Chapter 61

19 0 0
                                    


••Hera POV••

Nagising ako sa idlip ko ng may kumatok. Kumunot ang noo ko ng pumasok ang isa sa mga guro ngunit di ko alam ang kanyang ngalan.

"Good Afternoon, Miss Saren. I am here to ask questions and clarification, Can I?"

Tumango lamang ako. Hindi ko alam kung oras lang ba ang lumipas or araw dahil halos paulit ulit ang mga pangyayari.

"Ulit?"

"Opo. Iyon ang habilin samin ng principal para maobserbahan ka po."

Kinuhaan nya ako muli ng dugo pero habang inaasikaso nya ang lalagyan ay hinatak ko ng mabilis ang isang maliit na bote.

Umalis na sya matapos ang ilan tanong na paulit naman tinatanong. Ang unang tanong ay kung paano ko natagpuan ang unibersidad, pangalawa ay bakit ako nagsinungaling tungkol sa ability at ang pinakahuli ay ano ang intensyon ko sa unibersidad. Palagi akong natitigilan kung ano ang isasagot ko sa pinakahuling tanong.

'Ano nga ba talaga ang intensyon ko dito?' Kinakamuhian ko ang pagpunta dito sa totoo lang, pero habang napansin ko angmga pagbabago parang unting unti na nawala ang paghihiganti sa isip ko. Napatulala ako sa kawalan. Naguguluhan nako sa mga desisyon ko pati na rin si Nexan ay hindi nawala sa isipan ko. Pati rin ang mga sinabi ni Rade nitong nakaraan hay.

"HERAAAAA!"

Napatingin ako sa maliit na butas sa pinto at nakita ko ang umiiyak na si Vien. Dali dali akong pumunta doon at hinawakan ang salamin.

"Bakit?"

"S-si Emerald! Jusmeyo, hindi gumigising! Akala ko nun u-una natutulog lang siya pero simula kahapon ng tanghali hanggang kaninang umaga hindi pa sya gumigising!"Umiiyak na sabi ni Vien. Hindi ako nakapaniwala sa aking narinig.

" A-asan siya Vien? Dalhin mo sya dito," Napaluhod ako bigla ng hinatak sya ng gwardiya." teka s-sandali, VIEN! pakiusap ilapit mo siya kay Rade... Sige na, "

Pinunasan nya ang kanyang luha bago tumango ng tumango. Napaupo ako sa lapag dahil para ako nanghina saakin mga narinig. Tatlong araw na pala ang nakakalipas.

'Emerald...'

Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng ulan. Nagtalukbong ako sa aking kumot at tahimik na nagdadasal na sana walang nangyaring masama kay Emerald.

'Pakiusap Bathala, pakiusap...'

Nakadinig ako ng takbuhan kaya dali dali akong tumakbo sa may pintuan.

"Vien?"

Napatingin ako sa bagong dating na si Vien habang nasa likod nya si Rade na buhat si Emerald. Unting unti pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Parang pimiga ang puso ko nang makita kong mukang nahihirapan huminga.

"E-emerald..."

Nakita ko siyang dumilat at pinilit tumayo at lumapit sakin ng hinarang sya ng mga gwardiya.

"Pasensya na, ngunit ang habilin saamin ay wag papalapitin ang anong nilalang sa kinalalagyan mo." Matigas na sabi nito.

"T-teka lang gusto ko syang makita... Na- nahihirapan syang huminga titignan ko lamang sya..."

Pinilit ni Emerald na makadaan pero malakas syang tinulak ng mga ito!

"Emerald!"

Mabilis na umalaylay si Rade. "Pakiusap hayaan nyo na syang makita ang kanyang amo."

Tumkngin si Rade sakin at malungkot na ngumiti bago dahang dahan umiiling. Nakagat ko ang aking labi at sinubukan na sirain ang pintuan. Naalerto naman ang mga gwardiya at mariin na tinulak ang pinto.

"Pakiusap! Hayaan nyo akong makita sya!"

Kinuha ko ang kutsara na nalaglag kanina ang sinubukan sirain ang hawakan ngunit nasira lamang ang kutsara. Mas lalo akong naalerto ng umalulong si Emerald!

"Nooo... NO! NO! NO! EMERALD! BUKSAN NYO ITO!"

Nagsidatingan ang madaming gwardiya at dumating ang isang guro. "Anong nangyayari dito?"

Tinuro ako ng isnag gwardiya. "Siya ho kasi, nagpupumilit lumabas."

Napatingin ang guro kay kila Rade. Pinunasan ko ang luha ko at muling nakiusap.

"Pakiusap, pahintulutan nyo lang ako lumabas kahit ngayon lang! Ayokong mawala sya sakin..." pahinang pahina kong pakiusap.

"Hindi." Mariin na sabi ng guro. Unting unti nang namuo ang galit sa isipan ko.

"PALABASIN NYO AKO DITO!!"

Tumingin ako sa isang gwardiya at pinilit na gayahin ang ability nya. Pinilit ko ito kahit pa hinaharang ng detention ang aking ability.

"Hera si Emerald! Nanlalamig na ang kanyang katawan!"

Para akong bomba noon narinig ko na yon at hindi ko na alma ang mga pangyayari.

••3rd POV••

Sa hindi inaasahan, biglang lumiwanag ng sobra at may sumabog! Halos ang lahat ay napaatras sa lakas ng pagsabog. Nakita ko si Hera na walang emosyon na naglakad papunta saamin. Para akong kinilabutan sa lamig at dilim ng kanyang aura.

"Pigilan sya!" Sigaw ng isang gwardiya. Sabay sabay na sumugod ang mga gwardiya pero isang pitik lang ni Hera ay may pumalibot sa kanilang mga bomba at sabay sabay na sumabog. "Ack!"

Tinulungan kong tumayo si Rade nang papalapit na samin si Hera. "Bitawan mo si Emerald, Rade."

"Bakit?"

"Basta bitawan mo. Mukang hindi tayo nakikilala ni Hera base sa kanyang tingin kaya tumayo ka na dyan baka tayo ay mapagbalingan..."

Tumango naman si Rade at dahan dahan binaba si Emerald. Umatras kami ng dahan dahan at pinanood kung paano niya ginamot si Emerald. Nagsulputan ang mga berdeng liwanag at mabilisna  pumasok sa katawan ni Emerald. May isang kulay ginto sa kamay ni Hera at inilagay sa bandang ulo.

Kusa itong pumasok sa ulo ni Emerald bago nawala ang ilaw sa buong paligid. Sumulyap ako kay Rade at bakas sa muka nya ang pagkamangha.

-----------------TO BE CONTINUED-------------------

🍊MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN MAG IWAN NG REAKSYON AT KOMENTO!!

🍊KEEP SAFE AND STAY HYDRATED, ILYA! 🌻

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon