Chapter 26
(A/N:Start na nang evaluation hihi. Sino sino kaya ang makakapasa?)
••Hera POV••
Mabilis natapos ang mga araw na binigay saamin para magsanay. Halos di na kami kumakain sa tamang oras para lang punan at maiayos ang mga atake.
Kila Rade naman ay ganon din ang ginagawa. Halos walang tigil kakaensayo.
Sa unang level ay Dummy's ability. halos physical attacks lang at susukatin lang ang lakas mo. Ganto,may isang dummy dun na nakakasense kung gaano ka kalakas.So kailangan mo iyon tirahin nang pinakamalakas mong nagawa. Sobrang laking nang tyansa ko dito na manalo dahil kaya ko gayahin ang ability pero di ko iyon basta basta magagamit sa harap nila kaya sa teleportation lang muna ako.
Sa unang level ay halo halo. Bampira,taong lobo,mahikero o fairy ay pwedeng matawag.
Paano nga ba nanyayari ang evaluation? Ang evaluation ang dito natin nalalaman kung ang ability mo ba ay pang first,second o third na section. Sa unang parte o level nang evaluation ay dummy's ability. Sunod na level o pangalawa ay Versustion. Ang Versustion ay ang dalawang magkaparehong uri ay maglalaban. Ito ang mag dedetermined kung kaya mo ba talaga makapasok sa section nila. Mostly,Section A ang mga kalaban. At ang panghuling level o tinatawag din na Wipe off.
Ang Wipe off ay ang pasasama sama nang lahat na uri at matira matibay. Ang rules lang dito ay wag na wag lalagpas sa guhit kundi out kana. Simple right? You think so. Pwede ka nilang patayin bago ialis o tanggalin ka sa guhit na yun.
At ang matinding twist dito ay random ang pagtawag. Kung saan ka matatawag dun ka. It's either 1st,2nd or 3rd level.
Napabungtong hininga nalang ako..maski ako ay kinakabahan dahil hindi ko basta basta pwede gamitin ang ability ko.
"Ohhh tama na kakaisip sakin,Hera."
Napalingon ako sa gilid nang may biglang nagsalita.
Sinamaan ko agad sya nang tingin pero tinawanan nya lang ako at bingay ang hawak nyang kape.
"Ano yan? Suhol dahil ikaw ang may kagagawan kung bakit ako may sakit?"
Tumawa lang nang malakas ang kumag."Di ka makamove on doon noh?"
Kinuha ko ang hawak nyang kape at di na sya pinansin. Sumipsip ako doon at tumingin uli sa kawalan.
"Paborito mo talaga dito ano?"Tanong ni Rade.
Di ko padin sya pinansin at nakatulala lang ako sa papalubog na araw.
"Satingin mo..."
Tumingin ako sakanya at nakatingin lang din sya sa araw."Anong satingin ko?"
"Satingin mo magugustuhan ako nang babaeng gusto ko?"
Nanatili akong nakatingin sakanya. Lumingon na sya sakin at ngumiti. Ginulo nya ang buhok ko kaya hinampas ko sya.
Tumawa ang loko loko at tumingin sa kawalan."Satingin ko kasi may pag-asa kung hindi sya lilingon sa iba."
Di ako nagsalita at pinabayaan sya mag dada sa buhay nya hanggang sa lumubog na ang araw tuluyan.
"Kinakabahan ka ba para bukas?"tanong nya.
"Hindi..di naman sunod sunod ang tawag kaya kampante lang dapat."
"Eh sa kalaban mo di ka kinakabahan? I mean,oo nga random ang pagtawag pero iba't iba kasi ang mga makakasalumuha mo diba?"
Tinatamad akong lumingon sakanya."Kung may tiwala ka sa sarili mo di ka magdadalawang isip."
Kinawayan ko lang sya at naglakad na papuntang kwarto.
----Next day----
Pagkalabas ko palang nang pinto ay iba na ang aura sa paligid. Parang kinakabhan na excited. Sa hallway din may nakasabit na kung ano ano. Makalat din parang dinaanan nang bagyo. Sabi ni Aurs normal lang daw iyon kapag excited yun mga istudyante.
Naupo na kami nila Alex malapit sa stage kase kaming anim at yun iba pa ang kasali.
Kung nagtataka kayo kung bakit kami lang at hindi kasama si Aurs,Dahil bago lang kami. Almost mga newbies ang sinasabak dito tapos yun iba,weaklings or na-dare.
In short,gag•han toh lahat tss.
Habang hinihintay magsimula..tinignan ko yun mga kalinya namin na ibang uri.
Mukang malalakas at magagaling pero mas magaling kami. Di ako nagbuhuhat pero alam kong kaya nila Vien ang mga ito.
--------------TO BE CONTINUED--------------
A/N:
▪SORRY KUNG SOBRANG TAGAL NGAYON TAPOS MAIKLI. MEDYO NADISTRACT AKO NA LUMAYO MUNA SA MGA SOCIAL MEDIAS STUFF.▪ANYWAYS,THANKS FOR READING! MAKE SURE TO LEAVE A LIKE,REACT AND COMMENT. ISHARE MO DIN PRENNY MO KUNG BET MO HAHA.
•LABYUALL,STAY HYDRATED AND KEEP SAFE!