(unedited*)
Hera POV:Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nag uusap sila.
"So West,Alex at Seid anong ability nyo?"pagtatanong ni Vien.
"Animals Shifting."Maiksing sabi ni Seid. Sumabat naman si Alex."Speed. Kaya kong kontrolin ang bilis ko."
"Teleportation naman ang akin,Vien..Kay ate Hera ay alam na namin."Pagtatanong ni West.
"Di ko pa alam yun akin eh." Inaantok na talaga ako kaso sabi kanina nun palaka..
*FLASHBACK*
Nagpahinga kami saglit dahil sinabi ko na masyado silang kinabahan at baka mahimatay sila.
"HOY MGA TAO!" Napalinga linga ako kung sino iyon.Napatingin ako sa damuhan. nagitla ako nang may biglang lumundag na palaka papunta saamin.
"HOY WALA KAYONG KARAPATAN MAGPAHINGA!"sigaw nito saamin.
Nagtaka sila Vien."At sinong nagsabi na bawal?"
"MASYADONG MAPANGANIB KUNG DI KAYO AALERTO! MAG INGAT KAYO AT WAG NA WAG MAGHIHIWALAY."at biglang nawala ang palaka.
*END OF FLASHBACK*
Napabungtong hininga nalang ako. Patuloy lang sila sa pag kwkwentuhan pati sila Alex ay nagkwe kwentuhan tungkol sa mga sandata. Napatigil kami sa paglalakad nang bigla kaming harangin nang isang grupo. Lima din sila.
"HAHAHA!Tignan mo nga naman Z,Si Hera nandito oh HAHAHA!"
"Oo nga,Y."
"Oy nahanap na nila yun dalawang laso oh!"
Biglang lumapit yun taong may tattoo."Hera,ibigay mo na samin ang mga laso at lulubayan na namin kayo."
Naramdaman ko na lalapit sana sakin si Seid pero sinita ko lang ito.tumingin ako sa mata nya."Ayoko."
Tumatawa siya habang lumapit pa sakin.Nang makalapit sya tinampal tampal nya ang muka ko. "HAHAHAHA tignan mo nga naman Y,palaban pala ang gusto ni X ano?HAHAHA akina sab--AHHH!"
Bigla kong hinatak at pinilipit ang kamay nyang nasa muka ko. Ang kapal naman nang muka nya hawakan ako."ARRRGGHHH! TULONG Y!"
Tinignan ko lang ng masama yun tinatawag nya. Bumulong ako sa tainga nya."May laso ba kayo?"
Pinilit nyang tumango kahit nahihirapan na ito dahil hinigpitan ko ang pagkakapilipit ko sakanya.
"Ilan?"
Sumigaw muna sya sa sakit."D-d-da-dalawa-a"hirap nyang sabi.
Binitiwan ko sya at tinulak."Maglaro tayo.Ibigay nyo samin ang dalawa kapag nanalo kami at kapag natalo nyo kami? Hinding hindi mangyayari iyon."
Galit na tumingin sakin yun Z ata."Hayop ka! Pagtapos mo kong muntikan mabalian satingin mo papayag ako?"
Medyo lumapit ako sakanila na ikinaatras nila."Di kayo papayag?"Sabay sabay naman silang umiling.Napangisi ako.
"Good answer."Tinuro ko yun gusto kong kalaban para kay Vien.
"Ikaw. Lumapit ka dito."Sabi ko sa nagustuhan kong kalaban ni Vien.Sumunod naman ito saakin.
"Vien,Halika dito."Lumapit naman kaagad si Vien. Nasa gitna ako ni Vien at nung pinili ko."Anong pangalan mo?"
"Lethra."simple nyang sagot.
"Makinig kayo sakin..Maglalaro tayo. Simple lang naman..ang unang makakuha nun.."Tinuro ko yun isang laso na nasa taas pa nang puno."Ang mananalo."
"Paunahan lang ganun?"Tanong ni Vien.
"Tama ka dun..pero may twist. Pwede nyong gamitin ang ability nyo."Ngisi ko sakanila.
Kaagad na umalma si Vien at bumulong sakin."Hera!alam mo naman di ko pa alam ang ability ko. Bakit ako?"
"Palalabasin nga natin kaya ikaw ang pinili ko. Kaya mo yan,Vien. Naniniwala ako na ikaw ang mananalo."bulong ko pabalik sakaniya. Binigay ko ang espada na hawak ko kanina sakaniya. Tumayo ako nang tuwid at naghanda nang umalis sa pagitan nila.
"Panuorin mokong matalo ka." Rinig kong sabi nung Lethra.
"Asa ka pa."sagot ni Vien.
"SIMULAN NA!"sigaw ko. Kaagad silang tumakbo sa puno na may laso sa taas.Gumamit si Lethra nang potion para magkaroon nang harang at matrap si Vien sa baba. Witch craft ang ability nun Lethra. Paakyat na nang puno iyon Lethra munit nagulat ata sya kung bakit madaming patalim sa punong iyon.
Tinignan ko muli si Vien at nakatakas na sya sa mga ugat. Biglang hinila ni Vien si Lethra. Pareho silang paakyat na nang puno iyon Lethra munit nagulat ata sya kung bakit madaming patalim sa punong iyon.Tinignan ko muli si Vien at nakatakas na sya sa mga ugat.
Biglang hinila ni Vien si Lethra. Pareho silang bumagsak. Sinuntok ni Lethra si Vien nang paulit ulit dahil ayaw syang pakawalan nito.
•Vien POV•
Ang sakit na nang katawan ko dahil kanina pako sinusuntok ni Lethra. Putangna talaga ni Hera! Pinilit kong hagipin ang mga kamay nya at kinuha yun espeda.
Tumayo ako at tinignan si Lethra.
"Ano suko kana ba?HAHAHA!tignan mo ang sarili mo..ikaw makakapasok sa Palasyo nang ganyan? Gumising kana, Vien. Bawal ang mahihina dun. Dapat mga katulad lang ni Hera ang makakapasok dun."Dada nun Lethra.
Tinignan ko si Hera. Tama sya. Katulad lang dapat ni Hera ang makakapasok dun."Pero ayaw ni Hera pumasok dun kapag wala ako. So no choice sila kundi tanggapin nila ako!" At inatake siya nang espada.
*KLING!*KLING!*KLING*(tunog iyan nang espada wag ka-▪-)
Patuloy lang nagsasanggian ang mga espada namin. Pero nawalan ako nang balanse kaya natisod ako at nabitiwan ang espada.
Bigla naman dumagan si Lethra sakin."It's over." Pilit kong inaabot ang espada ko nang tapakan nya nang madiin ang kamay ko.Tiniis ko ang sakit at inabot pa din ito.Nang bigla sinaksak sakin ang espada nya.
"VIENNN!"rinig kong sigaw ni West. Tinignan ko si Hera. Nakatingin lang sya sakin. Nang bigla akong nakarinig nang boses sa utak ko.
"Tumayo ka dyan,Vien."
"Vien..Tayo." si Hera!
Napaubo ako nang dugo. Nanlalabo nadin yun paningin ko. Napangiti ako. Tapos na ako,Hera. Wala nang pag asa. Narinig kong sumisigaw sila West na itigil na.
Pinikit ko na ang mata ko. Kaso may lumiliwanag. Ang sakit sa mata. Sinusundo naba ako? Nag iinit ang puso ko. Parang may gustong kumawala.
-----------------------------TO BE CONTINUED... -----------------------------
A/N:
■THANK YOU SO MUCH FOR READING!Read,like and reply for your thoughts!■Hinabaan ko na para pambawi kasi di ako nakapagupdate nang ilang days yay!