Chapter 95

16 0 0
                                    

Chapter 95

••3rd POV••

'No improvement yet,'
.
.
.
'as usual, tulog pa din siya.'
.
.
.
'No response with medicines.'
.
.
.
'Nars, pakisulat na gumalaw ang kanyang mga paa...'
.
.
.
'Day 134,gumalaw ang kanyang daliri sa kamay saglit...'
.
.
.
'156 days, nagreresponse na ang kanyang mga mata'
.
.
.

"Anong day na ngayon doc?"

"167 days."

Pinanood ng nars ang ilaw sa mga mata ng pasyente. Nakita niya itong gumalaw. Kaagad niyang sinulat ang process at muling tumingin sa pasyente.

Napatingin ang doktor at nars ng tumaas ang kamay nito. Humawak ito sa noo at unting unti dumilat ang kaniyang mga mata.

Nahulog ng nars ang kanyang hawka na ballpen at napanganga.

"N-Nasaan ako?" sambit nito sa mahinang boses.

Nagkatinginan ang doktor at nars at sabay na napangiti.

"Nars, pakitawag sila Mr. and Ms. Gomeza!"

Kumaripas ng takbo ang nars habang ang doktor ay busy sa pagmamasid sa aksyon ng pasyente.

"Kilala mo ba kung sino ka?"

"Ako si... Hera?"

"Tama, ikaw si Herause Gomeza. Kamusta ang pakiramdam mo?"

Napatingin si Hera sakanyang katawan. Madami itong pasa at iba iba ang laki ng mga ito.

"Anong nanyari sakin?"

"Hindi mo ba maalala? Hmm, Bigla kang nawalan ng balanse sa hagdan at nawalan ng malay."

Napahawak si Hera sakanyang ulo na tila may kulang at biglang kumirot ito.

Naalarma ang doktor at hindi na pinilit siya na mag isip. Pinahiga niya ito muli at pinagpahinga.

Isulat niya sa kanyang hawak na chart ang araw at mga sinabi ni Herause.

Pagkapasok niya sa kanyang office at saktong dating ng mga magulang ng pasyente.

"Kamusta siya doc? May nanyare ba?"

" 167 days, she finally woke up from her deep sleep." Nakangiting sabi ng doktor.

Napaluhod naman si Ms. Gomeza at agad itong inalalayan ng kanyang asawa. Kumawala ang luha ng mag asawa at nagyakapan ito.

"Salamat dok! SALAMAT!"

"Wala naman ho akong ginawa, ang anak nyo ang nagpasiyang gumising. Babala lang ho, wag nyo muna siyang pag isipin masyado, hindi natin alam ang pwedeng maidulot ng stress sakanya."

Tumango tango ang dalawa at agad na pinuntahan ang silid ng kanilang anak. Nagtype naman siya ng email sa kanilang head ng ospital tungkol sa kundisyon ni Herause Gomeza ng biglang tumunog ang kanyang phone.

" Bro, how are you? I'll visit you tomorrow. I have an event and it's close to your hospital." - Rei

----

Habang umiinom ng kape ang doktor ay napagpasiyahan niya na hanapin muli ang case ng kapatid niya.

Pagtapos niya ito makita ay binuklat na niya ito. Halos katulad ni Herause ang mga sintomas noon ng kapatid niya pero mas matagal na nacomatose si Herause. Napailing na lamang siya dahil natandaan niya din kung gaano siya kadesperado na matukoy ang sakit ng kapatid.

---
Kinabukasan
---

"Good morning, doc!" bati ng mga nars n kakapasok lang.

"morning sainyo, " sagot nito pabalik at naglakad na papunta sa kotse nito.

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon