Chapter 82••3rd POV••
"Gising na sya."
Isang halakhak ang pinakawalan ng isang nilalang.
"Salamat sa impormasyon, maaari ka nalang makihalubilo uli sakanila."
Tumango ang nilalang na nakakapa at umalis. Pero bago siya makaalis ay may isang tanong na nagpatigil sakanya.
"Hindi ko maisip kung bakit mo siya gustong mapaslang, hindi ba't magkaibigan kayo?"
"Kinaibigan ko lang siya dahil gusto kong maipaghiganti ang aking mga kaibigan."
Isang kakaibang usok ang lumabas galing balon at lumabas ang isang nilalang na nakangisi sakaniya.
"Alam nating pareho na hindi nya iyon kasalana-"
"KASALANAN NIYA!" sigaw nito sa usok at biglang lumabas ang kanyang guardian na nakabantay.
Natatawang tinaas niya ang kamay para pakalmahin ang guardian na muka din galit.
"Okay, okay kalma. Naninigurado lang ako at baka sa pagkakaibigan nyo ay mapahamak tayong lahat..."
"Aalis nako." malamig na sabi nito at walang lingon na umalis sa lugar na iyon.
••Hera POV••
Pagkatapos ng lahat ng pangyayari ay maayos naman daw ang lahat.
Pagkatapos nilang ibigay ang pinuno ng mga satoir ay wala na daw silang nalaman na iba pa at pinagpahinga na din sila.
Napahinga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga puno na malapit ng muling mabuo.
"Hera!" Napatingin ako sa baba ng marinig ko ang boses ni Vien. Kumaway lang ako sakanya.
"Wala kabang pasok?"
Napangiwi ako. "Wag kang sumigaw at pumunta ka dito."
Mabilis siyang tumakbo papunta dito sa taas at umupo sa harap ko.
"Wala kabang pasok?"
"Wala, ang sabi saamin ay sa susunod na linggo nalang daw kami pumasok."
Dahan dahang bumusangot ang muka nya. "Ayan ang sana lahat, kami ay tinadtad ng mga gawain, nakakainis!"
"Kawawa ka naman, patingin nga."
Lumiwanag agad ang muka nya at halos isubsob nya sakin ang libro na hawak. "Ito ohhhh!"
Hinawakan ko ang maliit na sulatan nya at sinulat ang mga kakailanganin nya para sa gagawin nila bukas. May nakasulat din na mga daldalhin bukas.
Nagulat ako sa dami ng halaman na pinapadala. "Kailangan nyo ba talaga toh? "
Kinuha nya ang papel at binasa uli. Ngumuso siya at ipinakita ang pirma ng guro. "Hindi ko alam kung anong itsura nitong mga toh."
Hinatak nya ang kamay ko at hinatak. "Saan tayo pupunta?"
"Sa taniman, tulungan mo kong pitasin sila."
Pagkapasok namin ay madami dami din ang mga nagtitingin at nagpipitas ng mga bulaklak at dahon.
Hinati ko ang hahanapin namin dalawa bago kami maghiwalay.
Mabilis kong tinapos ang pag hahanap baka kasi ay may hinding kilala na pangalan ng mga bulaklak at dahon si Vien. Madali ko siyang nakita na mukang nahihirapan basahin ang nakasulat. Napailing ako at madali siyang pinuntahan.
Napatigil ako sa paglalakad ng may nakabangga sakanya at nawalan siya ng balanse. Napatingin ako sa babagsakan nya at tumakbo ng wala sa oras. Ilan nalang ang pagitan nya sa bulaklak ng mahatak ko siya. Hinihingal akong humarap sakaniya.
"Okay ka lang ba?"
Nagtataka syang tumango at marahan hinimas ang aking likod. "Bakit ka kasi tumakbo, mga halaman naman ang mahuhulugan ko kung nagkataon.
Tinuro ko ang foxglove." Ang halaman na iyan ay foxglove. Isa iyang halaman na may lason. "
Dahan dahang nanlaki ang mata nya." A-Ano? "
Tumango ako sakanya at hinanap ang nakabangga sakanya pero hindi ko na ito makita.
----------------TO BE CONTINUED-----------------
A/N:
💃Ang foxglove po ay isang halaman na nakakalason, sa tangkay, dahon at bunga nito, strictly daw pong gumamit ng gloves. //sors pareng google
💃SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, PLEASE LIKE, REACT OR COMMENT DOWN BELOW!
💃late update huehue pero donut woreh mina-san, malapit na matapos s.y namen naks. Mobeng app ang otor nyo as graduating hs student next s.y taray. Stay healthy and ilya!