Chapter 29
••Hera POV••
Pinapasok kami sa loob at pinaupo na sa pwesto uli namin kahapon.
"UMPISA NANG IKALAWANG LEVEL ANG VERSUSTION!PARA SA MGA DI NAKAKAALAM,ITO AY LABAN SA PAGITAN NG PAREHONG URI LAMANG!"
Nag ingay ang paligid. Maraming nagpalakpak at halatang excited sa mga manyayari. Napahinga ako nang malalim at nagmasid habang hinihintay kung sino ang unang tatawagin.
"MAGSISIMULA TAYO SA.........MGA BAMPIRA!"
Nagpalakpakan naman nang malakas at nag abang kung sino ang mga maglalaro.
"Mint Will!"
"Aki Kish!"
Naglakad na papuntang stage ang mga maglalaro at naghintay nang senyas.
"Mint Will vs Aki Kish!Handa na ba tayo? Kung ganun,Simulan na!"
Agad na may pumalibot sakanilang barrier katulad nang kahapon. Naglakad na ito sa magkabilang dulo at sabay na umatake.
Halos magkasing bilis ang mga ito sa mga atake. Di namin makita nang husto ang mga kilos dahil sa liksi ni pareho.
Parehong nakakamangha at nakakapigil hininga kapag natatamaan ang isa. Pantay ang halos lakas. Maski ako ay napapangiwi kapag sumasablay ang isang atake nang isa.
Sa huli,Nanalo ang may kulay abo na buhok,Si Mint. Halos malalakas na sigawan ang natanggap nya halata na kilalang kilala ito. Sino ba naman di makakakilala sakanya? Anak sya nang isang ordinaryong tao at bampira.
Napabuga ako nang hangin at saka naghintay uli nang naglalaban.
...
Paulit ulit ang nanyari. Laban doon laban dito. Halos magkakaiba nang lakas at ability ang nasaksihan ko ngayon. Di ko alam na lalago nang sobra sobra ang unibersidad nang ganto.
Napailing na lamang ako at nag isip kung gaano ba kalala ang unibersidad habang nakatira pa ko dito.
**Flashback**
••Third POV••
"Miss Herause bumaba ka nga dyan! Magagalit ang ama mo sakin pag ikaw ay nagkasugat!"Sigaw nang isang katulong na nagbabantay sa batang nag ngangalan Hera.
"Manang...gusto ko na po bumalik sa aking ina. Halos ilang taon ko na po syang di nakikita,paniguradong namimiss nya na din ako..."Angal ng bata habang nasa taas padin ito nang puno. Kaya lamang siya umaakyat dahil natatanaw nya ang baryo na gustong gusto nyang puntahan.
Wala syang nagawa nang kunin sya nang isang nagbabantay pababa sa puno.
"Miss Herause,di po kayo pwedwng umakyat nang puno baka po ikaw ay malaglag(at di saluhin kapag nun nagbabasa WAHAHA opps,pasmado.)."
Napanguso na lamang ito at naglakad paalis sa hardin.
"PAPA! WAG MO NAMAN ITONG GAWIN SAKIN! SAAKIN ANG MANA!"
Biglang natakot si Herause dahil sa narinig mula sakanya ama. Agad na tinakpan nang katulong ang kanyang mga tenga at inalalayan bumaba.
Akala nila ay hindi naiintindihan ni Herause ang nanyayari pero masyado itong matalino. Napatungo nalang ito, dahil alam naman nyang nandoon lamang sya para ipamana sa kanyang ama ang mga ari arian nang kanyang lolo.
Napaisip ito at nagpaalam."Manang..gusto ko napong matulog."
Napatango tango ang katulong."O sya, pumunta ka na sa iyong kwarto at matulog. Mamaya ay gigising na kita para sa hapunan."
Tumango naman ang bata at mabilis na nagkulong sa kanyang silid. Sinarado nya ito at iniurong ang isang upuan. Napangiti ito nang makita ang pintuan. Isang tagong silid.
Pumasok ito doon at sinarado uli ang pintuan. Pumunta sya sa pisara na punong puno nang mga lugar kung saan maari ang kanyang ina.
Lingid ito sa kaalaman nang sino man,ngunit palagi syang umaakyat sa puno upang matandaan ang mga lugar sa baryo. Palagi itong may baon nang maliit na teleskopyo sa bulsa.
Napangiti ito dahil nararamdaman nya na malapit nya nang makita ang ina.
'Sa wakas makikita na rin kita uli,Ina.'
--------------IPAGPAPATULOY---------------
A/N:
▪Paulit ulit man, ngunit patawad dahil matagal nanaman akong di nakapagupdate dito hehe. Nawalan ako nang time mag isip nang mga pangyayari tas naalala ko yun flashback so yeah!
▪SALAMAT NANG MARAMI SA PAGBABASA AT MAG IWAN NANG KOMENTO AT REAKSYON!
▪WAG PAPAUHAW AT PANATILIHIN PALAGING LIGTAS!