na fire wizard.
"Ayos ka lang ba?"
Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan kay ahindi ko sinasadya na magaya ang kapangyarihan nya. Mabilis na nanaman kumalat ang apoy ng hindi ko ito makontrol. Natatawang tumingin sakin ang babae.
"Tapos na ang oras ng pagpapanggap mo na ordinaryong wizard kalang, Hera,"
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sasabihin nya. Hindi ko sinasadyang may lumabas na apoy sa kamay ko at mabato sa may pintuan kung saan may narinig akong sigawan.
"Makinig kayong lahat! Ang hinahangaan nyong si Herause Saren ay isang replicabia wizard!"
"HA?"
"Ay ano yon teh?"
"Totoo ba yan?"
"Magnanakaw ng kapangyarihan!"
"Tama ba iyan mga sinasabi mo?"
"She's a b'tch!"
"Hindi nya deserve dito"
"Nabasa ko na unti lang daw silang uri"
"Ako nabasa ko na sila ay delikado!"
"Talaga?"
"Oo pre!"Nang maapula na ang apoy ay kusa akong nagtaas ng tingin sakanila pero halos ang lahat ay galit ang ekspresyon.
"SALOT!!"
"MAGNANAKAW!"
"SIPSIP!"
"OMG MAMAYA DI KO ALAM NAGAYA NYA NA IYON AKIN!"
"SAME GURL!"Napahinga at ng malalim sa mga pinagsasabi nila. Biglang dumating ang mga alpha at mga guro sa paaralan.
"Anong gulo ito?" Napatingin sakin ang principal ng makita akong basang basa.
"Principal, May nakapasok na isang wizard na tinatawga na replicabia!"
"What? Sino? "kaagad akong tinuro ngmga estudyante. Napahiga ako ule ng malalim at hindi padin nagpakita ng emosyon kahit sobrang naguguluhan ako.
"Prove it."
Napapikit ako ng makita ko ang muka ni Vue dahil nakita ko muli ang awa na pinakita nya sakin noon.
'Ano bang kaawa awa Vue?'
Pinalet nila saakin ang dalawang estudyante na may mahika na yelo at anino. Wala akong nagaw akundi patunayan ang totoo kong abilidad. Nagulat ang lahat ng malabas ako ng maliit na nyebe na mabilis kong pinalitan ng pagkontrol sa mga anino.
Napapikit muli ako ng sabihin ng principal na dadalhin ako sa detention. Hindi ako umalma at sunod na sakanila. Nakita ko ang muka ng mga kaalpha ko at nasa muka nila ang pagkagulo ng isip habang ang mga kaibigan ko naman ay pinipigilan ng mga bantay. Maski sila Emerald at Winter ay pinigilan din nila sa pagsunod.
-------------------TO BE CONTINUED-------------------
A/N:
🐺MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA AT KUNG IYONG NAGUSTUHAN, MAG IWAN NG REAKSYON AT KOMENTO SA BABA!!
🐺AWOOO... STAY HYDRATED AND KEEP SAFE ILYALL❤️