A/N:Ang Chapters 73 to 78 ay misteryong nawala. Hindi ko alam ang dahilan pero meron akong hinala. Fortunately, nasulat ko na dito ang 73 to 76 which is buti naman. Pero ang medyo bad news ay nawala na talaga ang 77 at 78. Sooo, Itong Chapter na ito pati na rin ang susunod na chap ay medyo maiiba sa nakalagay sa fb kasi nga nabura siyaaaa huhu. So sa mga mag reread, pls wag na kayo magulat bat parang may naiba sa chap 77 at 78 kasi irewrite ko uli sila.
---Chapter 77
Mabilis na tumakbo si Emerald papuntang tutok. Mabuti naman at wala ng hamog dito. Bumaba ako sa likod ni Hera at tinignan ang paligid. Bukod sa puro burol at puno, wala na gaanong matatanaw. Tinignan ko ang baba ay puro kulay berde lamang ang nakikita ko.
Tinignan ko ang ruta ng ilog at sinundan iyon. Napansin ko ang mga kabahayan sa gitna ng kagubatan.
Sa kanang bahagi ng kagubatan ay nag iba ang kulay ng dahon. Mas malinaw ang kulay na halos puti. Mukang sakto lang din ang tigil ng kulay nito malapit sa kagubatan.
Kinabisado ko ang daan at palatandaan na maaaring makatulong samin kung sakaling mawala kami. Pinainom ko muna si Emerald bago siya inayang bumaba.
"Tara na, Emerald..." tinuro nya naglikod nya pero umiling ako at tinuro ang pababa. Sa pag baba ng aking kamay ay halos sabay kaming nagsimulang tumakbo.
"Emerald, mag ingat sa hamog!"
Alam ko naman matatalo ako sa bilis nya pero gusto ko na mahanda ang katawan ko sa mga maaaring manyari.
Pagbaba namin ay sumakay nako sa likod ni Emerald para mabilis kaming makapunta sa kakaibang kulay na mga puno.
Sumalubong samin ang kalamigan sa ibaba dahil sa dami ng puno. Yumakap ako kay Emerald ng mahigpit ng maradaman ko ang pagbilis nito.
Sa isang iglap ay nakarating na kami sa mga puting puno. Bumaba lang ako upang pagmasdan ang mga ito bago kami tumuloy.
Hindi ko alam kung kami ba ang mabilis o maikli lang talaga dhail ilan saglit lang ay nakarating na kami muli sa mga berdeng kulay ng puno.
Malapit ang ilog dito kaya doon muna kami nagpahinga saglit. Kinuha ko ang papel na maaaring masukat kung madumi ba o malinis ang tubig at sinawsaw sa tubig ng ilog.
Pag angat ko nito ay lumabas ang kulay asul na indikasyon na malinis ito. Pinainom ko si Emerald at nilagyan din ang lalagyanan.
Muli kong inaya si Emerald na muli na uling lumakad. Sa pagtapak ko pa lang sa iba ng kulay naramdaman ko agad ang nakakakilabot na lamig.
Nauuna si Emerald at tila nakaalerto sa kapaligiran. Bukod sa maliliit na insekto at tuyong dahon ay wala nakong ibang naririnig pa.
Tumigil sa paglalakad si Emerald at tila palinga linga. Napalinga linga rin ako at sa hindi inaasahan may malaking ibon dumampot kay Emerald!
"Emerald!" Napahawak ako sa espada na nasa likod ko at mabilis na tumakbo sa direksyon na papunta ang ibon.
Nakita ko ang isang mataas na puno at pinilit na umakyat. Nagtago muna ako saglit sa isang sanga ng makitang malapit na sa pwesto ko ang ibon.
Pagkalagpas nito sa puno ay tumalon ako papunta sakanyang paanan. Sa hindi inaasahan pangyayari ay kinapos ang aking talon at nahulog ako sa isang sanga. Napadura ako ng dugo at di ininda ang sakit. Muli akong tumalon papunta sa kabilang sanga at muling umonti ang aming pagitan. Nakita kong nakatingin si Emerald sakin at ngumiti lang ako sakanya.
Noon nakakita ako ng tiyempo ay muli akong tumalon sa sanga upang makapunta sa paanan ng ibon. Napahinga ako ng maluwag ng nakasabit ako dahil biglang lumipad ng mataas ang ibon. Kung sakaling di uli ako nakaabot ay kamatayan ang kapalit.
Lumapit ako kay Emerald at tinapik ang ulo nya. Umakyat ako papunta sa likod ng ibon at hinanap ang daanan malapit sa ilog.
Nang medyo bumaba na ang lipad ay wala akongnagawa kundi tusukin ang nakahawak kay Emerald at sabay kaming nahulog.
Napapikit ako sa lakas ng pagkakahulog samin at humiga lang muna. Tumingin ang ibon sakin pero lumipad na ito papalayo.
"Wooh, mabuti nalang at maayos na-" napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin na wala si Emerald sa paligid.
Kahit masakit ang katawan, mabilis akong tumayo at hinanap siya.
Nakita ko siya na nakatingin at tila may inaanalisa. Tumingin ako sa gawi nito.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Copper.
"Ayos ka lang ba?"
Tumango ito sakin at tinuro ang kalangitan.
"Literal na hulog ka ng langit," natatawa nitong sambit. Hinampas ko naman siya upang mag seryoso.
Itinuro niya ang isang mataas na bundok. "Galing doon, May nakita akong mga ilaw at bahay sa gitna ng kagubatan Hera."
Lumapit sakin si Emerald na nakahanda ng tumakbo. Sumakay ako at inaya na si Copper.
"Tara."
----
Ingay ng kuliglig at mga tuyong dahon ang naghahari sa walang ingay na lugar na ito. Umabot kami sa bandang unahan bago gumilid upang sabihin ang plano.
"Copper, maghiwalay tayo. Ikaw doon," turo ko sa kaliwa. "Ako naman sa kanan, pag wala kang nakita na pwedeng lusutan, umikot ka lang hangga't makita mo ako."
"Mag iingat ka."
Tumango ako. "Ikaw din."
---
Umakyat ako pataas at naglakad lakad. Sa isang puno ay may napansin akong gumagalaw.
Nagtago ako at naghanda. Tumango lang din sakin si Emerald bago kami dahan dahan lumapit.
Nang malapit na ang aking patalim sa batok nya ay hinawakan nito ang aking kamay at pinaikot ito.
Dali dali kong tinulak ito gagamit ang paa at agaran lumayo.
Sa pag tagpo ng aming paningin ay di ko namalayan na may mga mainit na bisig nakapalibot na sakin.
"Hera... Mabuti at ligtas ka."
Tumugon ako sa kanyang yakap. Ngunit di ko na ito pinatagal at tinanong siya.
"Kasama mo ba si Fran?" umiiling ito at iikang ika na umupo.
May hinatak siyang mansanas at binigay sakin.
"Anong nanyari sa paa mo?" pagtatanong ko.
---------------TO BE CONTINUED--------------
✨medyo nalalate na tayo hehe. Sorry natagalan, piniga ko super nag aking isipan para kahit papano ay related siya sa nawalan chapter.
✨MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN MAG IWAN NG LIKE, REAKSYON O KOMENTO SA BABA!
✨STAY SAFE AND ILYA❤️