Chapter 27
••Hera POV••
"MAGANDANG UMAGA SAINYONG LAHAT! NGAYON ANG ARAW NA PINAKA INAABANGAN NANG LAHAT! BAGO ANG LAHAT PWEDE BA KAYONG PUMALAKPAK PARA SA MENSAHE NANG ATIN PRINCIPAL!"malakas na sabi ng nagsasalita. Pumalakpak naman silang lahat.
Nanatili ang principal sa kinauupuan ngunit tumayo sya at saka nagsalita."Gusto ko lang sabihin na itong evaluation ay hindi nasusukat ang inyong limitasyon sa paggamit nang mahika. Ito ang basehan kung gaano kana kalakas ngayon at dito susukatin kung kailangan mo pa bang itodo o imaintain muna bago itodo."
Halos wala akong naintindihan sa sinabi nya pero pumalakpak nalang din ako.
Nagsalita muli ang nagsasalita kanina."WAG NA NATIN PATAGALIN PA! TIGNAN NATIN KUNG SINO ANG UNANG MAPIPILI NATIN!"
Lumapit sya sa pabilog na lalagyan at kinuha ang isang maliit na babasahin hugis bola.
Hinawi nya ito at biglang nagreflect sa pader. "Zeren Fliro!"
Umakyat ito sa stage. Tumili yun ibang babaeng lobo nun ngumiti ito. Magkauri eh.
Psh.
Kumuha uli ang host-like at nagsalita."Saerus!"
Umakyat ang babaeng sobrang putla at winala ang lahat nang ekpresyon.
"Waltus Den!"umakyat ang isang lalaki na medyo malaki ang katawan na mula commoners ata.
Ang huling tatawagin ay mula sa grupo namin."Rade Cial!"
Malakas na tilian ang narinig nang tumayo na si Rade at lumakad papuntang stage.Tumingin sa gawi namin ito at kumindat. Napakalandi.
Pinapunta na sila sa gitna at umangat ang inuupuan namin pataas. Halos muka na itong dome pero ang gitna ay may makapal na barrier. Nandoon silang apat at may dummy sa gitna.
"KAY ZEREN FLIRO ANG SIMULA HANGGANG MATAPOS KAY RADE CIAL..SIMULAN NA ANG LABAN!"
Agad na nag ingay ang buong paligid. Kanyang kanya sila cheer sa mga kauri nila. Halos ang pinakamalakas ay saamin. Vien ba naman sumigaw at magtitili. Pumalakpak lang ako pero ang mata ko ay nasa stage.
Tumahimik at tumutok na sila nang sinenyasan ng host-like yun Fliro. Agad na nagtranform ito sa papaging lobo at inatake ang dummy. One hit lang ang pwede nilang gawin kaya ibigay mo na lahat ang kaya mo.
Sinuntok nya yun dummy at halos magkaroon na nang crack yun inaapakan nila. Nakita ko din ang paggalaw nang lupa sakanila pero niisa ay walang pumansin nun.
Hinihingal na napatingin sa taas yun Fliro at nakita ang marka nya.
'789'
Di na masama. Halos nagwala uli ang mga kauri nya at sinigaw ang pangalan nya. Napapalakpak din ako dahil malakas talaga ang impact nun. Ngumiti ito at bumaba na ng stage.
Susunod na ang bampira. Kakaiba ang taglay nyang ganda pero sobrang putla nya. Sinenyasan na nang host-like ito para umatake.
Biglang nag iba ang aura na sumakop sa buong lugar na tila ito ay napakbigat. May binigkas ito pero di madinig at isang itim na bula ang pumaloob sa isang dummy. Nakita ko na halos pinipilit nya itong pisatin.
Sa isang iglap,nawala ang itim na bula. Tumingin ito sa taas at hinintay ang kanyang marka.
'4356'
Halos ang lahat nang tao sa gym ay namangha at napa'woah'. Magaling ang isang toh.
Malakas na palakpak lang ang binigay at bumaba na sya sa stage. Nakita ko na napatanga yun lobo sakanya pero di nya ito pinansin at naupo nalang din.
Nagsigawan ang mga kauri nang susunod. Halos ang sinisigaw ay...
"Kaya mo iyan,Waltus!"
"Gooooo Waltus!"
"Ipakita mo sakanila ang nagagawa nang isang commoner na di dapat minamaliit!"
"W-A-L-T-U-S!"Wow mukang sobrang sikat nang isang toh sakanila ah. Pinatahimik na ng gwardiya at host-like ang mga nasisigawan.
Nakita ko na medyo nanginginig syang lumapit. Nakita ko din ang pasimpleng pag bulong ni Rade sakanya. Ngiti ito kay Rade at tumango. Nilapitan nya ang dummy at biglang....niyakap?
Umugong ang salitang 'aww' dahil akala nila iyon na iyon pero nagkakamali sila.
Biglang binalibag ni Waltus ang dummy. Malakas ito dahil nakagawa ito nang crack na parang gigil na gigil ito doon.
Pinakawalan nya ito at inayos uli habang hinihintay nyang lumabas ang marka.
'3478'
Maraming nagsisisigaw na okay lang daw iyon..'bawi next time' oo bawi ka sa susunod na taon.
Ngumiti ito nang matipid at bumaba na nang stage. Halos nabingi ako sa lakas nang sigawan mula saamin. Lalo na ang dalawa kong katabi na halos tanggalin na ang lalamunan nila.
-.-
Pumesto na si Rade. Sinenyasan na ito na pwede na syang tumira kahit anong oras nya gusto.
Halos pigil hininga ang ginagamit nang katabi ko at napapakagat labi. Sya pa kabado?amp.
Humingang malalim si Rade at nagsalita nang pabulong. Pero di iyon nakaligtas sa akin mata.
What the hell.
Gagamitin nya iyon? Napakadelikado nun. Bigla tuloy akong napatayo at nasita nang nasa likod ko pero wala akong pake.
Tinitigan ko mula sa pwesto ko ang ginagawa nya. Nakita ko na biglang nakaroon nang magic circle at nilabas nun ang 'sword of explosion'.
Ang sword of explosion ay sobrang lakas makahigop nang lakas. Kailangan mo itong masterin nang halos apat na buwan pero sya isa o dalawang linggo lang? Masyadong delikado ito lalo na kung di ko pa ito bihasa dahil paulit ulit itong sasabog pag hinawakan mo.
Parang nag slow mo bigla sakin ang pagkuha nya doon at sinaksak ito sa dummy. Ilang segundo lang at tuluyan sumabog ang dummy. Nagkaroon nang malaking crack sa barrier at medyo nakalabas ang usok.
Sobrang usok doon sa loob. Halos di na makita ang tao roon. Kaya naman agad ko syang tinawag sa isip ko.
"Rade!"
Medyo matagal pero sumagot sya."oh?"
"Ayos kalang? Ang kapal nang usok. Hindi naman siguro aayo sumabog diba?"
Natawa ito nang mahina."oo naman..tignan mo ang marka ko Hera..."
Di nako nagsalita at tumingin doon sa pawalang usok sa loob. Maraming napasinghap sa nanyari doon sa dummy.
Gutay gutay at nakakalat ang mga parte. Tumingin ako agad sa taas.
No way.
'9999'
-------------TO BE CONTINUED-------------
A/N:
■THANK YOU FOR READING! KUNG PAMILYAR YUN SA DUMMY'S ABILITY..GALING IYAN SA FAIRY TAIL!
■MAKE SURE TO LEAVE A LIKE,REACT AND COMMENT.
■KEEP SAFE AND STAY HYDRATED PIPS!🌻